Chapter 25: One More Day

1.4K 68 72
                                    

      Nagising si Gabbie kinabukasan na namimintig ang kanyang ulo. Kung hindi lamang ba sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mga mata, hindi pa siya marahil maaalimpungatan.

      Wala tuloy siyang choice kundi unti-unting iungap ang kanyang mga mata. Awtomatiko siyang napatalukbong ng kumot pagkatapos. Direktang tumama sa mga mata niya ang masakit na sinag ng araw mula sa veranda.

      Veranda.

      Muli siyang napamulagat sa ilalim ng kumot. Namintig ulit ang sentido niya pero hindi iyon sapat upang muli siyang pumikit dahil ang totoo, walang veranda ang kuwarto niya. Wala silang veranda sa bahay, period!

      Sumabay sa pagpintig ng ulo niya ang pagkabog ng dibdib niya. Wala sa sarili siyang napatitig sa ilalim ng puting comforter na kinaroroonan niya. Lalong nanlaki ang mata niya. Hello Kitty ang kumot niya at hindi puting comforter!

      Napasinghap siya at bumalikwas ng bangon sa higaan. Panandalian siyang naliyo sa biglaang kilos na iyon. Sinapo niya ang kanyang ulo at marahang inikot ang tingin sa kanyang kinaroonan.

      Pamilyar ang paligid. Mula sa carpet, sa puwesto at kulay ng mga muwebles at... Wala sa sarili niyang hinila ang isang unan sa tabi niya at inamoy iyon. Agad siyang pinangapusan ng hininga nang maamoy doon ang natural na panlalaking amoy ni Phoenix.

      Bakit siya naroon sa master's bedroom ng penthouse ni Phoenix?

      Tinampal-tampal niya ang kanyang pisngi upang sana ay gisingin ang sarili sa pag-asang nananaginip lang siya. Kaya lang, humapdi na ang pisngi niya sa kakasampal, hindi pa rin nagbabago ang kinalalagyan niya. Nasa kuwarto pa rin siya ni Phoenix.

      Wala sa sarili niyang pinakiramdaman ang sarili. Liban sa kanyang ulo, wala namang nanakit. Ngunit nang bumaba ang tingin niya sa suot niyang t-shirt, nag-panic na naman siya. Sigurado siya, hindi iyon ang suot niya kagabi!

      Jusko! Ano ba'ng nangyari kagabi? tarantang tanong niya sa isip.

      Pumikit siya at pilit inalala ang mga nangyari nang nagdaang gabi. Kaya lang, balot ang buong sistema niya ng nerbyos kaya ayaw gumana ng memorya niya. Lalo pang nagpadagdag sa tensyon na nararamdaman niya ang pag-ingit pabukas ng pinto ng walk-in closet. Lumipad ang tingin niya roon.

      "Goodmorning!" anang pamilyar na tinig mula sa walk-in closet. Lalong kumabog ang dibdib niya. Naroon si Phoenix, ilang dipa lang ang layo sa kanya, preskong-presko sa suot nitong cargo shorts at t-shirt─ halatang bagong paligo.

      Nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi nang kumirot ang dibdib niya. Nakakatanga man, ilang araw na niya itong nami-miss. Walang araw na lumipas na hindi siya humiling na makita itong muli kahit na alam niyang imposible. Kaya lang nang makita niya ito kahapon sa ospital, hindi siya handa. Hindi siya handa na makita ito na ang kasama ay si Penny.

      Kumurap-kurap siya nang mangilid ang luha niya.

     "Are you okay?" pukaw nito sa kanya.

      Naguguluhan siyang luminga, niyakap nang mahigpit ang unan niyang hawak bago marahas na umiling. "B-bakit... paano... anong ginagawa ko rito?"

      Sandaling tumitig si Phoenix sa kanya bago nagbuga ng hininga. "You were wasted last night. Dinala ka ni Mac dito."

      "H-ha?" Napangiwi siya nang tumindi ang pagpintig ng sentido niya.

      Tama, si Macario ang kasama niya kagabi! At bakit siya nito dinala doon? Nasenglot din ba ito at doon siya dinala?

      Tarantang hinanap ng mga mata niya ang kanyang bag. Nang makita niya iyon sa ibabaw ng bedside table, nagmadadli niya iyong inabot at hinalughog sa loob niyon ang kanyang cellphone. Kailangan niyang matalakan si Mac ngayon din! Saka lang siguro huhupa ang sakit ng ulo niya kapag nakausap na niya ang magaling niyang kaibigan!

Accidentally In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon