CHAPTER 37

126 3 0
                                    

Ko Hyebin's POV

Napabalikwas ako ng bangon ng may humampas sakin na unan.

"Aba! Ikawng bata ka! Anong oras ka natulog kagabi?!" Sigaw ni Kuya.

"Ano ba?!" Napatingin ako sa suot niyang uniform. "Sandali,may...."

"Oo,may pasok kaya dalian mo diyan!"

Napakamot na lamang ako sa ulo ko at pumasok na sa banyo para maligo,nagbihis naman agad ako pagkatapos at bumaba.

"Oh kain na" sambit ni nanay pagkapasok ko sa kusina. "Sinuntok ka?" Kunot noong tanong niya.

"H-ha?"

"Sinuntok ka ba? Tingnan mo yang labi mo,may sugat"

"Ah-ehh hindi,nakagat ko lang"

Uupo na sana ako ng may humila sakin. "Hindi na,baka malate kami" bulalas ni Kuya habang hinahatak niya ako palabas. "Pasok!" Agad naman akong pumasok.

Parang ang galit niya ngayon ah.

Tahimik lang ako habang nagdadrive siya baka mas lalo pang uminit yang ulo niya.

Pagdating namin ay bumaba na agad ako,di na ako nagpaalam sa kaniya at nagderetso nalang sa classroom.

Napatingin ako kay Woozi na tahimik lang, gusto ko siyang kausapin pero di ko alam kung anong sasabihin ko.

"What happened to your lips?"

Lumingon ako sa kaniya. "N-nakagat lang"

"Bat di ka pumunta?" Walang emosyong tanong niya.

"S-sorry"

Di na siya sumagot pa at pumasok narin si Ms. Kim. Nilingon ko yung upuan ni Sobin na ngayon ay wala na siya, bumuntong hininga na lamang ako at ibinalik yung tingin sa harapan kung saan si Ms. Kim na nagdidiscuss na.

"Sorry" biglang tugon ni Woozi na nakatingin lang sa harapan.

"Okay lang" sagot ko na lamang.






Madali lang natapos yung klase,si Sobin lang yung pinagusapan nila kahit gusto ko na yun kalimutan. Kainis!

"Cafeteria" sambit ni Woozi kaya sumunod ako sa kaniya. May itatanong sana ako sa kaniya kaso nahiya ako. "Do you want to ask something?"

Nilingon ko si Woozi na nakatingin lang sa daan. "Wala"

Pagpasok namin sa cafeteria ay nakita agad namin sila na naguusap...parang seryoso yung pinagusapan nila. Napatingin naman agad sila sa amin ng tumabi umupo kami.

Nakatingin silang lahat sakin tsaka bumaba yun sa labi ko. "Nakagat ko" inunahan ko na sila baka kung ano na ang pagsasabihin.

"Sure ka? Di ka sinuntok?" Tanong ni Dk.

"O sinampal?" Tugon rin ni Seungkwan.

"O hinalikan?" Natigilan kami sa sinabi ni Jeonghan.

"H-hindi..."

"Joke lang"

Nilingon ko si Hoshi na nakatingin sakin, napatingin ako sa labi niya ng ngumisi siya pero agad ko yun inalis.

Kinuha ko yung tubig sa harapan ko at ininom yun. Phew, pinapawisan ako ah.

Napatingin kaming lahat ni Seungcheol ng tumikhim siya. "Hyebin..." Nilingon niya si Woozi na nasa tabi ko at tumango lang siya. "Kailangan ka namin"

Kumunot yung noo ko. "Bakit?"

"May plano kami kung paano namin makuha si Jackson" Pagpatuloy niya.

Sons of Mafia boss //SEVENTEEN FFWhere stories live. Discover now