Chapter 6: Dating
Nawala ang ngiti ko nang makita si Mr. Kim na nakatayo na sa harap.
"Good morning Mr. Kim." Bati ng mga kaibigan ko. Umupo na ako.
"Lead the prayer-"
"Sir, ako!" Sigaw ng kaklase kong nasa dulo.
Tumango si Mr. Kim sa kan'ya. Agad siyang bumaba at binati si Professor."Mas bagay pa rin kayong dalawa." Bulong sa akin ni Lia.
"Class, are you ready to pray?" Tanong niya.
"No!" Sigaw ni Lia."Huy ano ba?" Tanong ko.
May kumatok sa pinto. "May I excuse Mr. Kim and Yuna Del Luna? Please come to the office."
"Lagot ka Yuna. Ito na nga ang sinasabi ko." Sambit ni Maxine. Nawala naman ang ngiti ni Lia. "Yuna, baka pagalitan ka. Ang record mo."
"Huwag niyo nga kong tinatakot."Lumabas na ng room si Mr. Kim at sumunod na rin ako. Hindi ako nakikipagsabayan sa kan'ya kasi alam kong awkward yun.
Binuksan niya ang pinto. "Mauna ka na." Nauna akong pumasok. Narinig kong sinira niya ang pinto. Nakita namin ang guidance councilor na naka-upo.
"Good morning, please sit down."
Umupo ako habang siya tumango lang. "Bakit niyo po ba kami pinatawag?" Tanong ko.
"Nakita niyo na ba ang kumakalat na video sabuong School?"
"Anong video po?"
Ang iskandalo ni mama. Napahawak na lang ako sa forehead ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari.
Pinatay niya ang phone niya at tumingin kay Mr. Kim.
"Professor Kim, I didn't expect this from you. You're dating a minor. At kailangan pa talagang mangyari 'to? You're not thinking of what punishment we can give your girl. Is it true that you two ate dating?""Po?! Hin-"
"Yes, Madam. We are dating. I'm sorry for the trouble. We will both be careful next time. We're sorry for wasting your time. We know, it's wrong for me to date minor, but when love hits you, you can't do anything about it."
Parehas kaming nganga ni Guidance Councilor.
"So, are we done here? We'll go ahead. Our time is running."
Ang confident niya. Hindi ko alam ang i-rereact ko sa mga sinabi niya. Namumula na ba ako? Bakit mo ginagawa sa'kin 'to?!
"Oh, ok. You can go now. Ms. Del Luna, don't rush things. Study hard."
"Yes, Madam." Tumango siya at tumayo naman ako. Nagpaalam na ako tyaka lumabas.
Nasa-likod ko siya. Gusto kong magpasalamat sa ginawa niya. Kasi kung hindi niya sinabi yun, baka nahihirapan na ako ngayon.
Tumigil ako. Humarap ako sa kan'ya. "Professor Kim, thank you."
Hindi manlang tumingin. "Welcome."
"Mr. Kim, I'm sorry nga po pala sa nasabi ko nung araw na 'yon. Hindi ko naman po sinasadya. Nasaktan po kasi ako."
Tumango siya. Nilagay niya na naman mga kamay niya sa bulsa. "It's fine. Pasensya ka na rin sa sinabi ko. Nadala lang ako."
Tyaka ako nilagpasan.
Napangiti na lang ako. Buti naman at alam niya. Mabait naman pala talaga eh. Sorna. Nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Binuksan niya ang pinto ng classroom. Napa-atras siya nang magtilian ang mga kaklase ko.
"Congratulations Mister and Misis Kim!" Sigaw ng mga walang hiya kong kaibigan.
"Huh?"
Pumasok kaming dalawa. Umupo ako. Nakakirita. Pinagkikiliti ako ng mga tanga. "Ano bang problema niyo?" Tanong ko.
"Yie, congrats ah."
"Bakit ba?"
Hinawakan niya magkabilang balikat ko. "Bes, finally! Dream come true. Naging kayo na nga ni Professor Crush."
Ang kanina..
"Ano bang pinagsasabi mo? Pwede bang makinig na lang tayo?" Tumingin ako sa harap.
Nakatalikod siya habang nagsusulat.
