CHAPTER 29

125 9 2
                                    


Ko Hyebin's POV

Tatlong araw na akong hindi pumapasok sa klase ko at palagi narin ako pinagalitan ni nanay, hindi ko naman alam na exam pala namin yung isang araw kaya hindi ako naka take ng exam.

"Papasok ka" matigas na sabi ni nanay.

"Ayaw ko nga"

Nameywang siya at tiningnan ako ng masama. "At bakit?"

"Masakit-"

"Masakit yung ulo mo? Paa? Kamay? Katawan? Ano pa?! Palagi nalang masakit! Masakit" napaigtad ako dahil sa lakas ng boses ni nanay. "Bangon"

"Nay-"

"Bangon! At maligo ka, papasok ka ngayon!" Sigaw niya bago lumabas.

Kahit ayaw kong pumasok ay pilit nalang akong tumayo at pumasok sa banyo, parang natauhan yung katawan ko dahil sa lamig ng tubig, ngayon pa lang ako nakaligo, pagkatapos kong maligo ay bumihis agad ako ng uniform ko at bumaba na, nakita ko si nanay na naghahanda na ng pagkain, ng makita niya ako ay tinawag ako at pinakain na.

"Laki na ng eyebags mo" natatawang sabi ni kuya habang kumakain, inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang pagkain.

"Ihatid mo yang kapatid mo" utos ni tatay kay kuya at tumango naman siya.

Pagkatapos naming kumain ay pumasok agad kami sa kotse ni kuya at nagmaneho papuntang school.

"May problema ba?" Napatingin ako kay kuya na nasa daan lang ang tingin niya. "You look not okay"

Bumuntong hininga ako bago sumagot. "Okay lang naman ako"

"Eh ano yung buntong hininga mo?" Tiningnan niya ako. "Love life ba yan" tinaas baba niya yung kilay niya. "Sasabihin mo tutulongan kita"

"Love life ka diyan" ibinalik ko yung tingin ko sa bintana.

Pagdating na namin ay parang kinakabahan ako ng walang dahilan, ano ba to? Ayaw kong pumasok, paano ako makatakas- oo nga! Tatakas ako! Tiningnan ko si kuya na bumaba sa kotse niya, nagtaka guro siya kung bakit naka tayo lang ako.

"Ano? Ayaw mo bang pumasok?" Tanong niya.

"Papasok" sabi ko at lumakad, tiningnan ko siya na nakatingin sa akin kaya lakad lang ako ng lakad hanggang sa mawala siya. "Phew, takas na" pagtingin ko sa guard house ay wala yung guard kaya dali dali akong lumabas.

"Ate?" Napasigaw ako ng may biglang humawak sakin. "Ate Hyebin!"

"Jack?" Lumuhod ako para pantay kami. "Anong ginawa mo dito?"

"Dito ka pala nagaaral?" Tiningnan niya yung school tapos sa akin. "Kamusta ate?!" Masiglang bati niya.

Napangiti ako dahil ang cute niya kaya kinurit ko yung pisngi niya. "Okay lang, ikaw?"

"Okay lang din"

"Bat nandito ka?"

"Naglakad lakad lang naman po ako"

Tumayo ako at hinawakan yung kamay niya para maglakad lakad. "May natira ka pa bang pagkain?"

"Meron pa po kay wag mo muna ako bilhan, nakakahiya" napakatol siya sa ulo niya.

Tumawa ako. "Wag kang mahiya, ate mo na ako ngayon" gusto ko talaga ng bunsong kapatid kaya iadopt ko siya. Hehe.

"Talaga po? Sige!" Ngumiti siya.

Habang naglalakad kami ay may naisip ako, humarap ako sa kaniya. "Anong ang gusto mong puntahan?"

Nanlaki yung mata niya. "Bakit? Pupunta po ba tayo?"

Sons of Mafia boss //SEVENTEEN FFWhere stories live. Discover now