Mama

119 2 0
                                    

Chapter 3: Mama

Yurem

Kaaga-aga, sumisigaw na naman si mama. "Hoy ano ba? Hindi ka papasok, ha?!" Dinig na dinig ko.

Nagulat ako at napahawak sa unan ko nang makita ko si Yuna na nakatitig sa akin. "Bakit ka ba nanggugulat?" Tanong ko. Tumayo ako at lumabas sa kwarto.

"Ano kailangan mo?" Tanong ko. Alam kong may kailangan siya. Sunod ng sunod eh.
"Ano?" Ulit ko.

Ngumiti siya. "Pwede bang makahiram ng 500  pesos?"

Dinilatan ko lang siya. "Hindi 'no! Bahala ka diyan. Kung sinu-sino kasi ginagastusan eh. 'Yan tuloy, namumulubi ka. Bahala ka diyan." Akala niya, hindi ko alam pinaggagagawa niya. Hello, crush ko kaya si Adrea.

"Epal. Hindi ka ba naaawa sa ate mo?"pacute niyang sabi.

Nakaka-irita ang mukha niya. "Ano ba? 'Wag ka ngang pabebe! Sige, pauutangin kita basta tulungan mo ako kay Adrea."

Napanganga siya. "Adrea? Bakit siya pa? Hindi ka naman magugustuhan nun eh. Tanggapin mo na."

"Edi walang 500." Sabay baba ko. "Hi,mama!" Bati ko kay mama na mainit agad ang ulo sa umaga.

"Epal!" Narinig ko nanamang tinawag akong epal. Siya 'tong epal.

"Ano na naman ba ginawa mo?" Tanong ni mama. "Wala akong ginawa. Eh may boyfriend na."

"Sino?"

"Teacher niya." Nabuga ni mama bigla ang iniinom niyang kape. "Ano?! Titser niya?! Kakausapin ko yang teacher na yan. Samahan mo 'ko diyan sa titser na yan."

"Okay po."

.

Yuna

"Ha, wala akong pambili ng libro. Buysit kasi si Yurem!" Pagdadabog ko sa loob ng classroom.

"Oiy, ano problema mo?" Tanong ni Lia.

Dumating naman sina Maxine at Adrea. "Oh, ang aga mo ata." Bati ni Maxine. Nakakainsulto naman. Yung araw lang naman na yun eh.

Umupo na ako at tumabi kay Lia. "Ano, ready ka na ba harapin si Mr. Kim ngayon?" Tanong niya. Tumango ako. "Bakit naman hindi? Siya nga dapat kabahan."

"Oo, kasi pinahiya mo siya. Tinawag mo siyang manyak sa harap ng maraming tao."

"Bakit? Tinawag niya akong mamboboso ah."

"Yuna, Lia. Tumigil na nga kayo." Pagpigil saamin ni Maxine.

Magkatabi kami ni Lia at sa likod ko naman si Maxine na katabi si Adrea.

"Hi girls." Biglang sumulpot na naman si Andre sa harap ko. "Saan ba classroom mo at nandito ka na naman?" Pagsusungit ko. Nakakabuysit kasi siya tingnan. Parang asong laging nakangiti.

Ngumiti siya. "Meron ka ba? Ansungit mo."
Sinuntok ko braso niya. "Bastos ka!"

"Sige, aalis na po ako. Oh dinalhan kita ng maiinom. Good luck." He winked. Nagtatatalon pa palabas.

"Hala, ang sweet." Kinuha ni Lia ang soy drink na yun at binuksan. "'Wag mong titikman yan!" Sigaw ko. "Ay. Sorry. Kala ko pa naman wala kang paki sa kan'ya." Tumingin ako sa kan'ya. "Sa kan'ya wala, pero sa drink meron. Kaya akin na yan."

Kinuha ko ang drink sabay ng pag ring ng bell.
Nagsidatingan na ang mga classmate ko. Hanggang sa si Professor Kim na nga ang dumating.

Hindi ako nagpapahalatang apektado ako sa kan'ya. Nasa bintana lang ang tingin ko. Siya naman ay nakatayo lang doon na para bang may hinahanap.

"Okay. Can someone please lead the prayer?"tanong niya.

Ang walang hiya kong kaibigan. "Sir! Si Yuna!"
Nasabi ko bang umiinom ako? Boom, nabuga ko iniinom ko kay Lia. "Ay grabe siya."

"Bakit ako?" Tanong ko kay Lia na nagpupunas ng mukha. "Go gurl."

"Okay, Ms. Yuna. Please come and lead the prayer for us."

Tinutulak na ako kahit ayoko. Pero Diyos 'to eh. Bawal tumanggi. Tumayo ako at nagtungo sa harap. Nakikita kong tumatawa ang mga kaibigan ko.

Sinimulan ko nang mag-sign of the cross.
"The holy-"

Nagulat ang lahat nang bumukas ang pinto. Revealing my mother. "Ma?!" Gulat na gulat kong tanong. Baka kamukha lang.

Pumasok siya ng dire-diretsyo. Nakadilat lang ako sa kan'ya habang ginagalaw ko ang bunganga ko para paalisin siya.

Lumampas siya sa'kin. Si Mr. Kim ang pakay niya? Napanganga na lang talaga ako.
Habang nakatitig sa mama ko.

Tinuro ni mama si Mr. Kim. "Ikaw? Ikaw ba si Kim Ro Dan?" Tanong niya.

Tumango naman si Mr. Kim na naguguluhan sa nangyayari. "Ako nga po. Ano po ba ginagawa niyo rito?" Tanong naman pabalik ni Prof.

"Ma." Tawag ko sa kan'ya.

Tumingin sa akin si Mr. Kim. "Ah, kayo po ang nanay ni Yuna? Magandang umaga po. Kung tungkol po sa nangyari, mamaya po ay makikipag-usap ako sa inyo. Pero may klase po kasi ako. At nakakistorbo kayo."

Boom. "Ano?! May nangayari na sa inyo?!" Lumingon si mama sa akin. "Bakit mo agad binigay, anak?! Ipapakulong natin itong mapansamantala mong professor!"

Nakakahiya. Lahat ng tao sa klase ay pawang mga natatangang hindi maintindihan pinagsasabi ni mama. "Ma, ano sinasabi mo?" Pilit kong hila sa kan'ya. "Mama, halika na."

"Hoy, Kim Ra Don. Kailangan mong panagutan ang anak ko. Sa ayaw at gusto mo. Bakit mo ginigirlfriend 'tong anak ko eh disisais pa lang ito. Hoy, Mr. Kim ah. Anong nangyari sa inyo ng anak ko? Ano ang meron sa inyo?"

"Mama, ano ba?! Tumigil ka na nga." Hinila ko siya palabas.

"Anak! Bakit naman titser mo ang boyfriend mo? Ilang taon na ba yun?"

"Ma, hindi ko siya boyfriend. At walang nangyari! Bakit ka ba nandito? Malaking gulo ang ginawa mo, Ma. Pinahiya mo si Mr. Kim, ikaw at ako. Umuwi ka na." Sabi ko sabay balik sa loob.

Pinagpatuloy ko ang pagdasal nang nakatingin sa baba. Nang matapos, dali dali akong bumalik sa upuan ko.

"Wow, grabi. Hindi mo sinasabi may nangyari na pala sa inyo ni Professor crush."bulong ni Lia.

Pinalo ko kamay niya. "Tumigil ka nga."
Lumapit siya ulit. "Lagot ka. Kakalat na 'to sa buong school. Another issue na naman kayong dalawa."

"Sst, Yuna. Kayo?" Tanong ni Maxine. Napayuko ako at biglang tumama ang ulo ko sa mesa. Natigil ang lahat sa ginagawa nila.

"Ms. Yuna, are you okay?" Tanong ni Mr. Kim.

Grabi, ang caring niya talaga.
He!

I just have him thumbs up. Unti-unti kong inangat ang katawan ko.

Walang pumapasok sa utak ko at tanging siya lang ang nakikita ko. "Kung hindi ka lang sana-"

"Yuna! Gumising ka na nga diyan. Lika, lunch na tayo." Tinapik ako ni Lia. Tumayo ako at inayos ang mga gamit ko. "Bakit hindi niyo 'ko ginising? Lunch na pala. Ano nangyari?"

"Yuns! Ang galing talaga maglesson ni professor crush mo. Buti na lang, walang mga quizzes kanina."

"Hay salamat. Si mama ba, bumalik pa?"

"Nakita namin paglabas ni Prof kasama siya. Siguro mag-uusap sila." Sagot ni Adrea.

"Baka magkarecord ka na. Lagot."

"Bakit ba kasi 'to nangyayari? Bakit pa kasi nandito yang Mr. Kim na yan. Tapos na nga eh. Si mama kasi. Sino kaya nagsabi sa kan'ya? Papagalitan ako nun mamaya pag-uwi ko."

"Halika na nga."

Professor CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon