Kabanata 10
If I Have Nothing
Nakarating kay Kuya ang kwentong iyon. I know for sure that it was Rhett who told him considering that he was the sole witness of that. Kuya Bo, being the protective brother, called for our parents, demanding a lawyer for this case because it should have been resolved a long time ago. Wala lang may gustong magsalita dahil makapangyarihan ang pamilya ng Trance na iyon.
With the other victims of Trance coming out, I realized that Rhett was right. Dapat ngang magsampa ng kaso sa bastos at manyak na iyon dahil napakarami ng babae ang nahulog sa bitag na iyon. They were silenced, threatening their scholarship or even their standing in schools. Ngayon ko lang nakilala ang Trance na iyon kaya wala talaga akong kaide-ideya sa kung ano nga ba ang makakaya niya.
He was a famous athlete at UDM's Senior High school. Nasangkot sa isang issue kung saan nag-ugat sa isang aksidente ng isang studyante. Pero nalusutan agad iyon, and maybe it was because of money. Money indeed, makes the world go round. Kayang ikutin ang katotohanan at kayang ibahin iyon maging pabor lang sa taong makapangyarihan.
I realized this society sucks, favoring those with a lot of money. Degrading the oppressed, depriving them of their liberty and justice. Wala talagang balanse sa mundo. Palaging may nakakalamang. Palaging may gustong magmataas. Kailangang may maiwan sa ilalim at dapat tapak-tapakan.
Niyakap ako ni Mommy nang sabihin ng Dean na iki-kicked out na si Trance sa school same as his friends who were part of their activity. They also made sure that no one accepts him because of his record. Nagbigay din ng statement ang isa niyang kaibigan na sawa na sa pinanggagagawa nila kaya mas lalong lumakas ang kasong ipinataw.
Naging balita iyon sa buong school pero hindi ibinigay ang pangalan ng mga babaeng naging biktima niya. Some of them stopped going to school because of Trance's family's threats. Hindi lang naman kasi pala mga Senior high ang naging biktima niya maging ang ibang mga college students na babae na alam nilang wala talagang kalaban-laban.
"You said he only touched your waist, Syden! Pero bakit narinig kong pati sa dibdib at puwet ay hinawakan ka? Putanginang 'yon! Sisiguraduhin kong hindi makakalabas iyon sa kulungan." Kuya was on rage when he was done talking to my parents about the case. Alam ko namang iyon lang ang sinabi sa kaniya ni Rhett kasi iyon lang din ang sinabi ko sa huli.
"Boaz, watch your language! I won't tolerate that! The case has been taken care of, huwag na tayong mangialam." si Daddy iyon at prente ng nakatayo sa tabi ni Mommy. Nakaupo lamang ako sa couch ng receiving room at nakayuko.
"Dad, it's my sister we're talking about!"
"Ipapasok na nga sa kulungan, Boaz," kalmadong pag-aawat pa rin ni Daddy. Si Kuya ay hindi pa rin makalma at alam kong kapag hindi pa siya tatahimik ay baka mag-ugat na naman sa pag-aaway nila ni Daddy.
"Tama na, Kuya. I am okay now. Mas malala ang natamo ng ibang babae kaysa sa akin. They are more traumatized than I am. Dumating naman si Kuya Rhett kaya walang nangyari."
Kahit na paulit-ulit ko yatang sabihin iyon ay hindi siya matatahimik. I realized that Kuya Boaz was really overprotective of me. Nag-iisa niya lang akong kapatid kaya naiintindihan ko iyon. Kahit ako rin naman, kapag may kapatid akong nabastos ay ipaglalaban ko kung ano ang tama. Justice should be served for someone who experienced such harassment.
Kinumusta ako nina Marriam dahil sa nangyari. I couldn't keep a secret to Marriam because she was really worried, lalo pa't bigla na lang akong natutulala sa klase kapag naiisip ang nangyaring iyon but somehow, the feeling of that terror slightly eased as soon as my mind would remember the look on Rhett's face when he held me.
BINABASA MO ANG
If I have Nothing (Absinthe Series 5)
RomantizmSyden Amaryllis only dreamed of three things in life: to find her parents, to have her own complete family and to be a doctor. Nabuhay ang pag-asa niyang iyon nang ampunin siya ng mga Costello at ibigay lahat ng bagay sa kaniya. She thought she was...