Chapter 11: Meeting
Kumakain kami sa sa Canteen. May lumapit na dalawang babae. "Hoy, babae ka. Haliparot."
Anong sabi niya? Haliparot? Napabitaw ako sa kutsara's tinidor ko. "Kinaka-usap mo sarili mo, tapos sa akin ka nakatingin?"
"Ey!" Sabay-sabay nilang sabi sabay takip bibig. Basta yun.
"Kutsara drop." Lia.
"Ah, kutsara drop pala ah." Bigla niyang hinugot ang buhok ko. "Mang-aagaw ka! Ang landi mo! Hindi mo ba ako kilala? Ako lang naman ang ex ni E Don!"
"Bitawan mo 'ko."
"Paano kung ayoko?"
"Ayaw mo?" Hinawakan ko kamay niya at sinampal siya. Napabitaw siya sa buhok ko. Tumayo ako. "Anong sabi mo? Haliparot ako? Ano bang karapatan mo sa kan'ya? Eh ex ka na. Wala naman akong balak na saktan ka. Pero ayoko nang tinatapakan ang pagkatao ko. Paano kung sa'yo ko sinabi yun? Hindi ka naman matutuwa 'di ba? Umalis ka na." Umupo ulit ako at nagpatuloy sa pagkain.
"That's the girl power." Wika ni Lia.
.
"Attention to all the president officers of each class and faculties. We would like to annouce the meeting this afternoon 1 at the main hall. Thank you."
"Para saan na naman kaya yun?" Tanong ni Adrea
"Yuna! Ok ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?"
"Oh, E Don. Bakit? Ok lang ako."
"Pasesnya ka na pala dun."
"Ah ako nga dapat magpasensya. Sorry sa regalo ko." Napayuko ako.
"Yun ang best gift ever na natanggap ko. Hindi ko na nga hinugasan mukha ko kanina eh."
Huh? Ano bang ibig niyang sabihin? Ang kiss ko sa cheek niya?
"Ah!" Tumawa ako ng peke. "Pano mo nalamang sinugod ako ng ex mo?" Tanong ko.
"Ah si Kuya. Nakita niya daw kasi. Nagtanong kasi ako kung nakita ka niya."
Nandito siya nang mangyari 'yon? Nakita niya ba ginawa ko? Mga sinabi ko?
.
President ako sa klase at kailangan kong pumunta sa meeting. Pumasok ako pero wala nang upuan kaya nasa likod na lang ako.
"Ok ka lang?"
Tumingin ako pataas sa lalaking katabi ko. "Ok lang ako, salamat." Sagot ko.
Lumingon siya at humingang malalim. "Buti na lang sinampal mo." Napangiti ako sa sianbi niya. "Ang sakit kaya ng sabunot niya. Tinawag pa akong haliparot." "Tinawag ka niyang haliparot? Yung batang 'yon talaga."
Nagsisikip na at unti-utni na kaming nagdidikit. Hanggang sa natulak ako kaya nabunggo ko na siya. "Ano ba naman 'to." Wika ko.
Humawak siya sa bewang ko at hinila ako palapit sa kan'ya. Tumingin siya sa likod at "Ano bang ginagawa niyo? Natutulak niyo na kami." Sabi niya.
Ngumiti siya sa'kin at tumingin ulit sa unahan. Hindi niya pa rin inaalis ang kamay niya.
"So, we gathered here for the most exciting activity in this Campus. We will have the Valentine's Festival on February 14."
"Valentine's Festival? That would be great. Matutuwa ang mga kaibigan ko nito." Wika ko.
"Talaga? Ano ba mga ginagawa niyo sa Festival?" Tanong niya.
"Kumakain. Meron din kaming booth lagi. Gusto mo, punta ka pa dun eh."
"Anong booth?"
"Jail booth. Alam mo yun? Ikukulong kita."
BINABASA MO ANG
Professor Crush
Novela JuvenilA high school student named Yuna has this little secret. May crush siya sa popular and hearthrob English Professor niya na si Mr. Kim. Nagpapadala siya ng sulat, bulaklak, at mga regalo. But, Yuna's life changed after a very unexpected happening. Th...