"Okay, our lesson for today are Rhymes. Rhymes are the word with the same letter pronouncation or even in spelling. We have two kinds of rhyme."What are these two kinds of Rhyme?"
Ang dali lang naman ng nilelesson nito. "Sus, dali."
Inangat ni Lia ang kamay ko. "Professor Kim, si Yuna alam."
"Huy!" Tinulak ako patayo.
"Alam ko." Sabi naman ni Mr. Kim na siya namang pinagtaka ko.
Tumayo na nga ako. "There are two. Internal and External rhymes. Internal Rhymes found between each letters of the word while External Rhymes found at the end of the word." Umupo ulit ako.
"Hala ang galing mo talaga. Buti namang napabilib mo boyfriend mo." Bulong ni Lia.
"Alam mo kapag hindi ka pa tumigil, isasaksak ko 'tong ballpen ko sayo."
"Okay, thank you Ms. Del Luna." Sabay ngiti niya.
Sus, kunwari ka pa. Nabilib ka naman at nakasagot ako. Nakasagot ang girlfriend mo.
.
Lunch break na naman. Ok lang yan.
Andre
"Bro, wala ka nang pag-asa kay Yuna." Salubong sa akin ng matalik kong kaibigan sa locker. "Bakit?" Tanong ko.
"'Di mo alam? Kalat na sa buong School. Si Professor Kim Ra Don at Yuna na. Kanina lang nila inamin sa Guidance Room. Naalala mo nung sumugod ang mama ni Yuna kasi may nangyari daw sa kanila? Ewan ko. Narinig ko lang sa labas eh."
Hindi ganong babae si Yuna. Imposibleng may nangyari sa kanilang dalawa. Alam kong gusto ni Yuna si Professor Kim, pero hindi niya gagawin 'yon.
Wala na akong maisip kaya hinanap ko na lang siya sa canteen. Nang mahanap ko siya, mabilis akong naglakad papalapit sa kan'ya.
"Yuna, mag-usap nga tayo. Kailan ka pa nagsikreto, ha?" Tanong ko."Anong sinasabi mo?" Tanong niya. "Huwag ka nang mag maang-maangan diyan. Akala mo hindi ko malalaman pinaggagawa mo? Mag-usap tayo."
"Bakit ka ba gan'yan? Ano bang nangyari at galit ka na naman, ha?" Tanong niya ulit.
"Wala ka ba talagang ideya?"
"Paano ko ba malalaman kung hindi mo sasa-"
Hindi na ako nakapag-isip at hinalikan ko na lang siya. Napadilat siya at tinulak ako.
"Anong ginawa mo?!" Sigaw niya.
"Ngayon ba alam mo na? Ang manhid-manhid mo naman, Yuna! Gusto kita, Mahal kita!"
Galit siya at maiiyak na. Hindi ko naman sinasadya 'yon. Nadala lang ako dahil gusto ko nang sabihin.
Sinampal niya ako. Masakit pero deserve ko yun dahil sa ginawa ko. "Hindi kita gusto!" Sigaw niya sabay takbo papalabas ng canteen.
Napahawak ako sa labi ko. Iyon ang pinakaunang halik ko. Tumingin ako sa bandang kaliwa ko.
Nakita kong tulala ang mga kaibigan niya at nandoon si Mr. Kim. "Hoy Mr. Kim, may nangyari ba talaga sa inyo?" Tanong ko.
"Ano sa tingin mo? Akala ko ba mahal mo siya? Kilala mo siya 'di ba? Bakit ka mag-iisip ng isang bahay na alam mong hindi niya gagawin kung tinitiwalaan mo siya?"
Alam ko. Ayoko lang siyang mapunta sa kung sinu-sino diyan. Pero kung isang mature at mabait na katulad niya, wala akong laban. Pero hindi ko hahayaang makuha lang niya si Yuna ng ganon. Kami ni Yuna ang mas matagal na magkasama.
"Akin siya." Sagot ko sabay labas sa Canteen.

BINABASA MO ANG
Professor Crush
Teen FictionA high school student named Yuna has this little secret. May crush siya sa popular and hearthrob English Professor niya na si Mr. Kim. Nagpapadala siya ng sulat, bulaklak, at mga regalo. But, Yuna's life changed after a very unexpected happening. Th...