Chapter 23: Broken

1.3K 63 47
                                    


      Kanina pa kontrolado ni Gabbie ang kanyang bawat galaw. Kung maari lamang na hindi siya huminga baka kanina pa niya ginawa. May aura ng pagmamalaki at pang-aalipusta sa mga mata ng ina ni Phoenix habang nakatitig sa kanya. 'Yon ang kinatetensiyon niya. Hindi ang mamahaling restaurant kung saan sila humantong ng nanay ni Phoenix. Hindi rin ang kaibahan ng suot niyang simpleng blouse at pantalon sa disenteng pananamit ng babaeng kaharap. Kunh hindi ang mapangmatang tingin sa kanya ng nanay ni Phoenix.

      "Do you want to order something, Gabriela?" anito, marahan subalit nakataas ang noo.

      "B-busog po ako," alanganin niyang sagot.

      Ngumiti ang babae, marahang itinabi ang menu ng restaurant sa gilid ng mesa. "Good, we can start talking immediately." Bumaba ang tingin nito sa singsing na nasa kamay niya, 'yong bigay ni Phoenix sa kanya. "What a beautiful ring! Is it safe to assume na bigay 'yan sa 'yo ng anak ko?"

      Yumuko siya at nahihiyang itinago ang kanyang mga kamay sa ilalim ng mesa.

      "Anyway, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I don't like you for my son. He deserves someone extraordinary. And you are just but a normal girl. You'll never measure up to our kind of crowd. So tell me, how much?"

      Marahan siyang nag-angat ng ulo. "P-po?"

      "Tell me the amount you'd settle for to leave my son," seryosong sabi nito.

      Kumuyom ang palad ni Gabbie, mariing pinigil ang galit. "Mahirap lang po ako pero hindi po ako mukhang pera."

      Sandaling natahimik ang ginang bago marahang tumawa. "Everything is worth something, Gabriela," anito bago dahan-dahang inilalabas ang checkbook sa bag nito. Inilapag nito iyon sa mesa, binuklat bago muling tumingin sa kanya, "So tell me, how much?"

     Lalo niyang hinigpitan ang pagkuyom sa kanyang mga palad. Mariin rin siyang pumikit, humugot ng hininga bago muling nagmulat. "Kung gusto po ninyo akong insultuhin dahil sa pinanggalingan ko, papayagan ko kayo. Kung gusto niyo po akong maliitin dahil sa isa lang akong ordinaryong babae sa paningin ninyo, hindi ko kayo pipigilan. Pero kung gusto ninyong bayaran ang buong pagkatao ko kapalit ng pagmamahal ko sa anak ninyo, 'yon ang hindi ko po matatanggap. Hindi po kayang bilhin ng pera ang lahat!" Nagmadali siyang tumayo at tumalikod ngunit muling nagsalita ang ginang.

      "Do you know where Phoenix is right now?" anito. Naghugot-buga lang siya ng hininga at piniling 'wag sumagot. "Your silence means no, I assume."

      Muli niyang hinarap ang ginang. Nakangiti ito subalit ibang emosyon ang nakasalamin sa mga mata nito. Tumayo ito, humakbang palapit sa kanya at inabot ang cellphone nito. "See for youself," anito.

      Alanganin niyang tinanggap ang cellphone nito. Naka-play sa screen ang isang video na kuha sa isa ring mamahaling restaurant. Hawak ni Phoenix ang kamay ni Penny at halatang seryosong nag-uusap. Awtomatikong namigat ang kanyang dibdib. Humapdi rin ang kanyang lalamunan.

     "That's a live feed from the neighboring restaurant," balita ng nanay ni Phoenix. "Do you know Penny? I'm sure you do. Well, Penny looked for me in the US and asked for my help. Penny is pregnant with Phoenix's child. And apparently, ayaw siyang kausapin ni Phoenix to settle things between them. And as I see it, Phoenix is running away from his responsibility because of you, Ms. Gabriela Centeno."

      Tuluyan nang nalaglag ang mga luha niya. Para siyang nabingi sa sinabi nito. Hindi niya gawaing umiyak sa harapan ng ibang tao subalit hindi niya kayang magpigil ng luha ngayon. Masyadong mabigat ang dibdib niya. Masyadong masama ang loob niya. Marahil kung bomba ang sumabog sa harapan niya baka makayanan pa niya. Pero hindi ito. Hindi ganito.

Accidentally In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon