CHAPTER 33

125 10 0
                                    

Ko Hyebin's POV

"Bat di niyo sinabi sakin?!" Nangingiyak na tanong ni Nanay. "P-patay na talaga siya?" Tumabi ako sa kaniya at tinapik tapik yung likuran niya. "Para ko siyang anak"

"N-nay-"

"K-kailan pa?" Nilingon niya kaming dalawa ni kuya.

"Kahapon lang po"

Humagulgol naman siya. "Tahan na" napatingin ako kay Tatay ng niyakap niya si Nanay. "Magpahinga muna ikaw" tiningnan niya kami. "Ayaw niyo bang pumasok?" Napatingin ako kay Kuya. "Masquerade party lang naman diba? Mabuti pa wag nalang kayo pupunta"

"Hindi naman talaga" tumabi si Kuya sakin. "May gagawin lang kami"

"Sama ako! Sama ako!" Sigaw ni Jack habang pababa sa hagdan.

Bumuntong hininga si Kuya. "Bawal bata"

"Hindi naman ako bata eh"

Tumaas yung kilay ni Kuya. "Ano? Alien?"

Siniko ko siya. "Ano ka ba?!" Simula nung nandito na si Jack palagi na mainitin yang ulo niya,ayaw niya sa bata eh.

"Tss tara na nga"

"Ingat kayo" pinunasan ni Nanay yung luha niya at umakyat na sa hagdan kasama silang Jack at Tatay.

"Bumihis ka" tumayo si kuya.

Sinuri ko yung suot ko na jeans at white t-shirt. "Bawal ba mag ganito?"

"Bahala ka"

Sumunod ako sa kaniya papasok sa kotse,biglang tumunog yung phone niya kaya kinuha niya yun,kumunot yung noo niya tas tumingin sakin. "May problema?" Tanong ko pero umiling lag siya,tss halata naman.

Habang nagdadrive siya ay may binubulong siya na hindi ko naintindihan tas palaging nakakunot noo. May problema nga. "Hoy!" Humarap ako sa kaniya. "May problema nga,sabihin mo nga" lumingon siya na nakakunot noo at tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano?" Naguguluhang tanong niya. "Wala nga"

"Suss kunware ka pa" binalik ko yung tingin ko sa labas,malayo na pala kami. "Sasali kaya ako sa sinalihan mong organization?" Napahinto si Kuya sa pagdrive kaya natama naman yung ulo ko sa harapan. "Tngin-AHHHH" Napahawak ako sa noo ko, nagulat ko ba siya?!

"Baliw ka ba?" Inis niya kong tiningnan. "Matagal ka na palang baliw" bumalik siya sa pagdrive. "Bat mo natanong yan?"

Sinuot ko yung seatbelt. "Bawal ba?" Iritang sabi ko.

"Seryoso ako" seryosong sabi niya kaya seryoso nga siya.

Bumuntong hininga ako. "Gusto ko lang" seryoso ko ding sabi.

"No"

Napatingin ako sa kaniya. "What do you mean...no?"

"Bawal ka don"

"Pfft,nagalala ka?"

"Walang babae doon"

"Oh edi sasali ako para may babae na"

"Basta hindi"

"Fine!" Krinoss ko yung braso ko at sumimangot.

Pagdating namin ay ako ang umunang bumaba at dumeretso sa may kubo. Binuksan ko yung kahoy na nasa sahig at kinuha yung baril. "Put that back" dahil sa gulat ko ay malapit ko yun naputok pero agad ko din yung binalik. "Come on" naguguluhan man ay sumunod parin ako sa kaniya, dumeretso siya sa may ilog at pumantong don sa may mga bato,pinalapit niya ako kaya pumatong din ako sa mga bato don. Kumunot yung noo ko ng itinaas niya yung dalawang kamao niya,tatanongin ko sana siya pero ginaya ko lang yung ginawa niya.

Sons of Mafia boss //SEVENTEEN FFWhere stories live. Discover now