CHAPTER 31

134 12 3
                                    


Ko Hyebin's POV

"So hindi ka pumasok sa klase mo?" Inis na tanong ni nanay pero kay Jack lang ako nakatingin habang kumakain siya ng chocolate sa sofa. "Hyebin! Nakikinig ka ba?!" Nagulat ako sa sigaw ni nanay kaya agad akong tumango. "Pumasok ka ngayon!" Sigaw niya at bumalik sa kusina.

Pagakyat ko ay nakita ko si kuya na nakangisi. "Tsee!" Tinulak ko siya at pumasok sa kwarto. "Sumbong ng sumbong! Parang bata!" Sigaw ko, alam kong narinig niya yun kasi tumawa siya, walang kwentang kuya. Maghanda ka talaga sakin, agad akong naligo, pagkatapos ay bumihis agad ako at bumaba. "Nay! May baril-" biglang tinakpan ni kuya yung bibig ko, kinagat ko yun at napasigaw siya. "Nay-" hinila niya ako palabas at tinulak papasok sa kotse niya. "Hoy-"

"Baka nakalimutan mong may napatay ka" inis na sabi niya.

"Baka nakalimutan mo rin na mas marami kang napatay kaysa sakin" balik ko sa kaniya. Hindi siya sumagot, sumakay nalang siya sa driver seat at nagdrive. Yan naman pala.

Pagdating namin ay bumaba agad ako, napatingin ako kay kuya na sumusunod sakin kaya huminto ako sa paglakad at humarap sa kaniya. "Hindi na nga ako tatakas"

Tumaas yung isa niyang kilay. "Siguraduhin ko lang" sabi niya at tinulak ako, inirapan ko nalang siya at naglakad na.

Huminto na ako ng nasa tapat na ako ng pinto ng room namin. "Hindi kaba papasok?" Nagulat ako ng sumalita si kuya. "Ano?"

"Akala ko umalis ka na?"

"Tss, pasok na" binuksan niya yung pinto at tinulak naman ako. Aba! Lalapitan ko na sana siya pero agad niya yun isinara. Lalaking yun!

"Hyebin?" Dahan dahan akong humarap sa tumawag sakin, ughh Sobin! "Hyebin!" Niyakap niya bigla ako. "Akala ko wala ka na!" The hell, agad kong inalis yung pagkayakap niya sakin. "May problema ba?" Meron, umiling ako at ngumiti. Napatingin siya sa braso ko. "Anong nangyari diyan?"

"Nahulog ako sa hagdan" sabi ko at umupo sa upuan ko, napatingin ako kay Woozi na tumitingin sakin pero agad ko yun inalis.

"Okay ka lang?" Tanong naman ni Sobin.

"Okay lang nga ako" sabi ko,tumango lang siya bumalik sa upuan niya.

Kitang kita ko si Woozi sa gilid ng mata ko na nakatingin parin sakin pero di ko lang yun pinansin. Mabuti nalang dumating na si Ms. Kim.

"Hyebin?" Napatingin ako kay Ms. Kim ng tinawag niya ako. "Wala ka nung exam so magtatake ka ngayon"

"Po?"

"Magtake ka ng exam"

"Ngayon?"

"Yes, ngayon"

Tumayo nalang ako at kinuha yung test papers. "Sa likod ka uupo" sabi niya at tumango ako, umupo nalang ako sa may likod.

Napahilot ako sa noo ko ng di ko alam ang mga sagot nito at hindi rin ako nagstustudy! Pano nato?!

May biglang tumapon na papel sa ulo ko, luhh, napatingin ako sa mga kaklase ko pero nakatalikod lang naman sila sakin, tumingin ako sa taas, baka nahulog? Kinuha ko yung papel na nasa paanan ko at tiningnan yun. Mga sagot?! Weh? Baka mali to? Ahh bahala na basta nakasagot ako, tiningnan ko si Ms, Kim na nagsusulat lang sa whiteboard, kaya agad ko yung cinopy, hehe, thank you man kung sinong sumulat nito.

