Poet

83 1 0
                                    

Chapter 8: Poet

Saturday

"Hey, girls! May isusuot na ba kayo sa party bukas?" Tanong ni Lia.

Ako, madami pa naman akong dress na stuck lang dun. Kahit ano na lang.

"Luma lang isusuot ko. Debut lang naman yun eh." Sabi ko sabay upo sa mesa.

"Lia, 'wag mong kakalimutan ang invitation cards natin at baka hindi tayo papasukin." Bilin ni Maxine kay Lia.

"Yuna!"

Napalingon ako sa boses na yun. Si James na naman. Pumasok siya. "Oh." Inabot niya sa akin ang isang bag. "Ano 'to?" Tanong ko.
"Buksan mo na lang kaya."

Binuksan ko ito. Inilabas ko at nakita ang isang napakagandang bistida na kulay white.
Napanganga ako sa nakita ko. "5,000k?!" Sigaw ni Lia.

"Hindi ko matatanggap 'to. At hindi ko naman kailangan ng sobrang mahal na damit na yan. May isusuot naman ako bukas eh. Tyaka bakit ka pa nag-abala eh hindi naman kami i-hahighlight sa party mo."

"Ano ka ba? Syempre i-hahighlight kita. Kasi ikaw ang partner ko bukas. At ibinili kita ng damit na yan para naman maging masaya ka na." Hinawakan niya balikat ko. "Basta tanggapin mo na lang, ha? Regalo ko sa'yo kasi Birthday ko."

"Ako ang dapat magregalo sa'yo, E Don."

"Magtatampo talaga ako sa'yo kapag hindi mo yan tinanggap." Sabay crossed arm siya.

Tumango ako. "Okay, sige sige. Basta, 'wag mo akong hahawakan bukas. Nakakahiya ako." Bilin ko naman kay E Don.

"Huh? Bala ka na nga!"

Natawa ang lahat sa reaksyon niya. Nag-pout siya. "Hala ang cute!" Sabi naman ni Lia.

"'Wag kayong mawawala bukas ah. Lalo ka na, Yuna." Ngumiti siya bago lumabas ng classroom.

Umupo na ako at inilagay sa baba ang dress.
"Ang swerte mo talaga, Yuna. Andaming nagkakagusto sa'yo. Sana all!" Lia.

"Hi, class. Pinatawag ako sa Office kaya hindi ako makakapag-lesson sa inyo ngayon."

Bumungad sa pinto si sir na nakapaloob ang mga kamay sa bulsa. Lagi niya talang ginagawa yun.

"Aw, sad naman. Sige sir, bye po! Ingat ka ha." Rinig naming sabi nung babaeng nasa gilid na naman.

"Hoy! Excuse me. Hindi mo ba nakikita na nandito ang girlfriend niya?" Sabay turo niya pa sa akin.

Tumingin ako kay Mr. Kim na napangiti na lang. "Hala sige, aalis na ako. At mag-iingat ka rin." Sabi niya sa babaeng yun.

"Oh?" Tanong niya.

"Bakit? Lalaban ka?!" Sagot naman ni Lia.
Hinatak ko siya pababa. "Ano ka ba? Pati ba naman yun papatulan mo pa?"

"Eh, ang arte eh. Makita ko yan mamaya, sasabunutan ko talaga. Alam naman niyang girlfriend ka ni Professor Crush, nilalandi pa rin."

"Tumigil ka na nga. Hayaan mo sila."

.

Mr. Kim

Naglalakad ako papunta sa klase ni Yuna. Nakita ko si E Don na lumabas sa room
"Oh. Hey, kuya." Bati niya sa akin.

"Why are you here?" Tanong ko.

"Dinaanan ko lang si Yuna. Sige, mauna na ako.

Seryoso talaga siya kay Yuna. Ok lang naman sa akin. Mabuting bata naman siya. Maganda.

.

"Mr. Kim, welcome. Please, sit down."

As the Principal said, umupo ako sa harap niya. "Yes po?"

"Ipinatawag kita para ibalita sa'yo na nanalo tayo ng Best Student Writer, Season's poet, at Best Poem of the Year. Lastly, we won the PAA. Poet Academic Awards! Your student gave our School a name. Get her and bring her to me 'cause I wanna hug her. We'll give her an award."

Ang poem ni Yuna.

May competition kasi every year. Nang mabasa ko ang poem niya, naantig ako. Naisipan kong isali ito. Hindi ko inaasahang ipapanalo niya ang mga 'yon.

Nakakaproud naman. Lagi talaga akong pinapanilib ng batang 'yon.

"Yes, Principal. Ako na po bahala."

"That's all. You can go. Thank you." Nagpasalamat din ako at agad na tumungo sa klase ni Yuna para ibalita sa kan'ya.

.

Yuna

Nagkakasiyahan ang buong klase nang bumukas ang pinto at pumasok si Mr. Kim.
Napabalik sa upuan ang lahat.

"Hindi, sige lang." Ngumiti na naman siya.

"Bakit siya lumalapit?" Tanong ni Lia.

Tumigil siya sa harap ko. Hindi ako nakatingin pero nararamdaman ko ang presensya niya.

"Pwede ka bang maka-usap?"

Tumaas ang tingin ko. "Ako?" Tanong ko.
Tumango siya. "Oo, ikaw."

Nagtilian ang mga kaklase ko. "Sir, saan kayo pupunta?" Tanong ni Lia.

"Sa unahan. May sasabihin lang sana ako."

"Anong sasabihin mo, sir?"

"Haha, wala."

Tumayo ako at naunang maglakad. Tumigil ako sa harap ng table niya. Umupo siya.
"Naalala mo yung mga sulat na binigay mo sa'kin? Ang Night Sky."

Paano napunta sa mga sulat ko. Nakakahiya. Alam niya na ang buong pagkatao ko.
"Ah, sir. Pasensya na sa mga sulat ko. Alam kong panget ang mga yun-"

"No, it's actually catching. And I have a good news for you. Na-isali ko sa Competition for PAA at nanalo ka."

"As in Poet Academic Award?! Seryoso ka?! Pangarap kong manalo doon at balak ko talagang isali yung poem na yun! Maraming salamat, Sir!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko hinawakan ko ang mga kamay niya. "You made me so happy today, Professor Crush! I love you so much for 1 hundred times 1 million and for the sake of the sorrowful passion!"

Natawa siya. "Ah-, Hehe. I'm sorry, Prof." Inalis ko ang pagkakahawak ko sa mga kamay niya.

"At ipapatawag ka sa Office para mabigyan ka ng award. Masayang masaya ang Principal." Sabi niya pa.

Hindi ko alam kung saan aabot ang saya ko. Sa wakas, na-notice na rin ang poem ko.
Naiiyak ako. Tumulo na lang bigla ang mga luha ko.

Tumayo siya at lumapit sa akin. "I'm sorry, sir."
Inabot niya ang panyo niya. "Okay lang-"
Hinawakan niya ang baba ko at itinaas. Pinunasan niya ang mga luha ko. At dahan-dahan niya akong niyakap.

"Alam kong matagal mo nang pangarap 'to. Nakalagay pa sa poem mo para sa Daddy mo. Masaya ako dahil natupad mo na yun. Masaya din akong malaman at maging parte ng buhay mo. Salamat sa mga sulat na binigay mo. Na-appreaciate ko ang 'yon. Ang mga sulat mo nga ang paborito ko eh, Y-weeji."

Bakit hindi ko naisip na paano niya nalamang ako si Y-weeji? Na ako ang sumulat ng poem na 'yon?

Ang mahalaga, nakayakap siya at pinupuri ang mga obra ko. Mas lalo akong napapalapit sa'yo, Professor Crush. Baka hindi na ako makawala.

"OMG ang sweet!" Boses yun ni Lia.

Kumalas sa yakap si Mr. Kim. Hindi ko alam kung ano ang reaksyong ibibigay ko pagtakatapos ng ginawa niya.

"Proud ako sayo." Dagdag niya pa.

Papatayin mo talaga ako eh 'no.

"Salamat po."

Lumabas na siya sa room. Agad naman nagsilapitan sa'kin ang mga kaibigan ko.
"Anong pinag-usapan niyo?" Tanong ni Adrea.
Umiling ako. "Wala naman. Achievement ko lang."

"Nakita ko lahat, Yuna! Ang sweet niya! Pinunasan niya mga luha mo tapos niyakap ka pa! Parang kayo talaga." Inggit na sabi ni Lia habang nagdadabog sa mesa.

"Nabigla rin nga ako."

"Kinilig ka ba?" Tanong ni Maxine.

Ngumiti na lang ako. At patuloy akong inasar ng mga kaibigan kong walang hiya.

Professor CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon