Festival

68 1 0
                                        

Chapter 19: Festival

2 weeks later

Everything is fine. Naging maganda ang nangyayari. Maayos na kami ni Andre, maayos na kami ni Mr. Kim.

Pagkatapos ng pag-uusap na 'yon, naging malinaw na sa'min ang lahat. We want to stay calm,in love, but hindi pa kami.

"Kanina ka pa diyan tulala. Ano, wlaa lang balak tumulong dito sa booth natin?"-Lia.

Tumayo ako at pumasok sa jail na ginawa namin para sa festival ngayon. Marami ang taong palibot-libot. Lahat ay naghahanda para sa pagsisimula ng Valentine's Festival.

Kinuha ko ang gunting at ginupit ang nga letrang nakaguhit sa colored-paper.

"Yuna! Ano bang nangyayari sa'yo? Lumampas na gupit mo oh." Wika ni Maxine.

"Sorry."

"Kasi, hindi niya pa nakikita si babe ngayong araw." Pang-aasar naman ni Lia.

Inirapan ko siya at lumabas sa jail. Tumambad sa harap ko ang napakagandang mga rosas. Tumingala ako at nakita ko ang napakagandang ngiti niya.

"Happy Valentine's day, babe."

Tumalikod ako at pumasok ulit sa jail. Naramdamn kong sumunod siya.

"Galit ka ba?" Tanong niya.

Humarap ulit ako. "Dalawang araw ka hindi manlang ako pinansin matapos mag-iba ang schedules mo. Porket hindi na kita professor."

"I'm sorry. Busy lang talaga ako. Ano bang nangayayari sa'yo?"

"Anong nangyayari sa inyo?" Sabay na sabi ni Maxine at Lia.

"Good morning, everyone! Where's my Yuna?" Si Andre.

Tinulak niya si Mr. Kim at ngumiti. "Hello, sunshine. Oh, para sa'yo." Inabot niya ang isang balot. Sinilip ko ito at nakita ang napakadaming chocolate.

Lumingon ako kay Mr. Kim na masama na naman ang tingin kay Andre habang nakapasok ang dalawang mga kamay sa bulsa.

"Mr. Gibbs."-Mr. Kim

Napalingon siya. Ngumiti siyang kinakabahan.
"Mr. Kim, nandiyan ka pala. Bye!" Tumakbo siya palabas ng jail.

Napatawa ako at lumingon ulit kay Mr. Kim na masama pa rin ang tingin.

"Tuwang tuwa ka sa kan'ya?" Tanong niya.
"Ang regalo niya, tinanggap mo. Bakit ako tinalukuran mo?"

Nagpout pa siya ah.

"Hala ang cute."-Lia.

"Sa'yo na nga yang bulaklak mo." Kinuha niya kamay ko at pinahawak ang bulaklak. Iniraon muna ako bago lumabas sa jail.

"Grabi magtampo, hini naman kayo."-Maxine.

"Habulin mo nga yun."-Lia.

Nilapag ko ang mga binigay nila at agad na lumabas. Nakita ko siyang nakatayo sa harap ko. "Akala ko, umalis ka na." Sabay ngiti ko.

"Gusto mong umalis ako? Sige." Tatalikod na sana siya pero hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at ihinarap siya ulit sa'kin.

"Mr. Kim, can you be my date for today?" Tanong ko.

"I'm busy." Ngumiti siya at hinalikan ako. "See you."

Buysit. Buys na naman. Napahiya ba ako? Gusto ko lang naman siya makasama. Masama bang lumandi? Baka nga..

"I, Andre Gibbs, willing to date you for today."

"Talaga?" Lumingon ako sa kaliwa ko at nakita siyang nakasout ng wig. "Ano ba yan?"

Professor CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon