Chapter 18: Difference

1.3K 69 17
                                    


      Lagaslas ng tubig mula sa kung saan ang nagpagising kay Gabbie mula sa kanyang pagkakahimbing. Pikit-mata siyang nag-inat at wala sa sariling niyakap ang kumot na sa pakiramdam niya ay ubod ng lambot.

      Napangiti siya. Masarap matulog, naisip niya. Tama. Boborlogs siya maghapon para makabawi naman ang ganda niya. Ilang araw na siyang stressed dahil sa mga hanash sa pagitan nila ni Phoenix. Mas lalo naman kahapon na─

      Agad siyang napamulat.

      Kahapon.

      Napasinghap siya nang malinaw na nag-replay sa isip niya ang mga nangyari kahapon. Taranta siyang napabalikwas sa kama. Inamoy niya ang unan sa tabi niya. Juskolerd! Nakakapit pa doon ang amoy ng amo niyang masungit! Tama nga ang paalala ng memorya niya. Tabi talaga silang natulog ni Phoenix!

      Wala sa sarili siyang napatitig sa kamay niya. E 'yong magka-holding hands silang natulog, tama rin ba 'yon?

     "Gabbie."

      "Ay, holding hands!" gulat na bulalas niya bago tumingin sa may banyo. Agad na tumigil sa pagtibok ang puso niya nang makita si Phoenix na basa at nakatapis lang ng tuwalya. Hindi 'yon ang unang pagkakataon na makikita niya ito sa nakaka-eskandalong kalagayan. Pero 'yon ang unang pagkakataon na willing siyang magpa-eskandalo sa taglay na kakisigan ng kaharap.

      Walanghiya-hiya niyang sinuyod ito ng tingin. Present ang lahat ng pandesal este abs nito. Bumati rin sa kanya ang perfectly toned nitong biceps, triceps, at pectorals! Para iyong eksena ng mga oppa sa K-Drama. Ang kaibahan nga lang nangyayari iyon sa mismong harapan niya! Napatutok ang mga mata niya sa isang butil ng tubig na naglandas sa mula sa mukha nito pababa sa leeg nito.

      Napanganga siya. Juskolerd! Ito ba ang tinatawag nilang morning glory?

      "Gabbie," tawag nito ulit sa kanya maya-maya.

      "Masarap maging tubig..." wala sa sariling bulong niya.

      "What?"

       Mabilis siyang umiwas ng tingin. Kinagat niya ang pangibabang labi at lihim na pinagalitan ang sarili. Umagang-umaga kalat-kalat ang huwisyo niya!

      "W-wala," nauutal niyang sagot. Tumikhim siya at mabilis na bumangon sa kama. Pinilit niyang h'wag tumingin sa direksyon ng masungit para sa kapayapaan ng buhay niya. Walang-imik siyang dumiretso sa pinto pagkatapos. Pipihitin na sana niya ang seradura nang muli itong magsalita.

      "Gabbie, why are you in a hurry?" anito.

      Humigpit ang kapit niya sa seradura ng pinto. "H-ha? A-ano... ano... ano..." alanganin niyang umpisa, hindi nililingon ang kausap.

      "Turn around. I hate talking to your back," anito, seryoso.

      Napalunok siya. Mabilis na inayos ang kanyang huwisyo, nag-sign of the cross bago ito hinarap.

       "Why are you in a hurry?" tanong agad nito. Kumuha ito ng isa pang tuwalya at tinuyo ang basa nitong buhok.

      Umiwas siya ng tingin. "Ano... kasi ano..."

       "Kasi?"

      Napangiwi na siya. "Kasi... naiihi ako?"

      Ngumiti ito. "Ba't 'di mo sinabi agad? Is that why you looked so flushed?"

      Wala sa sarili siyang napahawak sa kaniyang pisngi. "Ano... o-oo. S-sige, balik na 'ko sa kuwarto ko."

      Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito. Mabilis niyang binuksan ang pinto at lumabas ng kuwarto. Binilisan niya ang lakad patungo sa kuwartong tinuluyan niya kagabi at nagmamadaling isinara ang pinto. Humihingal siyang napasandal sa dahon niyon pagkatapos.

Accidentally In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon