CHAPTER 35

111 5 0
                                    

Ko Hyebin's POV

Hindi ko mapigilan humikbi habang nakaharap sa puntod ng nanay nila. Gusto ko lang magsorry sa nangyari. Tumingala ako sa langit,magkita na sila,magkasama na sila.

Ramdam kong may nakatayo sa likod ko pero di ko nilingon kasi alam ko na kung sino.

"Hey" tumabi si Vernon sakin. "I'm sorry for what i said....nadala lang ako sa galit"

Pinahid ko yung luhang tumulo sa pisngi ko. "you were right, it's my fault.... people died because of me"

"D-dont say that..." Lumingon ako kay Vernon. "Hyebin..."

Ngumiti ako ng mapait. "I'm sorry"

Lumapit siya sakin at niyakap ako. "I'm sorry"

"It's okay"

Tumabi silang lahat sakin. "Magkasama na sila....makita na niya si mom" rinig kong sabi ni Dino.

Napatingin ako kay Hoshi ng umupo siya sa harapan ko. "I'm sorry,i lied"

"It's okay"

"Hyebin!" Napalingon kami kay Kuya na tumatakbo. "What the...my car!"

"Kuya-"

"What the hell is happening?!"

"Kuya kalma naman" tumayo ako at lumapit sa kaniya.

"Anong nangyari?!" Galit na sigaw niya sa kanila.

"Our father just died"

Natahimik siya. "Oh, condolences?"

"Thanks" tumayo si Seungcheol. "Iuwi mo muna si Hyebin,puntahan pa namin si Dad"

Napatingin ako sa kaniya. "Sandali,sama ako"

"No"

"Ha? Bakit?"

"You heard him, let's go" hinila ako ni kuya papasok sa kotse niya. "What happened to my car?"

"May mga lalaking papatay sana sakin dahil sayo"

"Dahil sa akin?!"

"Oo"

"At ano naman ang kasalanan ko dun?"

"Iniwan moko!"

"Bawal ka kasi don"

"Tss"

"Bat siya namatay?" Tukoy niya sa tatay nila.

"He save my life" tumingin ako sa labas ng bintana. "It's because of me"

"Stop blaming your self!"

Tumahimik nalang ako,di ko gusto pagusapan yung pagkamatay niya.

Nagtaka ako kung bakit hindi pa kami umuwi kaya tinanong ko siya. "Saan tayo punta?"

"Paayus ko tong sasakyan"

Tumango tango lang ako,pagkadating namin ay pinaayos agad ni kuya,bukas pa daw niya makuha kaya nagtaxi nalang kami pauwi.

"Ate,saan kayo galing?" Tanong ni Jack pagpasok ko.

"Club" ginulo ko yung buhok niya.

"Club?!" Lumabas si nanay mula sa kusina.

"Si kuya oh"

"Anong ako?!"

"Aba kayong bata-"

"Hindi na po kami bata nay" umupo ako sa sofa at kumuha ng cookie na nasa mesa.

"Bata pa kayo sa paningin ko"

"Tss nay naman,pero nay....may nangyari kanina"

"Hyebin!" Suway sakin ni Kuya.

"Ano bang nangyari?" Tanong ni tatay na kababa lang sa hagdan.

"May-mmm!" Tinakpan ni Kuya yung bibig ko,kinagat ko yun at napasigaw siya. "Baho ng kamay mo"

"Aytss tama nayan,kain na" suway ni nanay samin.

Umuna akong pumasok sa kusina at kumuha ng pagkain,may sinasalita pa sila sakin pero di ako nakikinig, deretso lang ako sa pagkain ng may natapon na tsinelas sa pagkain ko.  "Hoy,tngin-tanga!" Sigaw ko kay Kuya.

"Sorry ate,naglalaro lang kami ni Kuya" kinuha niya yung tsinelas na nasa pagkain ko.

Napatingin ako kay kuya na pinipigilan yung tawa niya. "Nay! Si kuya!"

"Ano ba?ingay!"

"Tinapunan ni kuya ng tsinelas yung pagkain ko"

"Tinapunan?" Pumasok si kuya na hawak yung tsinelas.

"Oo" inis ko siyang tiningnan. "Wala na akong ganang kumain" tumayo ako at umakyat sa taas. Pagpasok ko ay humiga agad ako.

Tumunog yung phone ko,pagtingin ko ay pangalan ni Hoshi yung nakalagay kaya agad ko yun sinagot. "Hi"

"Hey" namamaos ata siya. "Nakauwi na ba kayo?"

"Yeah" napakamot ako sa noo ko,hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "Ummm..."

"Kung pwedeng punta-" biglang nawala yung kabilang linya.

"Hello?" Pagtingin ko sa phone ko ay lowbat pala yun. Great....just great. Bumukas yung pinto at pumasok si kuya. "Anong kailangan mo?" Napatingin ako sa hawak niyang baril,kinakabahan tuloy ako. "Kuya?" Napaatras ako ng itinutok niya yun. "Nay!"

Bigla niya akong binatukan. "Bobo,kunin mo!"

"Ha?"

"Ibigay ko to sayo in case na may sumusunod sayo" umupo siya sa tabi ko. "Sa totoo...tinitingnan lang kita habang nakipaglaban sa mga lalaki kanina"

Gulat ko siyang tiningnan. "Hayop ka!" Sinapak sapak ko siya. Hindi man lang niya ako tinulungan, wala man lang siya awa sakin?!

"Naka survive ka naman" sinalo niya yung kamay ko. "So hindi na kita pwedeng tulungan"

Kinuha ko yung baril at kunwareng itinutok sa kaniya. "Sarap mong patayin"

Nagulat ako ng biglang pumasok si nanay at napatingin siya sa hawak kong baril. "Ano yan?" Tinago ko yun sa likuran ko. "Nakita ko na,ano yan?"

Kinurit kurit ko si Kuya na nanghihingi ng tulong. "Ahhh...laruan para kay Jack"

"Para sakin?" Sumulyap si Jack mula sa pintuan tsaka lumapit sa amin. "Saan?"

"Oh ibigay niyo na" sabi naman ni nanay.

Nagkatinginan kami ni Kuya. "Ahhh hehehe mamaya na kasi....ummm"

"Linisin pa namin"

"Ohhh? Bahala kayo" pagkalabas ni nanay ay inilock agad ni Kuya.

Lumingon ako kay Jack na nasa tabi ko. "Jack"

"Hmm?"

"Wag mong sabihin ha?"

"Okay? Ano po ba yun?"

"Sure ka bang hindi niya sasabihin?" Napatingin ako kay Kuya na nakasandal sa pinto at nakacross yung braso. "Bata yan"

"Yeah bata nga siya" tiningnan ko si Jack at sinapo yung mukha niya. "Diba children never lie?" Tumango siya. "Ito" tukoy ko sa baril. "Hindi to laruan,totoo to"

Napatingin siya sa baril. "Talaga?"

"Yes,kaya wag mong sabihin ha,wag kang magalala,bibilhan kita ng laruan"

Tumango siya. "Sige,di ko po sabihin"

Ginulo ko yung buhok niya. "Good boy" Bumaba siya sa kama at lumabas.

"Siguraduhin mo lang na di niya sasabihin" sabi ni Kuya tsaka lumabas.

Tiningnan ko yun baril, kailangan ko tong itago.

Tinago ko to sa ilalim ng kama tsaka bumalik sa pagkahiga.

Sakit ng tiyan ko.






------------------------------------


Sons of Mafia boss //SEVENTEEN FFWhere stories live. Discover now