CHAPTER 36

133 4 0
                                    

Ko Hyebin's POV

Ika tatlong araw na ngayon simula nung namatay ang tatay nila. Hindi ako pumapasok at naintindihan yun ni Nanay.

Nakatayo ako sa bintana ng kwarto ko habang nakatingala sa langit. Ngayon yung libing ng tatay nila pero hindi ako pumunta. Nahihiya ako.

Bumukas yung pinto at sumilip doon si Nanay. "Nak,may naghahanap sayo"

"Sino?" Ngumiti lang siya at umalis, naguguluhan man ay sumunod ako sa kaniya. Pagbaba ko sa hagdan ay nagulat ako ng makita si Hoshi na nakaupo sa sofa. "Hoshi?"

Tumayo siya ng makita ako. "Bat... hindi ka pumunta sa libing ni Dad?"

Natigilan ako sa sinabi niya. "N-nahihiya ako" sambit ko at tumabi sa kaniya. "I'm sorry"

"Stop saying sorry, it's not your fault" hinawakan niya yung kamay ko. "Ako nalang yung magsorry sa sinabi ni Vernon"

Umiling ako. "Okay lang,nadala lang naman siya sa galit"

"Are you sure?"

Tumango ako. "Tapos na ba yung libing ng tatay mo?"

"Tapos na,bumihis ka,punta tayo doon"

"May tao pa ba doon?"

"Wala na"

Tumango nalang ako at umakyat para magbihis. Pagbalik ko sa baba ay may pinagusapan silang nanay at tumango siya. Napatingin sila sakin pagbaba ko. "Tara?" Tumango si Hoshi at nagpaalam na kami kay Nanay.

Tahimik lang kami hanggang sa dumating kami sa sementeryo.

Kumunot yung noo ko ng may nakita akong dalawang nakatayo sa harap ng puntod ng nanay at tatay nila. "Kuya?" Tawag ko sa isa pero hindi ako sure kung siya nga pero pagharap niya ay si Kuya nga at kasama niya si Jack,kaya pala bigla silang nawala sa bahay.

"Ate,sinabihan ako ni Kuya na mafia daw to siya" tinuro niya yung puntod ng Tatay nila. "Ano po yung mafia?"

Lumuhod ako para pumantay yung mukha namin. "Masyado ka pang bata para malaman yun" ginulo ko yung buhok niya. "Kita mo siya?" Turo ko kay Hoshi na nakasandal lang sa kotse niya. "Anak nila yun,Hoshi yung name niya"

Bigla siyang tumakbo papunta kay Hoshi at hinila niya papunta samin. Nagkatinginan silang dalawa ni Kuya kaya tumikhim ako para makuha yung atensyon nila. "Ummm...bat ka pala nandito?" Tanong ko kay Kuya.

"Bawal ba?" Sarcastikong sabi niya. Hindi parin nagbago. What's new? Tiningnan niya yung relo niya. "May gawin pa pala ako,iiwan ko nalang muna si Jack sa inyo"

"Ha?"

"May gagawin ako" ulit niya.

"Ano naman ang gagawin mo?"

"Basta! Isama niyo nalang si Jack sa inyo"

"Saan naman kami pupunta?"

Inis niya akong tiningnan. "Ipasyal niyo siya" sambit niya at umalis.

Nagkatinginan kami ni Hoshi. "Ummm...anong gagawin natin?"

Tiningnan ni Hoshi si Jack na nakaupo lang. "Ipasyal nalang natin" nakangiting sabi niya.

Napatayo si Jack sa sinabi niya at tumalon talon. "Sa amusement park!"

Natatawang binuhat ni Hoshi si Jack. "Okay" umuna siyang lumakad papunta sa kotse niya. Tiningnan ko muna yung puntod ng nanay at tatay nila na magkatabi lang at yumuko bilang pagpaalam at sumunod na sa kanila.

"May gagawin ka ba? Kung meron iuwi mo nalang kami ni Jack" sambit ko pagkapasok ko sa kotse niya.

"Wala naman akong gagawin kaya okay lang"

Sons of Mafia boss //SEVENTEEN FFWhere stories live. Discover now