Debut

83 1 0
                                    

Chapter 9: Debut

Yuna

"Mama! Asan ang regalo ko?" Nagmamadali kong tanong kay mama habang pababa at suot ko ang binigay ni James na dress. Abot tuhod at medyo balon. Simple lang, pero ang ganda ng details. Para ba akong ikakasal.

"Bakit tulala kayo diyan? Panget ba?" Tanong ko.

Tumayo si mama at lumapit. Hinawakan niya ang pisnge ko. "Anak, dalaga ka na talaga. Napakaganda mo ngayon. Sobrang ganda."

"Compliment ka diyan, Ma ah." Sabay ngiti ko.
"Alam mo, ewan ko na lang kung hindi maglaway sayo si Mr. Kim." Pagbibiro ni Mama.

Narinig ko na ang busina ng kotse ni Maxine.
"Oh Ma, asan na ang regalo ko?"

"Oh ito." Inabot sa akin ni mama ang napakalaking balot na regalo. "Ma, ano ba ang laman nito?" Tanong ko.

"Secret. Magugustuhan niya yan. Nagpatulong pa ako sa mga kaibigan ko."

"Ano?! Eh baka malaking pitchel ang laman nito. Ma, debut 'yon at hindi kasal." Pag-aalala ko.

"Buysit ka naman. Hindi naman ako ganoon katanda. Hala, bilisan mo na."

Wala na akong nasabi at lumabas na.
"Wow, naman. Baka tumulo ang laway sayo ni James niyan." Maxine.

"Para kang si Mama." Sumakay na ako.

Ilang minuto pa, narating na namin.
"Ang laki ng bahay nila." Wika ni Lia.

Mayaman talaga sila. May guard na nagbabantay. Marami ang pumapasok at karamin ay nakakotse. "invitation po?" Tanong nito.

"Lia, asan ang-"

"Girls, naiwan ko." Sabi niya.

"Ano? Sayang naman ang suot ni Yuna." Nagbiro pa si Maxine.

Biglang lumabas si Mr. Kim. Hawak niya ang telepono niya. Nagtago agad ako sa likod para hindi niya makita.

"Mr. Kim!" Tinawag ni Lia.

Napapikit na lang ako.

"Lia? Oh bakit nasa labas pa kayo?" Tanong niya.

"Lumalapit na ba?" Tanong ko kay Adrea. Na tumango.

"Naiwan ko kasi ang invitation card namin. Kaya hindi kami makapasok. Baka naman po." Pagpapa-cute ni Lia.

"Sure. Papasukin sila. Kilala ko sila."

Nagulat ako nang wala na ang mga kaibigan ko. Pumasok na pala. Tumakbo ako pero biglang may humila sa'kin pabalik. "Lia!" Pero hindi nila ako narinig.

Mr. Kim

"Antagal naman nila." Inaantay ko ang mga kaibigan ko sa labas.

"Hep,hep! Invitation card?" Narinig kong sabi ng guard kaya napalingon ako.

"Kasama ko ang mga 'yon!"

"Palusot. Nag-ayos ka pa. Mamaya, magnanakaw ka pa."

Kilala ko ang boses nito ah. "Si Yuna ba yun?"

Lumapit ako. "Bakit?" Tanong ko.

"Siya kasi sir eh. Gustong pumasok eh wala nga siyang dalang invitation card."

Lumingon ako. Nakita ko ang pagbabago niya kapag nakasuot siya ng dress. At nakamake-up. Napakaganda niya.

Tumingin siya sa mga mata ko. Nagkatitigan kami.

"Sir, kilala mo po ba siya?" Tanong ng guard.

Tumango ako. "Girlfriend ko 'to. Anong sabi mo sa kaniya?" Pagtatanong ko.

Professor CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon