CHAPTER 19

222 21 0
                                    


Ko hyebin's POV

Pagbangon ko ay sumasakit yung ulo ko, paghawak ko ay ang init, may lagnat ba ako?

di ako naligo, nilagyan ko lang ng bandage yung sugat ko.

"morning" bati ni nanay pagbaba ko, ngumiti lang ako, "okay ka lang ba? namumutla ka ah" hinawakan niya yung noo ko, "nilagnat ka, wag ka nalang papasok"

umiling ako, "wag na po, baka mag test kami ngayon"

"pwede ka lang naman mag excuse ah"

"wag na po" umupo ako sa hapagkainan at kumain, "di naman masyado masakit yung ulo ko eh" pero masakit talaga.

"nak, pwede naman mag absent ka, bigyan mo lang ng excuse letter yung teacher mo" sabi naman ni tatay.

"di na nga, promise, kaya ko na ang sarili ko tas di nga masyado masakit yung ulo ko"

bumuntong hininga si nanay, "sige, pero kapag masakit na talaga yung ulo mo, uwi ka agad ha?"

tumango nalang ako at tinapos yung kinain ko.

"Baekho, sabay kayo ni hyebin" sabi ni nanay.

"yaw ko nga"

pinandilatan siya ni nanay.

"sige na nga, dalian mo diyan!"

agad akong sumunod kay kuya.

"namumutla ka, wag ka ng pumasok" sabi agad niya pagkapasok sa kotse.

"yaw ko nga"

"tss, bahala ka"




pagpasok ko sa room ay agad akong binati ni Woozi.

pagupo ko ay tinitigan niya lang ako, alam ko kung bakit, namumutla ka.

"ok ka lang ba? namumutla ka ah"

see?

"ok lang ako"

hinawakan niya yung leeg ko tas noo, "ang init mo"

"pfft, buhay ako"

kumunot yung noo niya,"bat ka pa pumasok, nilalagnat ka"

"concerned?"

"yes, I'll take you home"

tatayo na sana siya kaso pinigilan ko, "wag na , di naman masakit yung ulo ko eh"

"wag kang pasaway"

pumasok na si Ms. Kim, tiningnan niya ko tsaka bumuntong hininga, "fine"

umupo na siya pero nakatitig parin sa akin, "are you sure you're okay?" tumango lang ako.

parang nasusuka ako, "Miss, may I go to the bathroom?"

"Sure"

agad akong tumakbo papuntang cr, pagka pasok ko sa cubicle ay agad akong sumuka.

pagkatapos ay nagmugmog ako, tininingnan ko yung sarili ko sa salamin, namumutla nga ako, ang dry din ng lips ko.

pagbalik ko sa room ay tapos na si Ms, kim, "are you okay? you look pale"

"I'm ok miss, thanks" parang namaos yata ako.

"Okay, just call me if you need anything, ok?"

I nodded, she smiled then walk out.

"iuwi nalang kaya kita" sabi ni woozi pagkaupo ko.

"wag na nga eh, what if mag test tayo ngayon?"

Sons of Mafia boss //SEVENTEEN FFWhere stories live. Discover now