Kabanata 17

9.1K 320 36
                                    

Kabanata 17

If I Have Nothing

It had been three months after the announcement of my engagement to Rhett. So far, my interaction with him was sailing smoothly. He was less cold and more approachable now compared before.

Sa tuwing nagkakasama kami pauwi, hindi na ako naiilang na makipag-usap sa kaniya. I talk to him about small matters and sometimes, things that I experienced in the classroom. Kahit pakiramdam ko minsan hindi siya interesado, nakikinig naman siya. And whenever I stop, he would glance at me saying that I should continue my talk.

I always wish for something like that. Iyong malalapitan ko siya nang walang takot o kaba —na mararamdaman kong tanggap niya ang aking presensya. It touched my heart warmly. Parang unti-unti, natutupad na iyong mga hiling kong tingin ko noo'y imposible ng mangyari.

"Tapatin mo nga ako, Syd," napatingin ako kay Marriam dahil sa kaseryosohan ng kaniyang boses. Ang mga mata niya'y nang-aakusa sa akin.

"Huh?"

"Boyfriend mo na 'yang Rhett ano?" she giggled. "Sabagay, kahit sino naman ganoon ang iisipin!"

"He's...not my boyfriend. We're just...friends."

She snorted. Tinama ang balikat sa akin. "Friends my ass. Ang dami na ngang nagsasabi na ang swerte mong makabingwit ng college!"

Napangiwi ako.  Ako, nakabingwit? Ano si Rhett, isda?

"Your words, really," naiiling kong sabi. "Wala nga kaming relasyon."

"Hindi ako naniniwala. I mean, kapag kasi nahuhuli ko ang tingin niya sa'yo, kakaiba."

"Paanong kakaiba?" Humarap ako sa kaniya.

"Sa akin lang naman ito. Rhett is always cold and snob, pero kapag nakatingin sa'yo, iba iyong intensity ng pagkakatingin niya."

"Because he's always like that to me. Mas madiin naman talaga siyang tumitig kapag sa akin. You know that he dislikes my presence before, masaya nga ako na nagbabago na iyon."

Umiling-iling si Marriam at hindi tanggap ang aking isinagot. "Not like that! Wala ka talagang kamalay-malay, ano? Are you just clueless or you don't seem to care?"

"Huh?" mas lalong kumunot ang aking noo. "I don't really see what you see in us."

"Eh kasi nga bulag-bulagan ka. He likes you, even Darwin said so. Observer na kaming dalawa ni Darwin kaya sinabi niya rin iyon sa akin sa tuwing naaabangan namin si Rhett sa labas ng classroom."

"Ewan ko sa mga nakikita niyo." I huffed, half chuckling.

"Totoo nga! He likes you. That kind of stare is just for someone you like or admire. Try to even think about it or at least, observe."

Umiling ako. I don't want to think that Rhett likes me, and I mean romantically. Imposible namang mangyari iyon. I am not really that pretty for him and I am not his type.

"Uy, ano 'yang pinag-uusapan niyo?" sabad ni Juniper nang makapasok siya sa kwarto ko dala ang tray ng pagkain. I was too lazy to come downstairs and she volunteered to do it.

"Juni, what do you think of Rhett liking Syden? Diba it's obvious naman na may gusto si Rhett sa kaniya?"

Nalito naman ang aking kaibigan. Inilapag niya ang tray ng pagkain sa coffee table bago tumabi sa amin sa pag-upo sa sahig.

"Hindi ko alam. Ngayon ko na lang nakita ulit iyon kaya baka," ngumisi siya. "Ang ganda kaya ni Syden kaya posible naman talagang magustuhan siya ni Kuya Rhett."

If I have Nothing (Absinthe Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon