Chapter 21: Visit
Yuna
Nag-aalala talaga ako sa dalawang 'yon. Dalawang araw na ang kalipas nang makalabas ako. Agad kong tinawagan si James para kamustahin siya.
"Yuna, gusto mo bang bumisita dito? I mean, dumaan manlang?"
"Sige ba, pero hindi ba nakakahiya?"
"Kilala ka na nilang lahat. Lagi kasi kitang kinikwento kapag kumakain kami."
"Ano? Bakit mo ginagawa 'yon? Kaya pala lagi kong nakakagat ang dila ko. Tigilan mo na."
"Si Kuya din. Lagi kang nababnggit. Magaling ka daw sa klase."
"Gusto ko talagang magpasalamat sa inyo."
"Ang tanging paraan lang, pumunta ka dito. Sunduin pa kita."
"Ako na. Sige, pupunta ako."
Syempre naman naligo ako. Baka mabahuan sa akin si James. Tyaka bahay ni Mr. Kim ang pupuntahan ko. Nakakalungkot.
Maglalakad ako palabas nang may makit akong itim na kotse. Sobrang haba.
May lumabas na isang lalaki at nilapitan ako.
"Sakay na po.""Ako? Sasakay diyan?"
"Yes po. Pinapasundo po kayo ni Mr. Kim."
"Mr. Kim? Si James or si Ra Don?"
"Sumakay ka na lang."
Binuksan niya nag pinto at umupo ako. May babae doon. May dala siyang pagkain. "Ms. Del Luna, ito po ang soy drink. Pinabibigay po ni Mr. James Kim." Wika niya.
Napatawa naman ako. Ang cute naman nila.
"Para akong prinsesa." Tumango siya. "Yun po kasi ang bilin ni Mr. Kim. Pasensya na po.""Ay, 'wag niyo po sana akong galangin. Ako po dapat gumagawa sa inyo nun. Tyaka, Yuna na lang po itawag niyo sa akin."
Tumango ulit siya. "Pwede bang magtanong?"
"Nagtanong ka na." Sagot niya.
Eh mana pala 'to sa amo niya eh.
"Mabait ba si Mr. Kim Ra Don?" Tanong ko.
"Oo, sobrang bait ng batang iyon. Magalang at mapagmahal. Alam mo ba, iyakin siya."
"Iyakin?! Hindi naman halata. Eh girlfriend na po ba siya?" Tanong ko.
"Hindi ko alam. Pero dati meron. Si Lee Jesi. Matagal sila. Lagi ngang nasa bahay 'yon eh. Masaya sila, pero umalis yun eh. Nalaman ko na lang, wala na pala sila. Sayang nga eh, bagay pa naman sila."
Tse! At kami?mas bagay naman siguro kaming dalawa. "Ah."
"Ikaw ba ang girlfriend ni James?" Tanong niya.
"Hindi. Si Ra Don ang kasintahan niya."
"Ah? Ilang taon ka na ba ija?"
"Sixteen po."
Nagsign of the cross silang dalawa. "Bakit po?"
"Sus, ginoo. Ang bata mo pa pala." Sabay hawak niya sa noo.
Lahat na lang ganito. Hay.
"Si James po ang pinunta ko dito." Sabi ko.
Tumango sila at lumayo ang tingin. Ganoon din ako.
.
Nakarating na naman ako sa bahay nila. Napakaganda talaga.
"Halika na, sasamahan na kita sa taas."

BINABASA MO ANG
Professor Crush
Teen FictionA high school student named Yuna has this little secret. May crush siya sa popular and hearthrob English Professor niya na si Mr. Kim. Nagpapadala siya ng sulat, bulaklak, at mga regalo. But, Yuna's life changed after a very unexpected happening. Th...