Kabanata 24
If I Have Nothing
Sa pagmulat ko pa lang ng aking mga mata hindi na ako mapagsidlan ng tuwa. My family surprised me with a birthday cake as a pre-celebration for my eighteenth birthday. Nagbonding kami sandali sa aking kwarto bago kami bumaba para mag-agahan.
"Happy birthday, Syden!" Yaya Ising enveloped me in a hug. Gumanti naman ako ng yakap. "Salamat Ya!"
Ang dalawa pa naming kasambahay ay binatin din ako. Sabado ang aking birthday kaya naman walang pasok. It's a good thing that we have no project to finish so it's almost a spacious weekend.
Inihanda na ni Mommy ang mga gamit para mamaya. We'll be arriving at the hotel at one in the afternoon pagkatapos naming bumisita sa Orphanage para pakainin ang mga bata. One thing that I really planned for this day is to spend it with the kids. And to also spend it at the place where I made my childhood memories.
Nagtagal kami ni Mommy sa orphanage dahil may ginawa din akong programa para sa mga bata. Ang mga madreng nangangalaga doon ay tuwang-tuwa. Iyong mga bata tuwang-tuwa sa mga natanggap na regalo. This is the one thing that I want to give back to those people who accepted and had given me shelter when my real parents abandoned me.
"Maraming salamat, Ate Syden! God bless you po!" I ruffled their hairs. Bitbit ang mga natanggap mula sa akin ay niyakap nila ako isa-isa.
When my mother called for me when it's time for us to leave, I shook hands with the other workers. Ang iba sa kanila ay bago pa pero kilala na nila ako doon dahil buwanan ako kung bumisita sa mga bata.
When we arrived at the hotel, Mom and I checked the venue. Nandoon ang organizer at inaayos na ang stage. Simple lamang ang disenyo pero pinarami naman ang mga bulaklak na nandoon. I just want the presence of Amaryllis flower and the mixed of red and white motif.
Ang mga mesa ay nakaayos. There were Amaryllis flowers on top of each table too that serves as the centerpiece. Sa gilid ay ang kopya ng daloy ng program.
Inaya na ako ni Mommy na umakyat sa aming hotel room. Doon na din kami kumain ng pananghalian dahil hindi kami nakakain bago umalis ng bahay.
I took a quick nap after eating. Nagising lang nang niyugyog ako ni Mommy at sinabing nandiyan na ang make up artist. It was already two o'clock in the afternoon. I took a long bath and proceeded in front of the make up artist.
"Ang ganda naman ng tan ni Ma'am. Bagay na bagay sa kaniya." The gay complimented my complexion. Bahagya niyang inangat ang aking baba upang masuri ang aking mukha. He then proceeded on putting some cream on my face.
Paminsan-minsan ay nagkukuwentuhan sila ni Mommy. After my make up, si Mommy naman ang inayusan nito at babalik naman ulit sa akin for a second layer.
I was done wearing my gown when someone knocked at the door. Si Mommy ang nagbukas ng pinto at bumungad sa amin si Daddy kasama ang mga kaibigan ko. Sumilip ako nang bahagya at kumaway sa kanila.
"Good afternoon, Tita!" Pinapasok ni Mommy sina Juni at Marriam. Juni looked lovely in her ankle length white dress. Si Marriam naman ay nakasuot ng baby pink na dress, parehong haba lang parehas ng kay Juni.
"Oh my gosh, ang ganda mo!" Si Marriam sabay yakap sa akin. The gown was a bit big kaya hindi kami maayos na nagkayakapan. Sumunod si Juni sa pagyakap sa akin.
Iniwan kami doon ni Mommy tapos ang make up artist ay nag-offer kung pwede rin bang lagyan niya ng make up ang kaibigan kong si Juni. Marriam already had her make up. Si Juni, sigurado akong nagpulbo lang at nag-lipstick. Nonetheless, Juniper still looks lovely. Sa kasimplehan ay mas lalo akong nagagandahan sa aking kaibigan.
BINABASA MO ANG
If I have Nothing (Absinthe Series 5)
RomanceSyden Amaryllis only dreamed of three things in life: to find her parents, to have her own complete family and to be a doctor. Nabuhay ang pag-asa niyang iyon nang ampunin siya ng mga Costello at ibigay lahat ng bagay sa kaniya. She thought she was...