Kabanata 21

9.3K 412 126
                                    

Kabanata 21

If I Have Nothing

Ang ginawa kong paghalik kay Rhett sa kaniyang kaarawan ay mas nagbunga pa sa aking nararamdaman. After his birthday, I didn't want to face him. Ano ba naman kasing pumasok sa isipan ko at hinalikan ko siya sa pisngi? Although, I know that no one saw me do that, I am still filled with embarrassment. Hindi kasi ako iyong tipo na gagawa nang ganoon nang basta-basta na lang.

Pero tapos na iyon, ilang linggo na nga ang lumipas. Sa tuwing magkakasama kami ni Rhett kapag hinahatid niya ako sa bahay ay nahihiya pa rin ako. What does he think of me now? Does he think that I already had feelings for him that's why I kissed him? o Baka na-offend siya kasi ang bata ko pa para humalik sa kaniya.

Either way, I am still embarrassed.

"Where are we going?" I queried when I noticed that Rhett was taking a different route. Hindi iyon ang patungo sa bahay.

Napaayos ako ng upo at napalingon sa kaniya. I was tired from our class today, lalo na at nagkaroon ng drill sa University kanina.

"I'll take you somewhere," tugon niya sa akin. My lips protruded a bit but I didn't comment on it. Sumandal akong muli sa upuan at pumikit. Maaga pa naman pero dinadalaw na ako ng antok. It was probably because I binged watch a drama series last night. Hindi ko lang kasi mapigilang hindi mapanuod dahil napakaganda. Inumaga na nga akong natulog dahil pinagsabay ko iyong panunuod at paggawa sa aking parte sa PracRes namin.

Naramdaman kong tumigil ang kaniyang sasakyan. I also heard the turning off of the engine of his car. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at bumungad sa aking harapan ang isang establishment na may pangalang Dionysus.

Kumunot ang noo ko nang may makitang pagkakasulat doon. "Bar?" isinatinig ko iyon at nilingon si Rhett.

He was already removing his seatbelt. Nilingon niya ako. "Just wait here. I have to get something," aniya.

Pinanuod ko lang siyang umalis. He did not enter the front door. Sa may gilid ng establishment ay may parang pasilyo pa at doon siya dumaan.

After a few minutes, he went back with the case of his guitar. Bumalik siya sa kotse at inilagay muna sa back seat iyon pagkatapos ay pumasok na sa loob.

"Dito ang studio niyo?"

"No. This is where we do our gig. I forgot my guitar last night."

"Wala kayong gig ngayon?" I shifted on my seat and glance at him.

"Wala," was his simple reply.

Tumango ulit ako. Medyo naging awkward na kasi wala ng nagsalita sa amin. He also drove silently while a mellow music was resonating in his car.

Ilang minuto pa ay huminto kami sa isang mall. Akala ko ay diretsong uuwi na kami kaya gusto ko pa sanang umidlip. Rhett went out of his car and got his guitar. Lumabas din ako at nagtataka pa rin kung bakit kami nandito.

"We'll be serving as the front act of a local band." ani Rhett nang mapansin pa rin ang pagtataka sa aking mukha. Umawang ang aking labi pagkaraa'y ngumiti.

"I get to see you play?" mangha kong tanong. He curtly nodded at my enthusiasm. Gusto kong tumalon sa tuwa pero baka magmukha akong OA nang dahil doon.

We entered the back part of the mall. Hindi pala doon sa loob gaganapin dahil may malawak na parang ground sa labas at maraming tao. There was a higher platform upfront that serves as the stage. May nakasulat sa stage na DVN.

I don't know much about local bands, especially their genre. Pero ang makitang ganito karami ang taong nadalo sa isang local band performance, sadyang nakakamangha.

If I have Nothing (Absinthe Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon