CHAPTER 34

118 6 0
                                    

Ko Hyebin's POV

"Ate" tawag ni Jack sakin. "Paano ba to?" Lumapit siya sakin na may dalang papel. "Naguguluhan ako" kumalot siya sa ulo niya.

Pinaaral nila nanay si Jack dahil yun ang gusto niya. "Nako,hindi ako marunong diyan,sure akong marunong si kuya niyan kaya doon ka baka maperfect ka diyan" alam ko naman yun,plus lang yun pero tinatamad ako.

"Sige" lumapit si Jack kay kuya na nasa couch na nakaupo habang nagcecellphone. "Sabi ni ate marunong ka daw nito" inilahad niya yung papel kay kuya,humagikhik ako at napatingin si kuya sakin. "Pwede mo ba akong turuan?" Bumalik yung tingin niya kay Jack at ngumiti,ngiting demonyo.

"Oo" kinuha niya yung papel at may sinulat.

Bumalik na ako sa kwarto ko at kinuha yung phone. Kumunot yung noo ko ng may missed call ako galing kay Sobin. Patay na siya ah!

Sinubukan ko tung tawagan pero hindi sumasagot. Kinabahan tuloy ako. Paano kapag buhay pa si Sobin?

Biglang patabog na bumukas yung pinto. "Ay Sobin!" Napahawak ako dibdib ko dahil sa gulat. "Kuya naman eh!"

"Sobin ka diyan" lumapit siya sakin at hinila yung braso ko. "Let's go"

"Let's go? Where are we going?" Hindi siya sumagot,nagpatuloy lang siya sa paglakad,malapit akong nahulog sa hagdan kakahila ni Kuya sakin. "Kuya naman! Dahan dahan lang eh"

"Shut up"

"Saan kayo?" Napalingon kami kay nanay na nasa kusina.

"Si Kuya-"

"May bibilhin lang ako kaya nagpasama ako sa kaniya" putol niya sakin at tuluyan akong hinila palabas hanggang sa kotse niya. "Okay"

"Okay? Saan tayo punta?" Sinuot ko yung seatbelt baka paghuminto to bubunggo naman yung ulo ko.

"Club"

"Ha?"

"You heard me"

Di na ako nag tanong,club daw at tama nga siya nasa club na kami ngayon,matagal na akong hindi pumupunta ng club dahil ni Kuya pero infairness,sinama niya ako.

Bumaba na siya kaya bumaba ako,papasok na sana ako kaso pinigilan niya ako. "Sinong nagsabi na papasok ka?"

Naguguluhan ko siyang tiningnan. "Bat pumunta tayo dito?"

"Diba sabi ko kanina magpasama lang ako?"

"Ha?-" at tuluyan na nga siyang pumasok. "Bat ko pa kasi siya naging kuya?" Sambit ko sa sarili ko.

Bumalik nalang ako sa sasakyan niya at hinintay siya.

Habang hinihintay ko siya ay napatingin ako sa review mirror na may palapit sa kotse ni Kuya, assuming ko naman baka papasok lang sa club,pinabayaan ko nalang yun.

Hindi maalis yung tingin ko sa lalaking naka mask at may dalang baseball bat. Lumapit siya sa may bintana at kumatok, hindi ko yun binuksan syempre,baka ihampas niya yang dala niyang baseball bat.

Nagalit ata siya kasi di ko yun binuksan, kumatok siya ng paulit ulit at umatras ako sa driver seat.

Napasigaw ako ng binasag niya yung bintana gamit yung baseball bat at inunlock yung pinto.

Hinihintay ko si Kuya na lumabas pero ang tagal niya,bwisit yun!

Pagbukas ng pinto ay hinila niya ako pero hindi ako nagpadala sa kaniya,sinipa ko siya at pagkawala ko ay binuksan ko yung makina at umatras. Wala akong pakialam kung mabangga ko sila at wala din akong pakialam kung masira tung sasakyan ni Kuya,kasalanan naman niya kung bakit niya ako iniwan.

Sons of Mafia boss //SEVENTEEN FFWhere stories live. Discover now