CHAPTER 24

160 10 1
                                    


Kwon Soonyoung's POV

Shit.shit.shit!

"Hyung! Hyebin's missing!"

Napatingin sila sa akin. "What?! Di mo ba siya binantayan?!"

"N-nasa madilim kami na lugar tas may biglang humila sa kaniya" hinihingal na sabi ko.

"Let's find her"

Naghiwalay naman kami at hinanap si Hyebin, libot kami ng libot pero di parin namin siya makita.

Nag vibrate yung phone ko kaya kinuha ko yun at sinagot ang tawag ni Seungchol. "Hyung?"

"We saw her sleeping"

"Where?"

"In your car"

"My car-what?"

"Come here" ibinaba na niya ang tawag.

Tiningnan ko silang Woozi. "Nasa sasakyan ko daw si Hyebin, tara" tumakbo kami papunta sa sasakyan ko. "Bat nandito siya?" Tanong ko pagdating namin.

"May sulat, galing kay Jackson" inilahad niya yung papel.

'Bantayin niyo si Hyebin baka may kumidnap sa kaniya'

Kinumot ko agad yun at tinapon.

"I'll take her home" tumango naman sila.



Ko Hyebin's POV

Gumising ako na masakit ang ulo ko.

"Nak?" Napatingin ako kay nanay. "Okay ka na ba?"

Bumangon ako at tinulungan naman ako ni nanay bumangon. "Medyo masakit yung ulo ko"

Bumuntong hininga si nanay. "Ano bang nangyari?"

Tiningnan ko siya. "P-pumunta lang naman kami sa horror house at may biglang tumapik sa bibig ko"

"Buti nalang nakita ka nila"

"Saan po?"

"Sa sasakyan ni Hoshi" hinawakan niya yung kamay ko. "Magingat ka sa sunod ha? Kung lalabas ka ipasama ko si Hoshi sayo para bantayin ka"

"Nay, wag naman, nakakahiya"

"Nakakahiya daw pero palaging sumasama sa kanila" di ko napansin si kuya na nakatayo lang pala sa pintuan. "Wag ka na sana lalapit sa kanila, tingnan mo yang nangyari sayo, nung dumating sila sa buhay mo ay marami nang nangyari sayo"

"Baekho" suway ni nanay sa kaniya.

Napayuko nalang ako, tama si kuya, kailangan na akong lumayo sa kanila.

"Totoo naman nay, napanganib na yang buhay ni Hyebin dahil sa kanila!"

"Baekho! Tumigil ka!"

"Tama siya nay" napatingin si nanay sa akin. "Kailangan kong lumayo sa kanila"

"Nak, hindi naman kasalanan nila, buti nga eh tinulungan ka nila at ang bait pa nila sayo, kung wala sila sa buhay mo ay walang magligtas sayo" Tama din naman si nanay.

"Kaya nga ng dumating sila sa buhay ni Hyebin palagi nang sumusunod si Jackson sa kaniya-"

Napatingin ako kay kuya, lagot.

"Jackson?" Pabalik balik yung tingin ni nanay sa akin. "Sino yan siya? Sumusunod kay Hyebin?"

"H-hindi-"

"Narinig ko na yun kaya wag nang magsinuhaling" tiningnan ako ni nanay. "Siya ba yung sumusunod sayo? Sabihin mo"

"Hindi"

Sons of Mafia boss //SEVENTEEN FFWhere stories live. Discover now