CHAPTER 28

126 10 0
                                    


Ko Hyebin's POV

"Bat ayaw mong pumasok?" Nakapamewang na tanong ni Nanay.

Bumalik ako sa paghiga. "Ayaw kong nga pumasok eh"

"Bakit nga?!"

"Masakit yung ulo ko"

Tumaas naman yung kilay niya. "At bakit naman?"

"Arghhh! Basta!" Tumalikod ako, sa totoo hindi masakit yung ulo ko,ayaw ko lang talagang pumasok.

"Sige, magpahinga ka diyan" rinig kong sumara yung pintuan, agad akong bumangon.

"Ahhhhh!" Bumalik naman ako sa paghiga, kinuha ko yung unan at tinapon, di ko alam kung anong gawin ko, ang bored dito sa kwarto ko.

Dahil wala akong magawa bumihis ako at bumaba, ng makita ko si nanay sa kusina ay dahan dahan akong lumakad papunta sa pintuan, pagbukas ko nun ay biglang tumunog, uh-oh.

"Ehem!" Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si nanay na nakacross ang braso. "Anong binabalak mo?"

"Ehehe....ummm, gusto ko lang-may bibilhin lang sana ako-"

"Pasok!" Napaigtad ako sa kinatayuan ko ng tumaas yung boses niya.

"Ummm, nasa loob na ako-"

"Sa kwarto mo!"

"Pero-"

"Sabi mo masakit yung ulo mo?"

"Oo nga pero-"

"Kapag ayaw mo, papasok ka ng-"

Agad akong umakyat pataas. "Hehe, eto na po, papasok na"

Pagpasok ko ay agad akong humiga sa kama, ano nang gagawin ko?! Tumayo ako at tumalon talon, grr! Ang bored, napatingin ako sa bintana ng may pumasok sa isip ko.

Sana hindi ito ikamatay ko, napatingin ako sa baba, hindi naman masyado mataas so kaya ko to, pero may kahoy, ahhh bahala na, pagtalon ko ay natama yung sanga ng kahoy sa tiyan ko.

"Arrghh!" Napahawak ako sa tiyan ko. "My god, di naman masakit" agad akong tumayo. "Nakalabas narin sa wakas"

Pumara ako ng taxi, sa mall ako papunta syempre, wala na akong mapuntahan eh, pagdating ko ay bumili ako ng ice cream pagkatapos ay umupo ako sa upuan.

Kinuha ko yung phone ko ng bigla yun nag vibrate. Tumatawag si Sobin pero binalik ko lang yun sa bulsa ko. Nakakapagod sagutin.

Pagtayo ko ay nakita ko si Sobin na kasama si....Hoshi? Bat-ahhh tama, date.

Napatingin si Hoshi sa direksyon ko kaya agad akong tumago sa Ilalim ng mesa. Nakita niya ba ako? Pagtingin ko sa kanila ay nakatalikod na sila sa akin, napasinghap ako ng inakbayan niya si Sobin, biglang humarap si Sobin sa direksyon ko kaya tumago naman ako sa ilalim, parang nakatingin na yung tao sakin ahh.

"What are you doing there?"

Napatayo ako pero nauntog yung ulo ko sa mesa, napahawak ako sa sakit, napatingin ako sa lalaki, nanlaki yung mata ko ng si Jeonghan pala yun, bat nandito siya?!

"U-ummm" tinalikuran ko siya at lumayo doon. Kailangan kong makalayo, hindi ba sila pumasok sa klase?!

Paglabas ko ay tumawid ako sa may kalsada. Tinitingnan ko rin yung likuran ko baka sinusundan nila ako, mabuti nalang wala.

"Ate" napasapo ako sa dibdib ko dahil sa gulat. "Nanglilimos po"

Hala, kawawa niya,tiningnan ko siya ulo hanggang paa, ang dumi na niya, malamang pulube eh.

"Ate" hinawakan niya yung pulsuhan ng damit ko at hinila hila yun.

