Chapter 17: Ignore
Yuna
Nagsimula na ang klase at hindi ako tumitingin sa kan'ya. Sinusulat ko na lamang ang sinasabi niya.
Madaling natapos ito. Napansin din ng mga kaibigan ko ang hindi ko pagsasalita.
"Ok ka lang ba?" Tanong sa'kin nung dalawa.
Tumango naman ako pero iba talaga pang-amoy ng mga kaibigan ko.
"Iniiwasan mo ba kami?" Tanong ni Lia
"Naku, hindi! Nag-usap kasi kami ni Mama kagabi. Nalaman niya kasing wala na ako sa top, kaya napagalitan ako. Gusto niyang umiwas ako kay Mr. Kim. At alam ko namang mas makakabuti 'yon sa lahat. Sundin ko na lang siya."
"Ano?! Seryoso? Hanggang ba ngayon, hindu pa rin kayo magkalinawan? Parang kahapon lang naging kayo ah."-Lia.
Inakbayan ako ni Maxine. "Sinabi nga ng Mama mo. Tama na man siya eh. Dapat, ini-enjoy mo ang high school life mo. Para ka na kasing matanda mag-isip ngayon. Nagbago ka na. Pero 'wag ka mag-alala, kahit makita ko pa kayong dalawa ni Mr. Kim, hindi naman kita isusumbong. Basta masaya ka. Sabi mo nga, tiwalaan ka namin dito."
Natouched naman ako. Mabuti na lang, sila ang mga kaibigan ko.
"Salamat sainyo. Pero desisyon kong umiwas. Naisip ko nga, nagbabago na talaga ako. At ayoko pa sa relasyon. Hindi naman ako ganito dati. Pero habang tumatagal, ito na ako. Natatakot ako na kapag nasaktan ako, ibang ako na makikita niyo."
"Tama ka diyan, sis." Sabay yakap sa'kin ni Lia.
.
Canteen
Nakapila kami at naghihintay na makabili ng pagkain. Chismis na naman kasi inuuna ng mga tindera.
"Yuna, si Mr. Kim." Bulong ni Lia. Lumingon ako sa tinuro niya at nakita siyang papalapit. Nagkatinginan kami kaya mahahalata ako.
"Ano sa'yo?" Tanong ng tindera."Kahit ano! Bilis!" Hindi ko na tiningnan binigay niyang pagkain at umalis agad ako. Humanap ako ng tagong mesa para hindi niya makita.
"Yuna, sandali nga. Kawawa naman yung tao. Nilampasan mo lang."-Lia.
"Umupo ka na kaya, para hindi tayo mapansin?"
"Uhm, sis.."
Dumating na nga siya. Nasundan pa kami sa tagong parte na 'to.
"Umiiwas ka ba?" Tanong niya.
Hindi ko na siya pinansin at kumain na ako.
"Yuna, sumagot ka nga."Maxine."Yuna." Tawag niya sa'kin.
Hindi pa rin ako lumingon. "Yuna." Tawag niya ulit. Binagsak ko ang utensils ko at tiningnan siya ng masama. "Bakit?" Tanong ko.
"May problema tayo."
"Matagal na tayong may problema, Mr. Kim. Ano bang gusto mo na naman sabihin? Nandito ka na naman. Nasasawa na ako sa mukha mo. Pwede bang kahit ngayon lang, tantanan mo naman ako!"
Hindi ko gusto ang mga sinabi ko. Sinabi ko lang 'yon para tuluyan na siyang umiwas.
"Bakit mo sinasabi yan?"
"Hindi ba obvious? Ayaw kitang makita. Tapos!"
"Sabihin mo na lang sanang umiiwas ka. Kailangan ba talaga laging may masasakit na salita kang bibitawan umalis lang ako? Naiintindihan ko naman ang Mama mo. Yuna, Professor mo pa rin ako."
Umalis siya.
"Ang sama mo kanina ah."-Lia.
"Hindi ko sinasadya." Sagot ko.

BINABASA MO ANG
Professor Crush
Novela JuvenilA high school student named Yuna has this little secret. May crush siya sa popular and hearthrob English Professor niya na si Mr. Kim. Nagpapadala siya ng sulat, bulaklak, at mga regalo. But, Yuna's life changed after a very unexpected happening. Th...