CHAPTER 21

190 17 0
                                    


Ko hyebin's POV

"S-sino ka?"

"Hyebin?"

Nang marinig ko ang boses ni woozi ay lumapit agad ako sa kaniya at niyakap siya.

"B-buti nalang d-dumating ka" humagulgol ako sa dibdib niya.

"Shhh, tahan na" hinagod niya yung likod ko.

Umalis ako sa pagkayakap. "Pano mo nalaman na nandito ako?"

"Di ako umuwi kanina, nakita ko kasi yung papel kanina kaya binasa ko, tas hiningi ko sa guard yung susi"

Niyakap ko ulit siya.

"Yung ulo mo, dumudugo"

Ngayon ko pa namalayan na dumudugo pala yung ulo ko.

"Sa bahay ka muna namin"

Pinasakay niya ako sa kotse niya.

"Masakit ba?" Nagalalang tanong niya.

Tumango ako. "Mukhang nahihilo nga ako eh"

"Tiisin mo lang, malapit na tayo"

Pagdating sa kanilang mansion ay sinalubong agad kami ng maid nila.

"Manang, clean her" utos niya sa maid, tumango naman siya.

"What happened?" Tanong ni Seungchol.

"May nag lock sa kaniya sa room, tas kung may ano inihampas sa ulo niya.

"Are you okay?" Tanong niya sakin.

Tumango lang ako.

"Haystt, baka magka amnesia ka" sabi ni woozi.

Siniko naman siya ni Seungchol.

"Ihatid mo na siya sa kwarto ni mommy" utos ni Seungchol at tumango naman ang maid.

Pagpasok namin sa kwarto ay nilinis agad niya yung sugat.

"Di ako makapanilawa na nagbago na sila" biglang sabi ng maid.

"Po?"

Tiningnan niya ako na nakangiti. "Hyebin ba?"

Tumango ako.

"Ang ganda mo kaya sila nagkagusto sayo" sabi niya habang sinusuri yung mukha mo, nahihiya na ako, mukhang napansin niya kaya siya tumawa. "Lucy"

"Po?"

"Pwede mo kong tawaging Lucy"

Mukhang wala akong respeto sa kaniya kapag Lucy lang yung tawagin ko, nasa 50s kasi siya eh.

"Manang Lucy" nakangiting sabi ko, tumawa naman siya, anong nakakatawa?

"Alam mo, para ko na silang apo" natatawang sabi niya, nilagyan niya na ng bandage yung noo ko kung saan may sugat, tas tiningnan ako. "Ng dahil sayo nagbago na sila"

Huh?

"Ano po bang nangyari?" Di ko mapigilang tumanong.

"Yung mommy nila ay namatay" nagulat ako sa sinabi niya. "Simula nung namatay yung mommy nila ay palagi silang nagaaway, di sila bumabati, di pumapasok, di kumakain, ewan ko sa kanila, sinabihan ko sila na tanggapin na nila ang pagkamatay ng mommy nila, ako yung nasasaktan sa ginagawa nila eh" hinawakan niya yung pisngi ko. "Kaya sana wag mo silang iwan" sabi niya at umalis.

Iwan?

Marami pa sana akong itanong sa kaniya pero lumabas na siya.

"Hey"

Sons of Mafia boss //SEVENTEEN FFWhere stories live. Discover now