Chapter 6: Chimini-a-a is Life

1.4K 81 1
                                    


      Humihingal na lumabas ng kuwarto ni Phoenix si Gabbie bago nanghihinang sumalampak sa sahig sa salas. Para siyang mandirigmang nakipagbakbakan sa mga agiw, alikabok at iba pang elemento ng dumi sa nakalipas na apat na oras sa loob ng kuwarto ng masungit na lalaki. Ilang oras pa lang siyang naninilbihan bilang chimini-a-a nito pero nasisiguro niyang hindi lang manyakis at masungit ang amo niya, burara rin ito at sinungaling.

      Sabi nito isang linggo lang ito hindi umuwi roon pero bakit pakiramdam niya isang siglong hindi nabisita ng tao ang kuwarto nito? Maraming agiw, maalikabok, makalat at pansin na pansin na naglipana sa buong kabahayan ang sama ng loob! Jusko! Kung may kalahating milyon lang siya, isasampal na niya niyon sa pagmumukha ni Phoenix nang matapos na ang paghihirap niya. Ang kaso, mahirap pa siya sa daga! Hindi niya afford mag-inarte ngayon. Kaya nanginginig man sa pagod, pinilit niyang tumayo.

      Ipinagala niya ang tingin sa magiging lungga ng paghihirap niya sa loob ng ilang buwan. Isang open-space penthouse ang bahay ng masungit. Puti at gray ang dominanteng kulay. Gawa sa makapal na glass wall panels ang dingding na nakaharap patungo sa patio sa labas. Kaya naman malakas ang buhos ng natural light sa salas na nakapuwesto sa gitna ng bahay. Itim ang kulay ng sofa set na gawa sa leather, walang anumang throwpillows. Sa gitna niyon ay mayroong center table na gawa sa salamin. Tanaw mula roon ang swimming pool sa labas, ang malaking patio umbrella na nakatiklop, ang garden set na nakataob ang mga upuan, at ang hanging bed na gawa sa rattan at nakasilong sa pergola. Sa bandang kanan, naroon ang kusina. Makintab ang counter, parang hindi nagagamit. Hindi na siya magtataka kung ang mga cooking appliances na nakapatong doon ay mas nagagamit sa pangongokleta ng alikabok kaysa sa totoong gamit ng mga 'yon. Katabi ng kusina ang kitchen island na gawa rin sa itim na granite countertop na napapalibutan ng matataas na stool na kulay itim. Sa bandang dulo ng penthouse, sa ilalim ng hagdan patungo sa 2nd floor, naroon ang mini bar. Ngunit hindi ang mga mamahaling alak ang mas naka-agaw-pansin sa kanya, kundi ang katabi ng bar na lumang bureau na gawa sa matibay na kahoy at pulos nakataob na picture frames ang nakapatong.

      Bumuntong hininga siya. Marami pa talaga siyang lilinisin. Sinilip niya ang mumurahin niyang wristwatch. Alas-tres na ng hapon! 'Langya! Kaya pala nanginginig na ang mga kalamnan niya sa gutom!

      Ibinaling niya ang tingin sa labas. Naroon nga ang amo niya, nakahilata sa malapad na hanging bed habang nakapatong ang paa nitong injured sa upuan ng garden set sa malapit.

      Agad niya itong nilapitan. "Alam niyo po ba kung anong oras na?" pigil na pigil ang inis na bungad niya.

      Marahas itong bumuntong-hininga, hinawi sa mukha ang nakadagan doon na throwpillow, binuksan ang isang mata at tinignan siya.

      "Do I look like a clock to you?" sarkastikong balik-tanong nito.

      Kusang rumolyo ang mga mata niya. Tinawag niya ang espirito ng pagtitimpi na sumanib sa kanya, now na!

      "Alas-tres na po ng hapon. At kahit na sinong trabahador magrereklmo dahil hindi niyo na nga pinakain ng lunch pati merienda sa hapon wala rin."

      Maingat itong bumangon sa pagkakahiga sa malapad na hanging chair na gawa sa rattan. "E sino ba ang katulong sa ating dalawa?"

      "Ako."

      "Sino dapat ang magluluto?"

      Kumurap siya, ngumiwi. "A-Ako?"

      Ngumisi ito. "Siyempre, ikaw. See, it's your fault why you missed your meal. Dapat nga ako ang nagrereklamo sa ating dalawa ng gutom ngayon e kasi ako ang pasyente, di ba? I needed extra care. But apparently, my househelp forgot to feed me." Pumalatak ito, umiling. "What took you so long cleaning my room anyway?"

Accidentally In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon