Kabanata 16

11.7K 370 7
                                        

Kabanata 16

If I Have Nothing

Napalunok ako sa intensidad ng kaniyang tingin sa akin. I can't look away even if I want to. Parang may humahatak sa akin na paniwalaan ang kaniyang salita pati na rin ang kaniyang seryosong titig.

I couldn't find the words to say so I chose not to speak. Tumango ako, pilit na ipinapasok sa isip ang kaniyang sinabi.

He doesn't hate me? Really? I find it impossible to believe. Ever since I step foot at the Costello's abode, and met him, it made me believe that I don't really belong to his world. Iniisip kong kaya hindi ako tanggap ni Rhett ay dahil sa aking pinaggalingan. Sa kaniya mismo nanggaling na wala talaga akong totoong aydentidad.

"A-alis na ako. I-ingat sa biyahe." I looked away and reach for the handle. Wala akong narinig mula sa kaniya maliban sa malalim niyang pagbuntong-hininga.

Tulala ako pagpasok ng bahay. Ibinagsak ko ang sarili sa couch at tinitigan ang family portrait na na nasa aking harapan.

Kinapa ko ang aking dibdib upang maramdaman ang kabog nito. It had a heavy thump, like it came from a thriller scene. Huminga ako nang malalim at hinabol ang hininga.

Maybe, what he said was true. There's no point in lying to me. Pero palaisipan pa rin sa akin kung bakit ganoon ang naging trato niya sa akin sa lumipas na mga taon.

He could have changed before, at least, it won't traumatize me. Lumaki akong may takot at hiya sa kaniya dahil nga sa pakikitungo niya sa akin. I always think low of myself whenever I remember his words. He called me pathetic before. He told me that I don't belong to this world. Siya rin mismo ang nagsabi na hinding-hindi niya matatanggap ang katulad ko.

We were young back then, so I would understand if he said those words out of lack of knowledge. Pero sana naman hindi niya ipinaramdam na ayaw na ayaw niya sa akin. The way his cold eyes would bore into mine, naninigas na ako. I always find it hard to say a word whenever I am in front of him. Palaging nangangapa ako. Palaging nahihiya dahil isang maling salita ay huhusgahan niya ako.

His words bothered my young mind. Nang dahil doon, mas gusto kong patunayan sa kaniya na nagkakamali siya ng iniisip sa akin. I strived hard to feel that I belong in their world. Na kahit hindi ako kadugo ng aking kinalakihang pamilya ay kaya kong makisabay. I didn't back down. I proved myself. Kaya hindi ko pa rin maintindihan.

The next day, I waited for him in the classroom. Himalang hindi ko siya nakita agad nang matapos ang klase namin kaya naghintay ako. I've waited for almost thirty minutes but I didn't see a glimpse of his shadow.

"Five minutes." I told myself. Kung hindi siya makakarating, baka mag taxi na lang ako pauwi. Hindi na kasi ipinadala ni Mommy ang driver namin dahil sa pagkakaalam niya ay hinahatid na ako ni Rhett pauwi.

I glanced at my phone. Kanina ko pa hinihintay na magtext siya kasi baka may gagawin pa o sasabihing hindi niya ako mapupuntahan.

My heel moved up and down as I waited. Tumayo na ako pagkaraan ng isang minuto. Binitbit ang aking bag at lumabas na ng classroom.

Maybe I should wait for him downstairs so he won't come up.

Kaya ang ginawa ko ay bumaba na lang ako ng hagdan at naghintay doon sa may first floor.

I checked my phone again. Two minutes. Iyon na lang ang natitira bago ako magpasyang aalis na. Sumandal ako sa barandilya habang naghihintay. Wala ng tao ang ibang rooms, at sa iba naman ay kaunti na lang at mukhang may gagawin pang project.

I sighed. Rhett's five minutes were over.

Inilagay ko pabalik sa aking bulsa ang aking cellphone at pinilit na humakbang.

If I have Nothing (Absinthe Series 5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon