CHAPTER 10

280 20 3
                                    


Ko hyebin's POV

aalis na sana ako ng may narinig akong pumutok, agad akong pumunta doon.

nagulat ako ng may nakita akong tatlong lalaki na nakahandusay sa sahig at duguan, mas nagulat ako ng nakita ko si mingyu.

"M-mingyu?"

lumingon siya sa akin, "h-hyebin, bat nandito ka"

tiningnan ko yung balikat niya, natamaan siya.

"t-tatawag ba ako ng ambulansya?"lumapit ako sa kaniya at tinulungan siyang tumayo.

"wag na"

"anong wag na?! tingnan mo nga yang sarili mo!" kinuha ko yung panyo ko at inilagay sa sugat niya.

"b-basta w-wag na"

"arghh! punta tayo sa bahay, tawagin ko muna si kuya"

"sigurado ka?"

tumango lang ako, tinawagan ko kaagad si kuya at hinintay namin siya.

may humintong sasakyan sa aming harapan at bumaba si kuya, "a-anong nangyari dito?" gulat na tanong niya.

"mamaya na, ihatid muna natin siya sa bahay natin"

tinulungan naman ako ni kuya buhatin siya sa sasakyan.








pagdating namin sa bahay ay agad namin siyang inupo sa may sofa.

"asan si nanay?" tanong ko kay kuya.

"nasa trabaho ata,kuha ka ng first aid kit" utos sa akin ni kuya kaya kinuha ko agad.

"ano ba talagang nangyari?"tanong ni kuya habang ginamotan niya yung sugat niya.

"inutosan siguro sila ni Jackson" sagot ni mingyu.

bumuntong hininga lang si kuya at tinuloy yung ginawa niya.

"totoo ba?"bigla kong tanong, nagtataka naman sila, "t-totoo ba na...anak kayo ng mafia boss?"
tumitig lang sila sa akin, bat di sila sasagot?, "sagotin niyo naman ako"

"Oo" sagot ni mingyu, "at alam yun ng kuya mo"

gulat kong tiningnan si kuya, "a-alam mo?"

"arghh, bat mo sinabi?!" galit na tanong niya sa kaniya.

"kuya"

tiningnan ako ni kuya at ngumiti ng mapait, "ah, oo"

"at wala kang balak sabihin aa akin?"

"at least nalaman mo na ngayon"

tiningnan ko lang siya ng masama.

may bumukas ng pinto, dumating na si nanay,"I'm-ohh mingyu bat nandito ka-" mukhang nakita ni nanay yung sugat niya kaya dali dali siyang pumunta kay mingyu, "omg! anong nangyari sayo?! sinong may gawa nito?!"

"nay"pinakalma siya ni kuya.

"okay, so sinong gumawa nito?"tanong niya ulit.

"ahh, eh, may-"

parang di niya alam kung anong isagot niya kaya ako nalang ang sumagot, "pauwi na sana ako kanina kaso may biglang dumukot sa akin kaya dumating si mingyu, di namin alam na may dala pala siyang baril kaya ayun" paliwanag ko sa kaniya.

"nasaktan ka ba nak?! oh my god, salamat talaga sa pagligtas sa anak ko, kumain ka na ba, kain ka muna"

"ahh wag na po salamat, baka hinintay na nila ako"

"are you sure?"

tumango naman siya, "sige alis na po ako"

"ingat"

bago paman makaalis si mingyu ay pinuntahan ko muna siya, "ummm y-yung sinabi niyo nga pala kanina, sorry kasi kala ko talaga di yun totoo-"

"wait, di ka ba galit sa amin? or takot?"

kumunot yung noo ko, "huh?"

he rubbed his nape,"uh because you said that-"

"ahh yun? bat naman ako matatakot sa inyo? di naman kayo masamang tao diba tas-"

naputol yung sasabihin ko kasi bigla nalang niya akong niyakap, "t-thank you, thank you for trusting us"

ngumiti ako at niyakap din siya,"you're welcome"

"ehem"

tumayo agad kami ng maayos at tumingin kay kuya.

"kala ko umalis kana" sabi niya kay mingyu.

"eto na po, aalis na" sabi niya at umalis, tumaw ako ng mahina.

"hoy ikaw!"tawag akin ni kuya.

"eto na po, papasok na" sabi ko at pumasok na rin, narinig ko siyang tumawa.



Mingyu's POV

pagpasok ko ay sinalubong agad nila ako,"son, where have you been?"

"umm, may nangyari lang"sagot ko.

"anong nangyari diyan?" tanong sa akin ni Seungchol habang turo niya yung sugat ko, "si Jackson ba?"

tumango ako, umupo ako sa may sofa at tiningnan silang lahat, "guest what"

"what...?"-

"dinukot ako ng mga tauhan ni Jackson kanina, nakita yun ni hyebin at dinala niya ako sa bahay niya, pagkatapos..."

"pagkatapos......?"sabay nilang sabi.

"tapos naniwala na si hyebin sa atin,tinanong ko siya kung takot ba siya sa atin, tapos sabi niya, bat naman ako matatakot sa inyo, di naman kayo masamang tao diba?" pag gagaya ko sa sabi niya.

ning isa sa kanila walang sumalita.

"guys?"

"WOAH!"seokmin shout.

"may I met that girl?"tanong ni daddy.

nagkatinginan kaming lahat.

"what? I just want to met her"

"sure"Seungchol said.

"woah, I can't believe it" rinig kong sabi ni wonwoo.

yeah, I can't believe it too

Sons of Mafia boss //SEVENTEEN FFWhere stories live. Discover now