CHAPTER 14

257 16 8
                                    


Ko hyebin's POV

paguwi ko ay nakita ko si kuya na nakaupo sa sofa.

"dumating kana pala"

hinalikan ko sila nanay at tatay sa pisngi.

"bihis kana, kain na tayo"

bumihis agad ako, pagkaupo ko sa tabi ni kuya ay may sinabi sila sa akin.

"mag bakasyon kami ng tatay mo in 3 days"

napatingin ako kay nanay, so maiwan kami ni kuya.

"if okay lang sa inyo"

"okay lang" ngumiti ako.

tiningnan naman ni nanay si kuya pero tumango lang siya.

pagkatapos kong kumain ay pumasok agad ako sa kwarto para nagpahinga.







"Nak, pakinggan mo kuya mo ha" sabi ni nanay, mamaya na kasi sila aalis.

may binigay si nanay sa amin na susi para sa bahay.

nag taxi naman ako kasi umalis si kuya ng maaga,o di lang talaga siya gusto sumakay ako sa kaniya.

pagpasok ko sa room ay nakita ko si woozi na natutulog.

sinipa ko yung upuan niya kaya agad siyang umupo ng maayos.

"morning"bati ko sa kaniya.

sinimangutan niya lang ako, dumating na si ms. kim kaya nakikinig nalang ako.

pansin ko wala si sobin ngayon kaya tinanong ko sa kaniya.

"absent ba si sobin?"

nagkibit balikat lang siya at nakinig ulit.








at dahil wala kaming pasok ngayong hapon uuwi na sana ako ng makita ko Seungchol na nakasandal sa kaniyang kotse.

nakita niya agad ako kaya tumayo siya ng maayos, "hey"

lumapit ako sa kaniya, "anong ginawa mo dito?"

"yung sinabi ko pala sayo kahapon"

"yung date ba?"

tumango naman siya.

"dumaan muna tayo sa bahay para magbihis ako"

tumango naman siya at sumakay agad ako sa kotse niya.

pagdating namin sa bahay ay bumihis agad ako.

"saan mo gustong pumunta?" tanong niya.

nagisip muna ako bago sumagot, "amusement park" sabi ko kaagad.



Hoshi's POV

I followed them.

di ko alam kung bat sinusundan ko sila.

nakita ko silang bumili ng pagkain.

parang masaya naman si hyebin, kaya umuwi nalang ako.



Hyebin's POV

pagkatapos namin sumakay ng carousel ay umupo kami sa bench habang kumakain ng cotton candy.

"are you happy?"

napatingin ako kay Seungchol.

"I mean, masaya ka ba sa date natin?"

"Oo naman, thank you"

ngumiti lang siya.

nagulat nalang ako ng bigla niyang hinawakan yung pisngi ko at dahandahan nilapit ang mukha niya sakin.

di ko na alam kung anong gagawin ko kaya pumikit nalang ako at hinintay na maramdaman yung labi niya, pero wala.

napatingin ako sa kaniya.

nakatingin siya sa likuran ko.

"may problema ba?" tumingin nalang din ako sa likuran ko at tiningnan kung anong tinitingnan niya.

"w-wala, let's go, ihatid na kita"sabi niya habang nakatingin parin sa likuran ko.

dumating na kami sa bahay, parang tulog na ata si kuya, gabi na kasi.

tiningnan ko si Seungchol na nakatingin din sa akin, "thank you" sabi ko.

ngumiti siya, "always welcome, pumasok kana, baka pagalitan ka"

tumango nalang ako at dahan dahan pumasok sa loob baka magising si kuya.

bago paman ako makapasok sa kwarto ko ay bumukas yung kwarto ni kuya.

"saan ka galing?" galit na tanong niya.

"s-s-sa-" di na ako nakapagsalita dahil natatakot ako sa kaniya.

"sino yun? sino yung humatid sayo?!" sumigaw na siya.

"s-si- s-si s-seungchol"

"what?! what did I tell you huh?! stay away-"

"ano bang problema mo?! pabayaan mo nalang nga ako sa buhay ko!" di ko na kaya kaya sinigaw ko nalang.

bago paman siya makapagsalita ay pumasok agad ako sa kwarto at nilock yun.

"buksan mo tung pinto!" pero di ako nakinig, "hyebin!" humiga lang ako sa kama habang umiiyak, "lagot ka talaga sa akin bukas!" sigaw niya.








"morning" bati ni woozi sa akin pagkapasok ko.

"morning" tiningnan ko si sobin na nagbabasa, "hoy!" tawag ko sa kaniya, tiningnan naman niya ako, parang namamaga yung mata niya, "okay ka lang ba? bat wala ka kahapon?"

"Family problem" sabi niya at binalik yung atensyon sa libro.

nanahimik nalang ako.








"di ka ba kakain?"tanong ko kay sobin.

papunta na sana kami sa cafeteria kaso may tumawag sa kaniya.

"mamaya nalang" umalis agad siya.

pagpasok ko sa cafeteria ay binati agad ako ni seokmin, "hi!"

ngumiti lang ako sa kaniya, tiningnan ko si hoshi na nakatingin sa akin, nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay umiwas agad siya ng tingin.

nung problema nun?

binigyan ako ni Joshua ng sandwich kaya kinain ko agad nun.

"grabe, namiss agad kita" sabi ni seungkwan habang may kinakain.

naguusap sila pero tahimik lang si hoshi, ngayon ko pa lang siyang nakita nagkaganito.


pagpasok namin ni woozi sa room ay tinanong ko agad siya, "may nangyari ba kay hoshi?"

tiningnan naman niya ako, "wala naman, pero kagabi, ang tahimik niya"

tinanguan ko lang siya.








uwian na pero di pa ako umuwi, nandito ako ngayon sa labas ng school namin, di ko alam kung anong ginawa ko dito.

ng makita ko si hoshi ay hinawakan agad niya yung kamay ko.

"let's talk"

hinila niya ako kahit saan, di ko alam kung san kami pupunta, pero nanahimik nalang ako.

nandito kami malapit sa highway.

bigla nalang niya akong sinandal sa kahit saan and then...

he kissed me.

Sons of Mafia boss //SEVENTEEN FFWhere stories live. Discover now