Kabanata 5
If I Have Nothing
The beginning of being a Senior High student was fun and exciting. Hindi lamang dahil sa iisang taon na lang ay nasa kolehiyo na kundi dahil marami akong bagong nakilala. Kuya Bo’s university is indeed good. Kahit na kalayuan sa bahay ay nasasanay ko na rin ang sarili ko.
I seldom see my brother in the campus, siguro ay dahil na rin sa hiwalay naman talaga ang Senior High sa college. Minsan ay nagsasabay kami sa lunch kapag naaayon iyon sa schedule niya. He was already in his second year so medyo busy pa rin.
“Tapos ka na sa Pre Cal, Syd?” tanong sa akin ng kaklase kong si Marriam nang naupo siya sa aking tabi.
“Yup, ikaw?” Umayos ako ng upo at binuklat ang aking notebook na naglalaman ng aking nasagutan sa aming assignment sa Pre Calculus. It had my sketch of the graphs and my answers were all encircled. Naramdaman kong dinungaw ni Marriam ang aking notebook.
“Wow! Ang talino mo talaga Syd! Hanggang three pa lang yung nasasagutan ko.” She uttered still awed while her eyes were on my notebook.
Ngumisi ako. It was a bit of a culture shock because we were introduced in this new subject. I had it when I was in grade nine pero hindi naman talaga iyon tinalakay ng guro namin. I had a trouble understanding at first pero nadadala rin naman sa pabasa-basa ng libro.
“Siguro hindi mo ‘to pinagpuyatan. Ang talino mo kaya...” Marriam continued mumbling.
Bumalik siya sa maayos na pagkakaupo. Iniwas ko na lamang ang tingin sa kaniya at bumuntong-hininga. Magandang kasama si Marriam but Juniper is better. Wala talagang makakapagpalit kay Juniper. Sa kasamaang palad, mas gusto niyang manatili sa pinapasukang high school dahil malapit lang kina sister.
When lunch took over, I was still with Marriam and some of our girl classmates. May ibang hindi ko gusto sapagka’t sumasama lang din dahil kokopya sa mga assignment na nagagawa ko na. I don’t mind though, pero minsan unfair kasi nga pinagpupuyatan ko pagkatapos ay kokopya lang sila. After they’re done with it, they’ll just simply talk to me about cosmetics and all.
Marami akong natutunan. I learned how to use tints for my cheeks and lips. Sabi ng mga babaeng kaklase ko ay mas gumaganda ako lalo doon.
“Hindi ko napansin, you’re using pink tint pala Syd! It looks good on you! Your complexion’s tan but it still really compliment your skin. Sana ganyan din ako!” si Ellie, yung isa naming kasama kapag tanghalian. She was one of the girls who introduced me to some girly stuff. Kadalasan ay siya yung nagpapaalala sa akin na gumamit and she even introduced me to other brands!
I chuckled slightly. “Hindi ko kasi mahanap yung medyo burgundy kaya ito na lang.” I said totally amused.
Pabirong umirap siya ngunit umisod naman palapit sa akin at hinawakan ang aking kamay. I raised my eyebrow. Nakita ko kung paano siya ngumuso sa akin at lumambot ang mga mata.“What?” I asked.
“Minsan isama mo naman ako sa paghihintay mo sa Kuya mo! Introduce me!” aniya. Palihim akong ngumiwi nang humigpit ang hawak niya sa akin.
Sometimes I really hate it when girls try to get to me and used me just so they could get close to Kuya. Alam kong ang iba sa kanila ay nagustuhan lang naman si Kuya dahil sa pera o di kaya’y dahil gwapo ito at galing sa prominenteng pamilya. Not only that, my brother was a part of the University’s basketball team. Ngunit mas inaabangan ang laro niya tuwing college week, dahil siya ang star player ng kanilang department.
“Err, hindi ko alam Ellie. Sometimes Kuya hates it when I introduce someone to him. Kaya...” I trailed. Tinitigan ko nang may kaunting takot ang kaniyang mukha nang sumimangot siya sa akin at agad na lumayo.
BINABASA MO ANG
If I have Nothing (Absinthe Series 5)
RomanceSyden Amaryllis only dreamed of three things in life: to find her parents, to have her own complete family and to be a doctor. Nabuhay ang pag-asa niyang iyon nang ampunin siya ng mga Costello at ibigay lahat ng bagay sa kaniya. She thought she was...