Kabanata 9

9.3K 341 65
                                    

Kabanata 9

If I Have Nothing

It was my first time seeing Dad and Kuya Bo fighting. Mula sa labas ng opisina ni Daddy ay sinubukan kong makinig sa pinag-aawayan nila. Their voices were muffled but it was clear to me that my brother was angrier than Dad and I didn't know why.

Ito ang unang beses na pagtataasan niya ng boses si Dad. And it breaks my heart when I don't even know why they are fighting.

Napalayo ako sa pinto ng kwarto nang marinig kong magbubukas na iyon. Bumungad sa akin ang galit na mukha ni Kuya at nang makita akong nasa harapan ng pinto ay napalitan iyon ng gulat.

"What are you doing here, Syd?" binalingan niya ng tingin si Daddy at ibinalik ulit iyon sa akin. He then closed the door and went to me.

"Nag-away ba kayo ni Daddy?" Lumapit ako sa kaniya at tinitigan ang kaniyang mata. It was restless as if they wanted to speak of something. May galit pa rin doon sa mga mata ni Kuya na hindi ko alam kung para sa ano.

Iniwas niya ang tingin sa akin. "It was nothing."

Ipinilig ko ang ulo at inalala ang galit na mga boses kanina. "That doesn't sound like nothing to me."

"Syd..." may pagbabanta sa kaniyang boses.

I sighed. "Okay, I'll stop. Nag-aalala lang naman ako, Kuya. You and Dad don't argue like that."

Bumuntong-hininga rin si Kuya at inakay na ako paalis sa pintuan ng office ni Dad. Bumaba kami ng hagdan at nagtungo sa sala.

"It's just about school. Don't worry." Ginulo ni Kuya ang aking buhok at ngumisi sa akin. Kahit sa paggawa niya ng bagay na iyon ay hindi pa rin ako mapanatag. Surely, this is something serious. Hindi naman kasi sila mag-aaway kung hindi. Kuya proving his point and Dad proving his, too, surely, this isn't just school anymore.

Hanggang sa school ay dala-dala ko ang pag-iisip na iyon. I kept asking Marriam why would a father and son fight with each other. Ang sabi niya sa akin ay normal lang naman na mag-away kung hindi nagkakasundo sa ibang bagay.

Iyon nga eh, halos magkasundo na sa lahat ng bagay sina Kuya at Dad. And school? Kuya followed Dad's footstep in business. Magaling si Kuya doon kaya tuwang-tuwa si Dad palagi na dinadala siya sa kompanya dahil madaling matuto ang aking kapatid.

"Hayaan mo na nga. I'm sure magbabati din sila." sabi ni Marriam sa akin. Wala sa sarili naman akong tumango. Gusto kong puntahan si Kuya pag naglunch na kasi nag-aalala pa rin ako. Pag-alis niya ng bahay kahapon ay hindi na sila ulit nag-usap ni Dad. Maging si Mommy ay hindi niya rin kinakausap.

"Hindi ba online si Kuya Jax?" tanong ko kapagkuwan kay Marriam. Hawak niya kasi ang cellphone habang nagkaklase at magkatabi naman kami. Ang galing niya ngang magtago ng gadget eh.

"Hindi eh." binulong niya pabalik.

I sighed. Lumingon muna ako sa paligid bago ko kinuha ang aking cellphone. I turned my data connection and checked if Kuya was online. Wala akong nakitang pangalan niya. Nagtext din ako. Hindi nga lang nagreply. Baka nasa klase o hindi niya lang naramdaman na nagtext ako.

Nang matapos ang klase namin sa umaga ay sinabihan ko si Marriam na pupunta ako kay Kuya dahil wala siyang naging reply sa akin. Hindi naman na mag-isang kumakain si Marriam kasi nandyan naman si Darwin kaya okay lang iyon.

I went to the college. Nang buksan ko ang aking cellphone ay wala pa ring reply si Kuya. I actually don't know his classroom. Hindi naman ako nagagawi doom at tanging college cafeteria lang naman ang alam ko. Nagtanong-tanong ako sa ibang studyante doon. I looked really different because I was wearing the uniform of a Senior high tapos ang nasa paligid ko ay kolehiyo na. Ang hindi lang nalalayo sa amin ay ang tangkad. I was tall for a girl, bagay na parang gusto kong ipagpasalamat sa aking mga magulang.

If I have Nothing (Absinthe Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon