CHAPTER 20

204 17 4
                                    


Ko hyebin's POV

Pag gising ko ay di na masakit yung ulo ko at di na din ako mainit, haysst salamat naman.

"Nak? gising ka na ba?" rinig kong sabi ni nanay sa pintuan.

binuksan ko naman at ngumiti,"may lagnat ka pa ba?" hinawakan niya yung noo ko.

"wala na akong lagnat nay"

"mabuti naman, kain na"

"maligo pa po ako"

tumango lang siya, lumigo agad ako at pagkatapos ay bumaba na.

"hyebin, ok ka na ba?" tanong ni tatay.

"ok na po ako"

pagupo ko ay kumuha agad ako ng pagkain at nagsimula ng kumain.

"sinabihan ako ni hoshi kagabi kung anong nangyari sayo sa school, sobrang nag alala ako sayo" sabi ni nanay.

"pero okay na po ako ngayon" tinapos ko na ang kinain ko,"alis na po ako"

tiningnan ko si kuya, di pa siya tapos kumain at at may eyebags, tss nagpuyat guro kagabi.

"dalian mo naman diyan kuya" reklamo ko pero inirapan niya lang ako.

umuna nalang akong sumakay sa kotse, sumunod naman siya.

"ang tagal naman, ikaw ang kasalanan kung bat ma late ako ngayon ha" sabi ko sa kaniya pagkapasok niya.

"wala ako sa mood para makipag talo sayo" mahinang sabi niya pero sapat na sakin na marinig ko.

"ano bang nangyari sayo?"

di siya sumagot, pinagcross ko nalang ang braso ko at tumingin nalang sa labas ng bintana.

Pagbaba ko sa kotse ay agad akong pumunta sa room namin, na salubong ko si Ms.Kim, buti nalang di ako na late.

"Morning miss"

"morning miss hyebin"

Pagupo ko sa tabi ni woozi ay nahagip yung mata ko sa kamay niya na may sugat, nakipag away na naman guro to.

"morning" ako nalang ang bumati.

"mmmm"

"nyare sayo?"

"huh?"

"nakipag away ka no?"

kumunot naman yung noo niya,"nakipag away? from who?"

tinaasan ko siya ng kilay, tinuro ko yung kamay niya na may sugat, agad naman niya yun tinago.

"wala to"

"wala daw"

nagdiscuss na si Ms. kim kaya tumahimik na kami.


"cr muna ako" sabi ko kay woozi pagkalabas namin sa room.

"sama ako"

binatukan ko siya,"bastos!"

hinimas himas naman niya yung ulo niya kung saan ko siya bandang binatukan,"anong bastos dun?"

"basta, susunod nalang ako dun"

di nalanb siya nag reklamo at lumakad na papuntang cafeteria, ako naman ay papunta sa cr.

pagpasok ko sa cubicle ay umihi agad ako.

may biglang pumasok, lalaki? babae lang dito ahh.

nakatayo siya sa harapan ng cubicle ko pero agad naman siyang umalis, ito talaga si woozi.

Sons of Mafia boss //SEVENTEEN FFWhere stories live. Discover now