Kabanata 11

9.7K 364 66
                                    

Kabanata 11

If I Have Nothing

We celebrated the New Year at my father's parents house in Italy. Hindi kagaya ng sa Pilipinas na may masigabong na mga putukan, sa Italy ay matiwasay at ang pagsasaya ay maririnig sa tawanan at kuwentuhan ng mga tao. There was a fireworks display at midnight indicating that it's the start of the year.

Mula sa aking kinatatayuan ay tanaw ko ang nag-gagandahang fireworks sa langit. I hugged myself. Mas lalo akong napangiti lalo na nang maramdaman ang kalambutan ng tela ng sweater na ibinigay ni Rhett sa akin.

"At bakit mag-isa ka lang dito, ha?" Untag ni Kuya sabay lapag ng kaniyang mabigat na braso sa aking balikat. Nanulis ang aking labi pero patuloy pa rin sa pagtanaw sa fireworks.

"Mas maganda kasi ang view dito, Kuya," sagot ko sa kaniya.

He sighed, a feeling of relief. "I just have to wish that this year should be a better one. Ayaw ko ng maulit pa ang nangyari sa iyo last year. I really hate how you keep things from me."

"Hindi ko naman po magagawa iyon kung sinabi niyo lang sa akin ang problema niyo. I hate how you and Dad fight, with me not knowing the reasons," sabi ko sa kaniya.

"There are things that you shouldn't know, for now, Syd. Hindi pa tamang panahon para sabihin sa'yo."

"Is it about me? Ibabalik niyo ako sa ampunan?" Iyon lamang ang naiisip kong pwede nilang pag-awayan pero nawala ang pag-iisip na iyon nang umiling si Kuya at inalis ang pagkaka-akbay sa akin. Hinarap niya ako sa kaniya at hinawakan ang dalawang balikat.

"Are you silly? You've been with us for almost 12 years, Syd! 12! Sa tingin mo ba madali na lang bitawan nina Mommy ang mga taong iyon?"

"Then it's not about me?" I pried. Iniwas ni Kuya ang tingin sa akin at napalunok.

"No. No, of course not." Simple niyang tugon. I watched as he became wary. Naging malalim ang pagtingin niya sa malayo at may tila bumagabag sa sarili.

I know I should trust Kuya's words but something's telling me that somehow, he ws lying. They were keeping things from me. Pero naiintindihan kong may tamang panahon para sa mga bagay na iyon. Bata pa ako. I am sure that what they're keeping from me is for my well being too. Na baka kailangan ko lang malaman kapag nasa tamang edad na ako.

Natapos ang New Year na iyon at mas pinili kong kalimutan muna ang sinabi ni Kuya. We went back to the Philippines for our classes. Balik sa dati na naman ang lahat.

"Syd! Birthday mo na sa 16! Oh my god! You're 17 na!" Pinanggigilan ni Marriam ang aking braso. Nasa isang bench kami at kumakain ng lunch nang bigla niya na lang iyong sinabi.

Mahina akong natawa. "I'm turning 17, yes, ano naman? Wala pa rin namang pagbabago sa ekonomiya ng Pilipinas."

She rolled her eyes. "Well, duh. Seventeen means you're almost legal!"

"Hindi pa rin ako iinom." I looked at her sternly. She pouted her pink coated lips and then giggled.

"Hindi ako nag-aaya, ha. Where are you going to celebrate? Sa bahay niyo lang ba?"

"Yeah, always. Mas gusto kasi ni Mommy na siya ang naghahanda para sa akin. Do you want to come? Aayain ko si Juni and then we could have a sleepover."

"Oh my god, yes, please! Ang ganda ni Juni. I really want to give her a make over."

I chuckled. "Believe me, gusto ka rin ng kaibigan kong iyon. She's just shy at first pero kapag naging close na kayo, parang pareho kayo ng ugali."

"Really? Why are we the same then?"

"Pareho kayong madaldal." Mahina akong tinampal ni Marriam sa balikat pagkatapos ay bumalik siya sa pagkain. Binati ko naman ang kababalik lang sa pwesto naming si Darwin na dala na ang kaniyang bag.

If I have Nothing (Absinthe Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon