CHAPTER 23

172 12 1
                                    


Ko Hyebin's POV

"Nak?" Biglang tumawa si nanay. "Nakakatawa kang tingnan" sabi niya habang tumatawa parin.

Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin, yung costume ko ay parang white lady at nagmake up din ako na parang namutla.

"Ganito naman talaga ang white lady ah" nakasimangot kong sabi.

"Gusto mo bang kumain?"

Umiling ako. "Di na, di naman ako gutom"

Pababa na si kuya, ng makita niya ako ay parang nagulat siya.

"Ano?" Tanong ko.

Tumawa lang siya bigla.

"Tss, tara na, alis na po ako nay" lalabas na sana ako.

"Di pa ako kumain" sabi ni kuya.

"Sa school nalang"

"Yaw ko"

"Bahala ka basta kakain ako" sabi niya at umupo.

"Edi ako nalang ang magdrive" lumabas agad ako at pumasok sa kotse niya.

Ang tagal pa naman nung kumain.

Biglang bumukas yung driver seat.

"Di ka ba marunong humintay?!" Inis na sabi niya.

"Ayaw kong humihintay"

Nagdrive nalang siya, pagdating namin ay may maraming nagtitinda ng mga candy, marami din nag costume.

"Bat di ka nag costume?" Sabi ko pagkababa namin.

"Sa ayaw ko lang"

Iniwan ko nalang siya at pumunta nalang sa room kung saan yung dinecorate namin.

Pagpasok ay sinalubong agad nila ako, naka costume nadin sila.

"Hyebin, ikaw ba yan?" Tanong ni Seokmin at lumapit sa akin.

"Ayy hindi?"

"Siya nga" natatawang sabi niya. "Nakakatawa kang tingnan" tumawa siya, hinampas ko lang siya sa braso.

"Kailan magstart?" Tanong ko sa kanila.

"Ngayon" sagot naman ni The8.

"Agad?"

"Sige na" tinulak ako ni Dk. "Diyan ka tatago" sabi niya na nakaturo sa box.

"Ang liit niyan" reklamo ko.

Tiningnan niya ako ulo hanggang paa. "Liit ka naman din kaya makasya ka"

"Eh?"

"Sige na"

Tumango nalang ako.

"Owkeey, start na tayo?" Nilingon namin si Seungchol.

"Yes" sabay naming sagot.

"Ang sakit ng likod ko" sabi ko pagkapasok ko sa box.

"Ok ka lang ba diyan?" Rinig kong tanong ni Joshua.

"Sakit nga yung likod ko"

"Parang ok ka lang naman" sabi niya at isinara na yung tinataguan ko.

Ang dilim.

May pumasok nang mga estyudante kaya hinanda ko na ang sarili ko, kung malapit na sila sa akin ay diyan na ako lalabas.

Mukhang lumabas na yung iba kung kasama kasi nagsigawan na sila.

Nang may bumangga sa tinataguan ko ay lumabas agad ako.

"WAAAH!" Pag gugulat ko sa kanila.

Sumigaw naman sila, nakakatawa yung reaction nila.

Sons of Mafia boss //SEVENTEEN FFWhere stories live. Discover now