Kabanata 3

10.6K 360 49
                                    

Kabanata 3

If I Have Nothing

Bawat araw ay mas lalo ko lang pinapahirapan ang sarili ko. I’ve been in and out of the school trying to escape the reality that none of them will understand me. It’s been another year of triumph and I am now on the last year of my junior high school life. Si Kuya ay nasa unang taon na niya sa college bilang isang Business Management student. Dahil nga siya ang panganay ay siya ang magtataguyod sa pamamahala ng kompanya. Kahit naman sa akin ibigay ay tatanggi ako dahil alam kong tututol sina Lola kapag ako ang tumayong tagapagmana.
Isang mabuting bagay na rin na nagustuhan ni Kuya ang pamamahala ng kompanya. He’d experienced being a CEO for a day kasama si Dad.

“Hey, Syd!” bati sa akin ng kaklase kong si Jeremy. Itiniklop ko ang librong binabasa at ngumiti sa kaniya.

“Hi!” bati ko pabalik. I am done with the book I am reading. Isang pampalipas oras na gawain para hindi maburo ang sarili sa kawalan.

“Dadalo ka ba sa hapon? I am sure your Kuya will be here!” aniya at umupo pa talaga sa aking harapan. Sinipat niya ang librong kakasarado ko pa lang. Umayos ako ng upo at kinunot ang noo dahil sa kaniyang sinabi.

“Huh? Si Kuya? Why would he be here?” tanong ko.

“I heard that Atticus Rhett will be one of the judges kaya baka sumama na rin ang Kuya mo para naman manuod. Hindi mo ba nalaman iyon sa mga kabarkada niya?”

“Hindi. Minsan ko na lang makita si Kuya. He’s staying in his condo.” Sabi ko.

It’s true. When Kuya turned eighteen, hiniling niya kay Mommy na magkaroon siya ng sariling condo na malapit sa school nila. I’ve been there actually at minsan na ring nakitulog nang mamasyal ako sa kanilang eskwelahan. It was quite big na pwede silang magbabarkada doon.

Matapos ng maikling pag-uusap ay umalis na rin naman si Jeremy. Iniligpit ko na ang aking mga gamit at dumiretso na sa sunod naming klase. I’ll be having lunch outside the school kasama si Juniper. Nagkataon kasing may contest na sinalihan ang aking kaibigan kaya naman gusto ko siyang samahan kahit lunch man lang.

I picked up my phone when I felt it vibrated. Nakita ko doon ang text ni Mommy na nagsasabing tawagan ko si Kuya dahil hindi daw sumasagot. Nagkibit balikat ako bago idinial ang number ni Kuya. Ilang ring pa ay may sumagot doon.

“Hello?” I called the other line. Medyo magulo ang kabilang linya kaya naman bahagya akong nagtaka. What’s taking him so long to talk? Ba’t ang gulo ng background.

“Hmm...Rhett.” I heard the other line. It was a disgusting sound na muntik ko ng mabitawan ang aking cellphone. Boses babae iyon at hindi naman boses ni Kuya. And why is she calling Rhett’s name? Anong ginagawa  nila?

Natuloy ang ingay doon at ni isang boses ni Kuya ay wala akong narinig. Tiningnan ko ang screen ng aking cellphone at nakitang kay Kuya naman ang numerong tinawagan ko. Aligagang tinapos ko ang tawag dahil hindi ako mapakali sa narinig. Ilang beses akong huminga nang malalim at tiningnan ulit ang aking cellphone.

Bakit na kay Rhett ang cellphone ni Kuya? And where’s my brother?

I gritted my teeth in annoyance. Buti na lang pala at ako na lang muli ang tumawag kay Kuya. Kung nagkataong si Mommy iyon ay hindi ko na alam ang gagawin! And I’ve heard the most disgusting sound on Earth!

Ano bang ginagawa ni Rhett? Nilang dalawa ng babae?
Sa narinig ay hindi ako masyadong nakinig sa klase. Buti na lang at hindi naman napansin ng mga guro ang pagkabalisa ko.

Even at lunch ay panay ang tingin sa akin ni Juniper ang sabi pa nga’y para akong nasapian nang tahimik na espiritu.

“Pwede bang lumiban na lang ako sa afternoon class ko Juni? Sobrang bangag ako ngayon.” Sabi ko sa kaniya habang kumakain kami ng inorder naming chocolate cake. Kinurot ni Juni ang aking braso dahil sa sinabi. Humiyaw ako sa sakit.

If I have Nothing (Absinthe Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon