CHAPTER 26

132 10 1
                                    


Ko Hyebin's POV

Dahil ngayon na ang birthday ni Tita, ay bumihis agad ako, simple lang, Ripped jeans and white polo.

"Nay, hindi ba kayo sasama?" Tanong ko kay nanay pagkababa ko.

"Mamaya lang nga"

"Kung ngayon kaya?" Sumimangot ako.

"Hinintay ka na nung driver sa labas, dalian mo diyan"

Tinawagan kasi ako ni Sobin kanina, sabi niya ipasundo ako ng driver niya, at meron na yun sa labas.

"Si kuya?"

"May pinunta"

"Sige na nga, basta punta kayo mamaya ha?" Lumapit ako sa kaniya at hinalikan sa pisngi ay pati narin si Tatay. "Alis na po ako"

"Sige ingat, wag magpakalasing ha" sabi ni tatay ng kinainis ko.

"Tay! Hindi nga ako umiinom eh! Bahala na nga kayo diyan!" Kinuha ko yung regalo at lumabas nalang ako at sumakay na.

May biglang nagtawag sa akin,si Sobin, kaya kinuha ko yun at sinagot. "Sobin?"

"Papunta ka na ba?" Tanong niya, rinig ko yung ingay sa kanila.

"Oo, malapit na"

"Okay, bye" sabi niya at ibinaba na.

Nang dumating na kami ay nagpasalamat ako sa driver niya at pumasok na, sinalubong agad ako ni Sobin. "Hi!"

Ningitian ko siya. "Hey, saan si Tita?"

"There" tinuro niya kung saan si Tita, may kausap siya, ng makita niya kami ay lumapit agad siya namin, niyakap niya ako at nakipag beso.

"Hyebin,ang laki mo na, matagal na tayong hindi nagkita, saan yung mommy mo?" Tanong niya na may hinahanap siya sa likuran ko.

Tumawa naman ako ng mahina. "Dadating daw sila mamaya" ibinigay ko agad sa kaniya yung regalo ko. "Happy Birthday, Tita"

"Thank you! Kain na!"

Umupo naman kami ni Sobin sa isang mesa. "Tagal nila"

"Sinong tagal?"

"Sila"

"Sinong sila?"

"Hoshi"

"Huh?"

"Hoshi, diba? Ininvite ko sila?"

Di ko nalang siya pinansin at kumain nalang ng cake, napatingin ako kay Sobin ng bigla siyang tumayo. "Saan-" napatingin ako sa nilapitan niya, silang Seungchol, ng tumingin sila sa direksyon ko ay agad akong umiwas, tiningnan ko yung cake ko at kinain, kinuha ko agad yung tubig at ininom, gusto ko ng umalis.

Tumayo ako at lumayo doon,di ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko pero huminto ako sa may pool, maraming tao don, bumalik ako sa pinanggalingan ko, lumingon naman ako sa kanila, nakita kong nakayakap si Tita kay Seungchol, kilala niya sila?!

Umakyat nalang ako sa taas, kung anong makita kong daan ay duon ako dumadaan, ng may nahagip akong picture ay tiningnan ko yun, ngayon ko pa to nakita ah, matagal naman kasi akong di pumupunta dito eh, tiningnan ko ng maigi yung picture, si Sobin maliit pa siya dito, kasama niya si Tita at Tito pero, sino tung batang lalaki? Di ko pa siya nakita.

Nilagpasan ko nalang yun, lumakad lang ako ng lumakad, bat walang tao dito, bawal ba dito? Napatingin ako sa isang pintuan, kwarto ba to ni Sobin? Binuksan ko yun at pumasok, ang dilim.

Mukhang hindi naman to kwarto ni Sobin ah, tumitingin tingin ako sa mga gamit, panglalaki.

"You shouldn't be here" nagulat ako ng may narinig akong boses, di ko namalayan na nabitawan ko yung picture at nabasag yun,napatingin ako dun, yung picture, si-  "this is my room" Napatingin ako ulit sa kaniya,...Jackson.

Sons of Mafia boss //SEVENTEEN FFWhere stories live. Discover now