Kabanata 7

9.6K 412 54
                                    

Kabanata 7

If I Have Nothing

I stayed away from my brother’s friends because of Rhett. He was always the reason why I steer clear away from them. Hindi ako nagtatagal sa grupo nila kapag inaaya ako ni Kuya dahil hindi ko gustong makita iyong tingin ni Rhett na nakakapanlamig ng buong katawan.

I managed to do that for a few weeks. Hindi naman madalas na nagagawi ang mga senior high doon sa kanila kaya mas madaling iwasan. College activities were different from ours. And college students don’t really meddle much with us because they think we’re too immature for them.

May mga nakita pa nga ako sa mga kaklase kong umiyak kasi sumubok magka-boyfriend nung college. Ayun, at sa classroom umiiyak.

Why would they badly be in a relationship? Masarap ba talaga iyon sa pakiramdam kasi sa mga nakikita ko, hindi naman. Puro pasakit lang naman ang dala. Love is a distraction. Kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan, laging sumusugal ang mga tao. They couldn’t wait for the right time for that.

“Narinig ko kaninang umiyak daw si Ellie sa girl’s cr.” bulong sa akin ni Marriam nang makaupo na siya sa tabi ko habang nagbabasa ako ng pdf sa aking cellphone. Napahinto ako sa pags-scroll at kunot-noong bumaling sa kaniya.

“Bakit daw?” I was just curious. Maldita ang babaeng iyon. Parang wala naman sa bokabularyo niya ang umiyak.

“Boyfriend niyang college daw, nakipaghiwalay sa kaniya.”

“Reason?”

“Boba daw kasi.” sabay hagikgik niya. Napailing na lang ako kay Marriam. Palaging ang daming nasasagap na balita na kahit hindi ako interesado ay palagi niyang sinasabi sa akin. I think it was our way to kill time. Binubulong lang naman niya sa akin kapag may ginagawa ako para daw may pagkaabalahan siya.

“Ay nga pala, may battle of the bands mamaya yung college. Hindi naman affiliated sa Buwan ng Wika pero pumunta tayo!” niyugyog pa ni Marriam nang bahagya ang aking balikat.

Tumaas lamang ang kilay ko. “I don’t really listen to music.” I told her.

“Hindi rin naman ako pero maraming gwapo daw ang sumasali doon!”

I already anticipated that she wants to watch because of good looking guys. Palagi namang ganoon ang hinahanap niya sa tuwing nagpapasama ako sa kaniya kapag nakikisali kina Kuya sa lunch. Marriam managed not to develop a crush on my brother because it’s like a forbidden rule. Ang kaso tuloy naging crush niya si Kuya Jax. Mas okay na iyon kaysa maghintay siya kay Kuya Bo at least with Kuya Jax she stand a chance because they were conversing.

“Sige na Syd, punta tayo.” pilit niya pa rin sa akin.

“Bahala ka.” I shrugged my shoulders. Bumalik ako sa pagbabasa habang ngiting-ngiti siya. Nang matapos ang klase namin ay agad na akong nahila ni Marriam. May iilan kaming kaklase na nakasabay na manunuod din ng activity sa college. Tumabi ako kay Marriam habang naglalakad kami.

Nang makarating kami sa venue ay hindi pa naman marami ang tao.

“Anong oras ba’to magsisimula?” tanong ko sa kaniya habang pumipili kami ng mapupwestuhan. There were actually seats on the side pero ang nasa gitna ay blanko at mukhang balak patayuin iyong mga manunuod.

Pumili kami ni Marriam sa mga nasa gilid na mauupuan dahil wala pa namang tao doon. May iilan ng nakapwesto sa unahan mismo ng stage at nasa sahig pa at nakaupo.

“Mga 5:30 siguro pero di ako sure eh. Ang sabi naman kasi doon sa announcement 5 pm magsisimula, eh alam mo naman, mga Pinoy may ibang oras na sinusunod.”

If I have Nothing (Absinthe Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon