Chapter 5: James
Ra Don
"Ey kuya, come here." Bati sa akin ng kapatid ko na si E Don. Lumapit ako sa kan'ya habang kumakain. "Bakit?" Tanong ko.
Nagtaka ako sa ngiti niya ngayon. Close kami at alam ko kung anong meron. "Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko ulit.
Umling siya habang napapangiti. "Naramdaman mo na ba ang love at first sight?" Tanong niya.
Napangiti ako. "Hindi yun totoo. In love na pala ang baby brother ko?" Lumapit ako sa kan'ya at ginulo ang buhok niya.
"Ano ba kuya? Dadalhin ko siya sa'yo. Maganda siya eh."
"Maganda? Baka masama ang ugali niyan?"
"Nalalaman kong hindi. The way na sumagot siya? I like it. Calm siyang babae at sigurado ako."
"In love ka nga. Sige, sa debut mo this weekend. Asasahan ko 'yang swerteng babaeng yan."
"Thanks."
Tumango ako at tumungo sa kwarto ko. Naka-upo ako habang tinatanggal ang sapatos ko. Bigla kong naalala pinag-usapan namin ng mama ni Yuna. Hindi ko inakalang siya yun.
Flashback~
"Ganito po kasi yan. Nahuli ko pa kasi ang anak ninyo dito sa loob. Nasa CR ako ng mga oras na 'yon. Nagulat ako nang paglabas ko, nakita ko siya sa harap ko. Kaya po, nagkaroon pa kami ng pag-uusap."
Tumayo ako at kinuha libro ko. "Alam niyo ho ba ang sinabi ng anak niyo sa akin? Pinagsigawan niya na manyak ako."
"Huh? So, walang nangyari sa inyong dalawa? Hindi mo kilala ang anak ko?"
Tumango ako. Umupo ulit ako at nagsulat.
"Pasensya na sa ginawa ng anak ko ha. Hindi naman niya siguro intensyon na pumasok. Ano naman kaya gagawin ng batang yun?""Hala? Anak niyo yung babaeng suplada na 'yon?" Sabat ni Jack.
Tumango ang nanay niya. "Kilala mo ang anak ko?" Tanong niya.
"Oo, siya si Suplada. Lagi talaga 'yon pumupunta dito para magbigay ng regalo kay Mr. Kim." Sabay ngiti nito.
"Ano?" Tanong ko. Lagi siyang nandito?
"Opo. Lagi nga po kaming nag-aaway nun kasi inaabangan si Mr. Kim lagi. Inaasar ko siyang hindi mo siya magugustuhan. Sorry po ah. Eh ang suplada niya talaga eh."
"Ang anak ko ang nagbibigay sa'yo ng regalo? Bakit ba? Ah, hehe pasensya na sa anak ko ha. Hindi pa kasi nagkakaboyfriend yun kaya ganoon mainlove. Pagsasabihan ko na lang."
"Sige po."
"Ano bang binibigay niya sa'yo? Ganun ka ba kagwapo? Sulat ba? Ah hehe mahilig talaga 'yon sa pagsusulat ng mga poem."
Peom? Hindi kaya siya si Y-weeji? Naisip kong ipakita sa kan'ya ang sulat baka makilala niya ang sulat-kamay ni Yuna.
"Sulat niya po ba ito?" Tanong ko.
"Hala? Siya?!" Tanong ni Jack. Lumapit na siya sa amin.
"Pa'no napunta 'to sayo?" Tanong niya. "Ito ang sulat niya. Nandito pala sayo. Ito mga ibinibigay niya sayo? Nagustuhan niyo ba?"
Siya nga. Bakit hindi ko agad naisip na baka siya nga iyon. Lagi ko naman siyang nakikitang kausap si Jack.
Kaya siya pumunta dito, para ibigay ang regalo niya. Siya si Y-weeji.
"Okay ka lang Mr. Kim?" Tanong nilang dalawa sa akin.
Tumango naman ako. Ngayong alam ko na, parang naisip kong hindi tama ang ginawa ko sa kan'ya. Dapat hindi agad ako nanghusga.
"Oh sige, Mr. Kim. Aalis na ako. Maraming salamat sa oras na ibinigay niyo sa akin. Pasensya na po sa anak ko. Pagsasabihan ko po siyang 'wag na kayo guluhin."
Tumayo siya at tuluyan nang lumisan sa faculty room. Agad na umupo sa harap ko si Jack. Tumatawa siya. Kahit siya, gulat din. "Mr. Kim! Siya si Y-weeji! Hindi ko inakalang siya yung supladang yun. I can't believe it!"
"Kahit ako rin eh."
"Ano na balak mo ngayon?"
"Natuwa ako talagang nakilala ko na siya."
End~
"Kuya, tingan mo 'tong picture niya."
"Huh? Patingin nga." Lumapit siya.
Ipinakita niya ang litrato. "Siya si Yuna Del Luna. Sabi ko naman sa'yo, maganda siya."
Si Yuna. Pa'no sila nagkakilala? Y-weeji ang username niya.
"Kilala mo siya?" Tanong niya. Tumango ako. "Estudyante ko siya."
"Talaga?" Kumapit siya sa akin. "Tulungan mo naman ako! 'Di ba malakas ka sa mga babae?"
"Huh? Bakit ako? Ayoko nga. Hindi naman kami close niyan."
Aagawan pa ako. Ngayon pang nalaman ko nang siya si Y-weeji. Sa bagay, hindi kami pwede.
"Okay lang. Ako na lang bahala. For sure, makukuha ko naman siya. Sa gwapo kong 'to."
"Hindi ikaw ang tipo nun." Ako.
"I'm gonna make her fall to me. Only me."
Hambog. "Bahala ka."
.
The next day
Yuna
"Yuna bilisan mo pumasok sa classroom ninyo! Si E Don nasa loob at hinahanap ka."
"Sinong E Don? At bakit naman ako hahanapin nun?"
"Sikat na sikat siya sa School na 'to. Paanong hindi mo siya kilala? Ang swerte mo talaga. Nung una, ang kuya niya. Ngayon naman, si James naman."
"Huh? Ano bang sinasabi niyo?" Pumasok na lang ako sa loob.
"Hi Yuna!"
Si James Kim. At may kasama pang mga alalay.
"Oh anong nangyayari? Ring?!" Narinig ko na naman tili ni Lia. Tumakbo siya papunta kina James.
"Ring!" Anong ring ang pinagsasabi nitong si Lia.
Lumapit naman sa akin si James pero nilampasan ko lang siya at umupo na.
"What?" Lumapit na naman ang buysit. "Hello?" Pagbati niya sa akin.
Umupo siya sa harap ko. "Nga pala, dinalhan kita ng breakfast. Binili ko sa canteen yan." Inabot niya sa akin ang paper bag.
Tiningnan ko lang. "Canteen? Ayoko nga. Baka mamatay pa ako diyan."
"Bakit naman?" Tanong ng kasama niyang pula ang buhok. Inirapan ko na lang.
"Alam mo, ang arte mo. Akin na nga lang." Kinuha ito ni Lia.Tumayo ako and I crossed my arms. "Pasensya na James Kim pero pwede bang umalis na kayo kasi oras na ng pag-aaral. Anytime, dadating na ang Professor namin. Please?"
Tumango siya at ngumiti. Nagulat ako sa biglang paghaplos niya sa buhok ko. "Ang ganda mo ngayon."
Parang tanga. Ano bang feeling 'to? My heart flutters. Magkatingin ang mga mata namin. Ang cute niyang ngumiti. Nakikita ko sa kan'ya si Professor crush. Peri bakit parang mas nabibihag ako nitong lalaking 'to.
"Alam mo, nakakasiguro akong wala na 'tong lason." Binuksan niya ang bag niya at may inilabas siyang soy drink. Ang favorite ko. "Ito, sa'yo na lang. Para mas lalo kang gumanda."
"Palabiro." Nakangiti na rin pala ako. Kinuha ko ang soy drink. Kumindat siya na siya namang ikinalabas na ng mga ngipin ko. Totoong ngiti na pala talaga.
"Ah, I just want to give you the invitation card. Binigay ko na sa kaibigan mo. My debut is this coming Sunday. Sana naman makapunta ka." Napakamot-ulo siya. Nahiya pa.
Nakakatuwa naman siya. "Sige, kita na lang tayo mamaya." At tuluyan na silang lumabas sa room.
James..
![](https://img.wattpad.com/cover/229122298-288-k846614.jpg)
BINABASA MO ANG
Professor Crush
Fiksi RemajaA high school student named Yuna has this little secret. May crush siya sa popular and hearthrob English Professor niya na si Mr. Kim. Nagpapadala siya ng sulat, bulaklak, at mga regalo. But, Yuna's life changed after a very unexpected happening. Th...