Mabuti nalang at mahimbing ang tulog ng baby niya,mahimbing itong natutulog sa crib,may sarili itong kwarto pero ma's nais niyang siya mismo ang mag alaga ng anak nila.
Breastfeeding kasi ito sa kanya,ma's mainam yung gatas ng ina sa kahit na anung gatas.
Kaya nga iniiwasan niyang ma stress, dahil makakasama iyon dahil,nagpapasuso siya ng anak.Katatapos lang nila mag hapunan,yung asawa niya
Nasa kwarto pa ng panganay nila,kailangan kwentuhan muna ito ni Mathew bago matulog.Naisipan niyang mag shower muna,tama lang para presko bago matulog.
Ma's naging calm ang pakiramdam niya ng dumampi na sa balat niya ang tubig,sakto lang kasi ang templa ng tubig,hindi malamig at hindi din mainit.
Nagmamadali na siyang tapusin ang paliligo at baka gumising ang baby niya.Pag labas niya ng kwarto,mahimbing pa ding natutulog sa crib ang baby niya,at si Mathew nakahiga na din sa kama,mukhang pagod nga ito.
Sinuot na niya yung Pantulog niya,dahan dahan siyang umupo sa kama at baka magising niya ang asawa niya.
Pero nagulat nalang siya ng bigla siyang hatakin nito sa kama pa higa.Wife,ang bango mo naman.
Oyy teka akala ko pagod at natutulog kana..
Psst,wife wag kang maingay magigising yung baby natin,baka dipa ako maka isa niyan pag gumising si baby..
Naku ha ikaw talaga,kaanak ko lang,baka gusto mo ata masundan na agad.
So what,wife naman ang tagal na ng huli e,sympre naman nasasabik naku sayo.
Sus ikaw talaga,anung matagal ka jan kahit 8months na nga tiyan ko nun humihirit kapa eh,
Saka mag 1month palang naman na wala ah..Wife,yung 1month eh,isang taon na sakin yun,please pag bigyan muna ako.
Sa kakulitan ng asawa niya,wala din naman siyang magawa kung di pag bigyan ito.
Lalo pa at pag gusto nito mapusok talaga ayaw magpa awat.
Isa pa sabik din naman siya sa asawa niya,kaya tinungon din niya ang mga halik nito sa kanya.
Parang daig pa nila ulit ang bagong kasal dahil hindi lang isa kondi paulit ulit siyang inangkin ng asawa niya.
Ganito pa din ito katibay sa larangan ng pagtatalik.Halos parehas silang pagod na pagod,buti at mahimbing pa din ang baby,mukhang marunong makisama.
Hubby,halika punasan kita,pawis na pawis ka e malakas naman yung aircon dito sa kwarto.
Hehe,panu kasi na palaban ako ng sobra sobra..
Kinurot niya ito,ikaw kasi spoiled ka,ayaw muna tumigil pag nasimulan muna ako..
Hehe,wife mis na mis na kasi kita,kaya di ako magsasawa.
Sus,bola ka jan,talaga ba..
Oo naman,alam mo naman na sobra na kitang mahal noon pa man,di magbabago yun wife lalo dalawa na baby natin.
Hmm,hubby anu pala yung naging resulta ng DNA ng anak ni Diane,at nung sayo?
Bumuntung hininga ito,huminga ng malalim.
Ah wife kasi anu..diko alam kung paanu sabihin sayo,pero kasi yung maging resulta is Positive.
Wife I'm sorry..Napaawang ang labi niya,masakit Oo pero walang gustong lumabas na salita sa mga labi niya.
Kusa nalang tumulo yung mga luha niya,kanina ang saya saya nila,tapos ito ngayon,parang sinampal na naman siya ng Katotohanan na anak ni Mathew ang anak ni Diane.Wife,I'm so sorry,sampalin mo ko,saktan mo ko para maibsan yung sakit na nararamdaman mo ngayon,pero please wag mo sana akong iwan,wag mo ako iwanan please,halos umiiyak na din ito.
Nakita niya sa asawa na hirap na hirap din ito sa mga nangyayari.
Wife i swear,wala talaga akong alam sa nangyari at kung panu na ako yung ama ng anak ni Diane,kaya sana mapatawad mo ako..
Halos lumuluhod na din ito sa harap niya.Kaya hindi din niya matiis ang asawa,niyakap nalang niya ito,at para silang mga bata na parehong umiiyak.
Kailangan nilang harapin ang problema...Wife galit kaba sakin,iiwanan mo ba ako?
Umiling siya,hindi my hubby,mahal kita,namin ng mga anak mo,harapin natin ang problema ng magkasama.
Wife,namangha siya sa pag tanggap agad ng asawa niya sa katotohanan.niyakap niya ito ng mahigpit.
Salamat akala ko iiwanan mo talaga ulit ako.
Pag nangyari yun baka ikamatay ko na..Hubby,ang mag asawa hinaharap ang kahit gaano kabigat na pagsubok sa kanilang buhay,hindi solusyun ang pagtakas.
Ang pagkakamali mo ngayon ang siyang magpapatibay sa ating pamilya.Wifey,thank you,hindi ko lubos akalain na mapatawad mo agad ako.
Niyakap nalang niya ang kanyang asawa,alam ko mabigat man sa loob ko pero kailangan tangapin ko ang totoo.
Lalo pa at naawa siya sa paghihirap ng asawa niya.
Hindi niya hahayaang si Diane lang ang makakasira sa pamilya niya na matagal nilang pinag hirapang mabuo.
Walang sinuman ang makakabuwag ng pagsasama namin ng asawa ko,kahit pa si Diane at ang anak nito.Ma's kailangan niyang pagtibayin ang pundasyon ng pamilya niya,lalo at alam niya na hindi sila bibigyan ng katahimikan ni Diane,tiyak gagamitin nito ang anak para magulo na naman sila.
Pero hindi niya hahayaang mangyari yun.
Ipaglalabanan niya yung para sa kanya.
Hindi niya hahayaang sisirain ng babaeng yun ang pamilyang kay tagal niyang binuo.Magkayakap sila ng asawa niya,at unti unti na din siyang,napapanatag ngayon.
At di niya namamalayang Nakatulog na siya kapiling ang kanyang kabiyak.
BINABASA MO ANG
Sex instrument
RomancePanu ka mang aakit kung wala ka naman karanasan sa sex? "Meet Daniella Meranda, "simple and conservative lady' Virgin, "NBSB, "paanu kung ang natitirang paraan nalang ay ang landiin at mag pa buntis sa isang Matthew Clien Villafuerte?! papayag kab...