CHAPTER 22

176 17 0
                                    


Ko Hyebin's POV

Ang dali lang ng panahon ngayon, bukas na yung Halloween.

"Nak, dalian mong kumain diyan, baka ma late ka"

Kaya dinalian ko namang kumain.

"Alis na po ako" sabi ko at hinalikan yung pisngi nila nanay at tatay.

"Ingat ka ha, marami na nangyari sayo"

"Yes po"

Paglabas ko ay hinintay pala ako ni kuya.

"Ang tagal mo" reklamo niya.

"Nandito na po ako" sabi ko at sumakay na sa kotse niya.

"Ang tigas talaga ng ulo mo no?" Napatingin ako sa kaniya. "Sana lumayo ka nalang sa kanila"

Di ko nalang siya pinansin, tahimik lang kami hanggang sa dumating na sa school.

Bumaba agad ako, di na ako nagpaalam sa kaniya, dumeretso nalang ako sa room ko.

"Eyy, morning" bati ni Woozi habang umiinom ng coke.

Ang aga, umiinon ng coke.

Pagupo ko ay nilingon ko si sobin, gusto ko ng makipagbati sa kaniya pero nahiya ako.

"Magbati na kaya kayo? Ako na ang nahirapan sa sitwasyon niyo" rinig kong sabi ni Woozi.

Bumuntong hininga nalang ako, dumating na si Ms. Kim.

"Class, bukas na diba yung Halloween? So may Halloween party tayo" sabi ni Ms. Kim.

Excited naman yung mga kaklase ko, mas gusto ko pang magstay sa bahay.

"Tas may activity kayo"

"Wag kang umabsent, may activity tayo" natatawang sabi ni Woozi, inirapan ko lang siya.

Nagdiscuss na si Ms. Kim kaya nakinig na ako.

"Sumasakit yung tiyan ko" sabi ni Woozi habang naka hawak sa tiyan niya.

"Ang aga mo kasing uminom ng coke" sabi ko habang papunta kami ng cafeteria.

Pagdating namin ay pumila agad si Woozi.

"Hi!" Bati ni Dino pagka upo ko, ningitian ko naman siya.

Dumating na si Woozi na may dalang coke.

"Kala ko sumasakit yung tiyan mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Nawala na" sabi niya at binuksan yung coke.

"Halloween party bukas" sabi ni Joshua at ininom yung tubig. "Tas may activity"

"May na isip na ba kayong gawin bukas?" Tanong ni The8.

"Di kami sinabihan ni Ms. Kim kung ano yung gagawin bukas" sabi ni Woozi at inubos yung coke niya.

"Ito nalang, gagawa tayo ng horror house mamaya tas tayo yung multo" sabi ni Dk. "Ano? Game?"

"House? Or room?" Tanong ni Vernon.

"Uhh, room, game?"

"Yan yung activity?" Tanong naman ni Woozi.

"Oo nga!"

"Game!" Sumang ayon naman kami.

"Hyebin?" Napatingin kami sa harapan ng may tumawag sa akin, si Sobin. "Pwede ba kitang makausap?"

Tiningnan ko silang Woozi, tumango lang sila sa akin.

Nilingon ko naman si Sobin at tumango.

"Sorry" sabi niya pagkadating namin sa field, tiningnan ko siya na nakakunot noo. "I'm sorry" ulit niya.

Sons of Mafia boss //SEVENTEEN FFWhere stories live. Discover now