Chapter 20: Trouble
Mr. Kim
"Umiwas ka na sa anak ko. Hindi ko na nagugustuhan ang nangyayari sa anak ko, Mr. Kim. Kung may ugnayan pa rin kayo, itigil niyo na. Ayokong masira ang buhay niya. Isa ka panamang professor. Mahiya ka nga."
Nilulunok ko ang bawat salita na binibitawan ng Mama ni Yuna. Nasa Hospital kami at nakatitig sa kan'ya habang walang malay.
"I'm sorry po."
"Sorry? Kailangan ko ng aksyon. Irereport na talaga kita kapag may nangyari ulit sa anak ko."
"Aalis na ako, at hindi na siya makikita. Magagawa ko na ang sasabihin niyo. Hayaan mo lang sana akong kausapin siya."
"Sige, ito na ang last. Umalis ka na sa buhay ng anak ko."
"Mabait si Yuna. Nagustuhan ko siya sa mga sulat niya. Hindi ko rin alam na may nagagawa na pala akong iba."
"Anong iba?"
"Lagi na siyang nasa isip ko. Lagi ko siyang napapansin at nalalapitan. Madaling mahalin ang anak niyo."
"Bata pa ang anak ko, Mr. Kim. Pasensya na pero alam mo nang kailangang gawin 'to."
"Gusto ko siya."
"Gusto ka ba? Alam mo kasi ijo, hindi naman lahat ng gusto natin ay nakukuha natin. Ang masama pa dun, kung ano ang pinakagusto natin, yun pa ang imposibleng mapunta sa mga kamay."
"Tama po kayo, pero hindi naman lahat hindi nakukuha."
"Do you really like her?"
Hindi ako sumagot.
"Kung gusto mo talaga siya, pagbalik mo, gawin mo na ang tama. Kung tama na ang panahon. You have to wait. Ang tanong, gusto mo bang bumalik?"
"Hindi ko alam."
"Ilang beses niyo na bang sinabing itigil na? Bakit hanggang ngayon, nandiyan ka pa rin."
"Maraming beses. Lagi na lang nawawala ang pagkakataong malaman namin kung ano talaga kami."
"Mr. Kim, ito na ang huli. Tama na, ha? Hindi pa yan pag-ibig. Marami pang iba diyan."
"Ano ho bang iba, Ma?" Napalingon kami kay Yuna na gising na pala at maluha-luha. Lumapit sa kan'ya ang Mama niya.
"Ah, wala anak."
Yuna
Narinig ko ang lahat. Ang sakit sa part ni Mr. Kim. Alam ko namang aalis siya. Bakit sinasabi 'to ni Mama? Anong hadlang na naman ba 'to?
"Ah, akala ko kasi kung anong iba." Pagkukunwari kong hindi ko narinig.
"Nagugutom ka ba? Kumain ka na."
Tiningnan ko ang may pasang mukha ni Mr. Kim. "Ah, Ma, pwede po bang mag-usap muna kami?"
"Sige." Lumabas nama siya. Umupo si Mr. Kim sa tabi ko na nakayuko.
"Kumusta ka na?" Sabay naming tanong.
"Ok lang ako." Sagot niya."Tama ba si Mama? Itigil na naman. Masyadong marami na tayong nadadamay. Nangako na ako sa sarili-"
"Hindi na kita gusto."
"Bakit mo 'to ginagawa? Para umiwas ako? Sawa na ako sa ganitong scenes, Mr. Kim."
"Seryoso ako. At nandito ako para tapusin ang lahat. I'm sorry."
Narinig ko ang pinag-usapan nila. Tanga ba ako? Tanga ba siya? Ano ba?!
BINABASA MO ANG
Professor Crush
Teen FictionA high school student named Yuna has this little secret. May crush siya sa popular and hearthrob English Professor niya na si Mr. Kim. Nagpapadala siya ng sulat, bulaklak, at mga regalo. But, Yuna's life changed after a very unexpected happening. Th...