Lumuhod ako para pantay kami. "Ummm, gutom ka ba?" Tumango naman siya. "Tara" inilahad ko yung kamay ko at hinawakan naman niya yun.

Dahil malapit lang kami sa park ay doon ko siya dinala, binilhan ko na rin siya ng mga pagkain at inomin, umupo kami sa may bench at nagsimulang kumain.

"May pangalan ka ba? Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Jake po" sagot naman niya habang kumakain.

"May pamilya ka ba?"

Lumungkot naman yung mukha niya. "Iniwan nila ako" tumulo yung luha niya.

Agad ko yung pinunasan. "Hala, wag kang umiyak"

"Hindi po" ngumiti siya, ang cute niya. "Salamat po ate, ang bait niyo po"

Tumawa ako ng mahina, ang bait ko daw. "Magpakabusog ka" tumango siya at pinagpatuloy yung kinain niya.

Gusto ko siyang iadapt, naawa ako sa kaniya eh tas gusto ko ng kapatid.

Pagkatapos naming kumain ay dumeretso kami ng convenience store, bumili ako ng biscuit, juice at iba pang makakain niya. Paglabas namin ay ibinigay ko agad yun sa kaniya.

"Para sayo, magtipid ka rin ha"

Bigla niya kong niyakap. "Salamat po ate, maraming salamat po"

Tinapik tapik ko yung ulo niya. "My name is Hyebin, kaya ate Hyebin"

Tumango siya atsaka ngumiti. "Ate Hyebin"

"Saan ka nakatira?"

"Kahit saan"

Gusto ko talaga siyang iuwi sa bahay pero baka magalit si nanay, hindi naman, baka si kuya.

"Hahanapin kita" ngumiti ako.

"Malapit sa mall nalang ako magiistambay para makita niyo po agad ako"

"Sige, magingat ka ha"

"Opo, salamat po"

Kumaway ako sa kaniya bago umalis, ang bait ko talaga haysstt, gawin ko na yun palagi.

Pagdating ko sa bahay ay bubuksan ko na sana yung pinto pero naalala ko pala na sa bintana ako lumabas kaya doon ako papasok. Umakyat ako sa may puno, pagpatong ko sa sanga ay bigla yun naputol mabuti nalang nakahawak agad ako sa may bintana.

"Malapit na yun ahh" sabi ko pagkapasok ko. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako ng makita ko si nanay. "Nay?!"

"Parang gulat ka ah" pumasok siya at inilagay sa mesa ko yung dala niyang pagkain. "May ginawa ka ba?"

"H-ha?! Wala ah!"

Pinagsingkitan niya ako ng mata. "Ehh bat ang pawis mo" lumapit siya sakin at inamoy ako. "At ang baho pa"

Umatras agad ako. "Ano?! Nag ano lang naman ako.... nag-nag exercise!"

"Masakit yung ulo mo ah" dinurog niya ako.

"Aray, hindi na"

"So papasok ka na?"

"H-hindi, late na ako!"

"Bahala ka" paglabas niya ay nakahinga ako ng maluwag.

Umupo ako sa mesa ko at kinain yung dalang pagkain ni nanay, biglang nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko at sinagot. "Hmmm?"

"Hyebin!" Inilayo ko ng kaunti yung phone ko sa tenga ko dahil sa lakas ng boses niya, alam ko na kung bakit, tss. "Nagdate nga kami! Omg! Ang saya saya ko!"

"Ahhhh"

"At parang magjowa nga kami!"

Napsamid ako sa iniinom kong gatas. "S-sandali" agad kong pinatay yung tawag. Jowa ka diyan.

Napasandal ako sa upuan, nagselos ba ako? Bakit? Gusto ko ba si Hoshi? Hindi no! Napasabunot ako, parang nga-hindi noh! basta hindi.

Pinatong ko yung ulo ko sa mesa,kailangan kong magpahinga kasi parang sumakit na talaga yung ulo ko.

Sons of Mafia boss //SEVENTEEN FFWhere stories live. Discover now