Kabanata 27
If I Have Nothing
I went out of my room wearing a long sleeved v-neck blouse. Masyadong malalim ang pagkaka-V kaya naglagay ako ng tube top sa ilalim. I also wore a washed fitted jeans and a pair of ankle boots. Nakasukbit sa aking balikat ang aking backpack.
Kanina ay kinatok ako ni Rhett na nakaready na ang umagahan namin. I was still taking a bath and I told him that he could eat first because I might take a while. Pero nagulat ako dahil nadatnan ko siya sa dining na nakaupo pa rin kaharap ang hindi nagagalaw na pagkain. His attention was on his phone but when he heard my footsteps, he took a glance at me.
Iniwas ko ang tingin sa kaniya at dahan-dahang tinungo ang upuan. Umupo ako sa kabilang kabisera na nakaharap sa kaniya. Ang aking bag ay inilagay ko sa katabing upuan.
He arched a brow at our distance, again. Noong isang araw ay ganoon din ang distansya namin nang kumain. Kung layuan ko nga siya ay parang may virus siyang dala at ayaw kong mahawaan.
"Bakit hindi ka pa kumakain? I told you, don't wait for me." Sabi ko at inayos ang kubyertos sa pinggan.
"I still have time. Ihahatid kita sa school niyo."
Pinigilan kong umirap. "Huwag na. My school's just a few walk from here."
"Would you rather walk?" He countered.
"Yes," I answered immediately earning a dark stare from him, "It's an exercise."
Hindi ko na pinansin ang kaniyang tingin at nagsimula na akong kumuha ng pagkain. I uttered a brief prayer before I started eating.
I have made some rules when we had our dinner on Saturday. Dalawang araw na ako dito at wala naman kaming masyadong gulo maliban na lang sa couch na hindi niya maalis-alis sa kwarto. As much as I didn't want to see him, I still can't push him to sleep in his office. Sa couch nga ay nakikita kong nahihirapan siya sa pagtulog. Mahaba ang kaniyang binti kaya ang paa niya minsan ay nakalaylay na sa arm rest. He didn't complain about back pains, either. Baka sanay na siya na ganoon o baka sinasanay pa lang ang sarili.
"Maaga akong uuwi mamaya. What do you want for dinner?" I asked him while I was busy cutting the strip of bacon.
"You'll cook?" Aniya. Tumaas ang aking kilay at napatingin sa kaniya.
"It's in our rules, remember? You'll cook breakfast and I'll cook for dinner. Ang dali mo namang makalimot."
Naglapat lang ang labi niya at tumango. Akala ko nga ay hindi niya sasagutin ang aking tanong ngunit kapagkuwan ay nagsalita siya.
"Anything that you want to cook."
Tumango ako. So pwedeng hotdog na lang ulit at bacon ang lulutuin ko?
Ipinilig ko ang ulo sandali bago ipinagpatuloy ang pagkain. Ako ang nagligpit ng pinagkainan namin. There was also a dishwasher but he washed the plates manually.
"Ihahatid nga kita." He insisted when I told him that I am going.
"Lalakarin ko nga. You haven't even done with the plates. Male-late na ako."
"It's still early. Your class starts at eight."
"And how do you even know my schedule?" Salubong ang kilay na tanong ko.
"I had to check to match our schedule."
"What for?" pahisterya kong tanong.
"Para mahatid-sundo kita. I am not okay with you walking to and from school."
Mas lalong lumalim ang gitla sa aking noo. I stared at him for a minute to tell if he's joking or not. Hindi niya nga ako pinansin at nagpatuloy siya sa paghuhugas ng pinggan.
BINABASA MO ANG
If I have Nothing (Absinthe Series 5)
RomanceSyden Amaryllis only dreamed of three things in life: to find her parents, to have her own complete family and to be a doctor. Nabuhay ang pag-asa niyang iyon nang ampunin siya ng mga Costello at ibigay lahat ng bagay sa kaniya. She thought she was...