Kabanata 30
If I Have Nothing
"May donor ka na ba?" tanong sa akin ni Marriam habang nagsusulat ako sa aking notebook.
"Wala pa," sabi ko bago tinuldukan ang huling sentence at humarap sa kaniya, "Ikaw?"
"Baka iyong driver na lang namin. Busy sina daddy eh."
"Baka si Kuya na lang din ang papupuntahin ko." I said.
"Nasabihan mo na? Eh diba bukas na yung bloodletting?"
"Mamaya, maaalala ko namang sabihin iyon sa kaniya." Tumango si Marriam at humilig sa kaniyang armchair. Itinabi ko na ang aking notebook bago ko kinuha ang aking cellphone sa bag.
I texted my brother if he could donate blood. Kapag may donor kasi ay may additional points sa grado at para na rin siguro mas marami ang maencourage na magdonate ng dugo.
"Ano daw ang sabi?" tanong ni Marriam kapagkuwan.
"Di pa nagrereply, baka nasa klase."
Natapos ang klase namin sa umaga nang magreply sa akin si Kuya. Ang sabi niya ay hindi siya makakapagdonate ng dugo dahil mag-iinuman sila ng mga kabatch niya mamayang gabi. Ang sabi ko pwede niya namang ipagpaliban kasi importante.
Kuya Bo:
Try Rhett, mas mabigat din iyon sa akin. He's got a lot of blood.
Kuya Bo:
And he's your husband. May problema ba kayo?
Napairap ako. Madalas magpuyat si Rhett at saka nahihiya akong kumausap sa kaniya. It was so awkward when we both woke up on the same bed when we slept at his parents house.
Alam kong ako ang nag-aya sa kaniya na tumabi sa akin pero tinubuan ako ng hiya nang sumapit ang umaga. Not because we slept together but I was hugging him when I fell asleep. Noong umagang iyon ay nakayakap pabalik ang kaniyang braso sa akin at nakasubsob ako sa kaniyang dibdib.
Imagine my embarrassment. Hindi ko talaga alam kung bakit ko ba nirequest sa kaniya na magtabi kami. Clearly, I wasn't on my mind when I said that. Gusto ko lang makatulog pero hindi ko iyon magawa.
"Ayaw ng kuya mong magdonate? Ang driver niyo?"
"Ayaw kong makaabala. Pwede namang si Darwin diba?"
Tinanong ko naman si Darwin kung pwede siya pero ang sabi niya ay may quiz sila sa isang subject kaya baka hindi sila makaabot ni Juni. They were willing to donate though if not for their important quiz.
Bakit kasi ayaw pang pumayag ni Kuya? Hindi naman siguro nakakahiyang tumanggi sa inuman nila ng mga kaklase niya. At bakit ba siya mag-iinom eh may pasok kinabukasan? And why was the bloodletting drive falls on a Friday morning? Malamang may pasok ang iba at kahit willing magdonate ay hindi pwede.
I went home still thinking about my donor. Iyong mga kaklase ko mayroon na, tig-tatlo pa nga. Ang sabi sa amin ng isang prof kapag may tatlo na kaming donor sa unang drive pa lang ay pwede ng hindi magdala sa susunod.
Napalingon ako nang pumasok na si Rhett sa unit namin. Wala na ang suot niyang puting uniform na polo at tanging puting t-shirt na lang ang natitira. Napatingin siya sa akin nang madatnan niya ako sa sala at hindi pa rin nagbibihis.
I already told him that I walked from school. Matagal pa siya sa klase kaya kahit tutol ay pinauna na niya akong umuwi. We don't argue on some things anymore. Pero madalas palagi niyang pinupuna iyong hindi ko pagsabay sa kaniya pauwi. Ayaw ko kasing maghintay nang matagal sa kaniya at may ibang importante pang gagawin sa bahay gaya ng pagluluto. At least if he comes home, there's already food he could just devour in the kitchen. Hindi na siya maghihintay nang matagal.
BINABASA MO ANG
If I have Nothing (Absinthe Series 5)
RomanceSyden Amaryllis only dreamed of three things in life: to find her parents, to have her own complete family and to be a doctor. Nabuhay ang pag-asa niyang iyon nang ampunin siya ng mga Costello at ibigay lahat ng bagay sa kaniya. She thought she was...