"Are you done?" Napatingin ako kay Ms. Kim.

"Yes" agad ko yun ipinasa at bumalik sa upuan ko.

"May masquerade party tomorrow, mag start ng 7:30" sabi ni Ms. Kim. "I'll give you time to prepare so wag na kayong papasok muna" naghiyawan yung mga kaklase ko. "Goodbye class"

Pagkalabas ni Ms. Kim ay lumapit si Sobin sakin. "Pupunta ka?"

"Maybe?"

"Pwede mo kong samahan?"

Kumunot yung noo ko. "Kay Hoshi ka kaya magpasama?" Natahimik siya bigla. "Ano?"

"Selos ka noh?" Kinurit niya yung tagiliran ko. "Sabihin mo, sabihin mo!"

"A-ano ba? Ano bang pinagsasabi mo?"

"Aminin mo na kasi-"

Napatigil kami ng tumikhim si Woozi, di ko namalayan na nasa tabi lang pala ko siya. "Tumahimik ka diyan"

Pumasok na yung next prof namin kaya bumalik na si Sobin.

Habang nagdidiscuss yung prof namin ay napatingin ako kay Sobin na nagtatype sa cellphone niya. Pagtingin niya sakin ay kinuotan ko siya ng noo pero ngumiti lang siya ng mapait sakin, ibinalik na niya yung phone niya sa bulsa niya at nakinig.

"Hyebin?" Tiningnan ko si Sobin. "M-may puntahan a-ako, sa r-rooftop, pwede bang ma-magpasama?"

"Bat nauutal ka ata?" Kunot noong tanong ko.

"Ahh basta, pwede ba?"

"Oh sige-" bigla niya kong hinila, "wag ka naman tatakbo" mas binilisan pa niya yung pagtakbo niya, pagakyat namin sa hagdan ay nadapa ako. "Sobin!"

"S-sorry, dalian natin" pinatayo niya ako at hinila, pagpasok namin sa rooftop ay humihikbi na siya. "Sorry Hyebin, sorry!"

"Ano bang nangyari sayo?" Hinawakan ko siya sa balikat pero agad siyang umatras.

"I'm sorry, please p-patawarin moko!" Hikbi ng hikbi siya at hindi ko na siya maintindihan. "I'm sorry" umiiling siya.

Napatingin ako sa pinto ng sumara yun. "Thank you lil sis" nakangising sabi ni Jackson.

Tiningnan ko si Sobin na humihikbi parin. "A-anong ibig sabihin nito?"

"Sorry"

"Ano ba talaga?!" Napaatras ako ng lumapit si Jackson sakin. "A-ano bang gusto mo?"

Bigla niyang hinawakan yung balikat ko tinulak pero nakakapit ako sa uniform niya.

May biglang sumipa sa pintuan at pumasok doon si Woozi. "Let her go" hinihingal na sabi niya.

Napasigaw ako ng hinila ni Jackson yung buhok ko. "Come here"

Dahan dahan lumapit si Woozi samin, bigla nalang hinila ni Sobin si Jackson kaya mas sumakit yung pagkahila niya sa buhok ko. "Tama na yan kuya!" Naiiyak na sigaw ni Sobin, tumakbo palapit si Woozi sakin at pilit hinihila palayo kay Jackson pero nakahawak siya sa buhok ko. "Kuya tama na, bitawan mo si Hyebin!"

"Tumigil ka" tinulak ni Jackson si Sobin dahilan ng pagkahulog niya.

"Sobin!"

-----------------------------------

malapit nang matapos tung story nato kaya dalian ko ang pag update:>

at kapag tapos na uupdate naman ako sa isa kong story

https://my.w.tt/LF9I0iEme9

maybe u can read it guyssss.

I hope u enjoy reading and don't forget to vote and comment ~ love lots♡

Sons of Mafia boss //SEVENTEEN FFWhere stories live. Discover now