CHAPTER 27

134 9 0
                                    


Ko Hyebin's POV

"Nay? Nay?! Nay!" Sigaw ko habang pababa ako ng hagdan.

"Ano?!" Sigaw niya rin.

Tumawa naman ako ng mahina. "Alis na poo"

"Mag thank you ka kay hoshi ha"

Dahil sa narinig ko ay naalala ko yung kagabi, ayaw ko ng uminom, lagot talaga yun si Sobin sa akin.

"Okay" sabi ko at lumabas, napatingin ako kay kuya na nakahintay sa akin, di ko lang siya pinansin at pumasok nalang sa kotse niya.

Habang nagd-drive siya ay tahimik lang kami hanggang sa dumating.

Di na ako nagpaalam sa kaniya at dumeretso nalang sa room ko, pagpasok ko ay binungad agad ako ni Sobin.

"Morning!" Masiglang bati niya, ningitian ko lang siya.

Pagupo ko ay napatingin ako kay Woozi na parang natutulog.

"Mamaya ha" napatingin ako kay Sobin na nakangisi.

Kumunot naman yung noo ko. "Anong mamaya?"

"Kalimutan mo na? Mag-" di na natapos ni Sobin yung sasabihin niya kasi pumasok na si Ms. Kim. "Mamaya nalang"

Napatingin ako kay Woozi na naka upo na ng maayos, di ko nalang siya pinansin at nakinig kay Ms. Kim







"Di ka ba kakain?" Tanong ni Sobin pagkalabas namin.

"Yaw ko" di ko lang talaga gusto silang makita.

"Edi gawin na natin!" Bigla niya kong hinila.

"Saan tayo punta? Anong gawin natin?" Tanong ko.

"Mag confess na ako!" Excited na sabi niya.

"Confess? Huh?" Huminto ako sa paglakad.

Hinarap naman niya ako na nakacross yung braso niya. "Kay hoshi, dzuhh"

"H-huh?"

"Bingi ka ba?" Napatingin siya sa likuran ko at lumaki yung mata niya na parang nakakita ng multo. "Omg! Ayun siya!" Hinila naman niya ako.

Napatingin ako kay Hoshi na papuntang gym, sandali, ayaw kong lumapit sa kanila! Naiinis parin ako.

"Ayaw ko!" Huminto ako.

"Ano ba yan?!" Napakamot siya sa ulo niya. "Sige na, sabi mo tulungan mo ko!"

"Huh?"

"Sabi mo!"

"Na?"

"Tulungan mo ko!"

"Sinabi ko ba yun?"

"Oo! Kaya tara na"

Pagpasok namin ay nakita namin agad silang Hoshi,Woozi at Jun. No, ayaw kong lumapit sa kanila kaya tumigil ako sa paglakad.

"Malapit na tayo oh" inis na sabi ni Sobin dahilan na napatingin silang Hoshi samin. "Ehe, tingnan mo"

At kasalanan ko pa?

Nagtama yung tingin namin ni hoshi, wala akong makitang ekpresyon sa kaniya, bat ang cold niya tingnan, siya yung unang umiwas ng tingin kaya hinila ko na si Sobin.

"Tara na"

"Di pa ako tapos" lalapit na sana siya kaso pinigilan ko. "Ano ba?!"

"Pwedeng mamaya na?"

"Ngayon dapat!"

"Sobin-"

"Hoshi-woah"  Napatingin ako sa tumawag ni Hoshi, si Dk, tiningnan niya lang ako. "Hoshi, tara na" sabi niya at umalis.

Sons of Mafia boss //SEVENTEEN FFWhere stories live. Discover now