Confession

172 4 0
                                        

Chapter 2: Confession

The day

Yuna

"Ate, ano ba? Kanina ka pa diyan! Ako pinapagalitan ni mama diyan sa ginagawa mo eh. Pwede bang bukas na lang yan? Ang ilaw daw bukas na bukas pa alas 2 na ng umaga."

"Wag ka na nga! Support me na lang Yurem. Ako na bahala. Matulog ka na."

"Eh ako nga tinatawag ni mama lagi." Sagot niya pa at lumapit siya saakin.

"Ano? Ganda 'di ba?" Pagmamalaki ko.

"Sino bibigyan mo niyan? Explosion box ka pang nalalaman."

"Epal ka talaga. Nakakabuysit ka talaga kahit kelan. Matulog ka na nga! Ang pinto isara mo."

"Pag nasaktan ka, ewan ko na lang." Ngisi niya sabay sirado ng pinto.

"Epal."

.

"Hi, Yuna." Bati saakin ni Andre habang papalapit. Tumango ako at bumalik sa pagbabasa.

"Ngayon ka pa lang nagrereview?" Tanong niya.

Sa ginawa ko ba naman kagabi. Hindi na ako nakatulog ng maayos. Gusto ko yun maging perfect. Eh para kay Mr. Kim yun eh.

"Huy, ano ba?" Hinawakan niya kamay ko habang ang isang kamay naman sa pisnge ko. 
"Ano nangayari? Bakit gan'yan mata mo?"

Mukhang nag-aalala siya. "Wala 'to." Nakakahiya naman kung sabihin kong gumawa ako ng regalo kay Mr. Kim eh ang corny ko naman. "Ok lang." Awkward.

Inalis ko ang kamay niya at yumuko para magbasa ulit.

"May ginawa ka, 'no?" Suspetya ka day.
"Okay,okay. Basta mamayang hapon, sumama ka saakin. May sasabihin ako."

"Sabihin mo na ngayon! May pupuntahan ako mamaya." Nginitian lang niya ako.

"Secret nga kasi yun. Dapat tayong dalawa lang dun. Sana matuwa ka."

"Ngayon pa lang, hindi na ako natutuwa."
Sabay irap ko sa kan'ya.

Ano naman kaya ang sasabihin niya? Aamin na ba siya? Hindi naman sa feelingera ako, pero halata ko naman eh. Bakit ganito niya ako itrato?

Andre

Ngayon ko na balak sabihin sa kan'ya. Ito na ang perfect time for confessing. Kasabwat ko si Lia at mga kaibigan niya dito.

"Sige. Mamaya ah pupunta ako dito. 'Wag kang maarte ha."

At lumabas na ako sa classroom. Bigla kong nakasalubong si Mr. Kim. Binati ko siya at ngumiti naman siya. Hindi ko masisisi kung bakit patay na patay sa kan'ya ang mga babae. Talaga namang mabait siya.

Mr. Kim

Pumasok ako sa faculty room. Pag-upo ko, napansin ko ang bagong sulat na nakapatong sa mesa ko.

Napangiti ako. Isang sulat nanaman mula sa estudyanteng yun. Gusto ko siya. Magaling siyang bumihag ng damdamin sa pamamagitan lang ng mga poem niya. Magaling siya at nakakatawa.

Sa lahat ng nagbibigay saakin, siya ang paburito ko. Matiyaga at alam kong mabait siya.

Bago ko pa buksan, kumatok ang janitor. "Good morning, sir. Naiwan ko po kasi ang dustpan ko eh. Kunin ko lang po."

"Ay sige po."

Pumasok siya at sumilip sa sulat. Napatingin ako sa kan'ya na nakangiti.

"Bakit?" Tanong ko.

"Eh abot langit po ngiti niyo sa sulat eh. Siguro, nagpadala nanaman siya." Sabi niya sabay kalabit sa bewang ko.

"Ay, siya nga." Tanong ko.

Professor CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon