Chapter 23: Enough
Yuna
Nakabalik na kami at tapos na ako magpahinga. Mag gagabi na naman. Nakita kong nagtipon-tipon sila.
Tumayo ako at lumapit. Pina-upo ako ni Lia sa tabi niya. Madaming professors at kami lang at magkakaibigan ang nandito.
Napatingin ako kay Mr. Kim. Nakatingala na naman siya sa langit.
"Yuna!" Tawag sa'kin.
Lumapit ang isang professor at tinayo ako. Hinila niya ako sa gitna. "Kumusta?" Tnaong niya. "Ok naman po." Sagot ko.
"Bumunot ka dito." Ipinakita niya ang isal bowl na may mga papel. Bumunot naman ako.
Binuksan niya ito. "Pumili ka ng tatlong taong sasayaw sa harap mo.""Ano? Si Lia ba ang gumawa ng mga tanong diyan?" Lumingon ako. Tumawa naman sila.
"Pwede po bang hindi ako pumili?"
"Ako na ang pipili!" Sigaw ni Lia.
"Sige Ms. Lia." Wika ng professor.
"Si Andre, James at Mr. Kim po!"
Buysit. Anong balak niya?
"Punta na kayong tatlo!"
Tawang-tawa si Andre na agad tumayo at hinila si James. Inaantay ng lahat si Mr. Kim. Tumatawa lang ako.
Tumayo siya, ang akala ko lalapit siya pero umalis pala siya. "Sayaw!" Tumugtog.
Pero at tingin ko, sa kan'ya pa rin. Tinitinganan ang likod niya.
"Yuna, saan ka pupunta?" Tanong ni Lia.
Sumusunod na pala ako. Nasa likod niya ako.
Bigla siyang humarap. Umiwas naman ako ng tingin.Hindi niya ako pinansin at umalis na naman.
Nakakapikon na. Lagi na lang ba ako iiwasan? Hindi siya napapagod. Paulit-ulit na lang ang nangyayari."Hoy, Mr. Kim!" Tawag ko.
Hindi siya humarap at patuloy na naglakad. Sinundan ko pa rin siya. Hanggang sa makarating kami sa hindi nila nakikita.
"Don!"
"Ano ba?!" Humarap siya. "Ano? Ano na naman ba, ha?! Hindi ka ba napapagod? Umiiwas na ako. Nakakairita ka na. Lagi ka na lang nandiyan. Ano bang gusto mo?"
Sumisigaw siya. Totoong galit na talaga siya.
"Bakit ka ba sumisigaw?""'Di ba, sinabi ko naman sa'yong hindi na kita gusto. Ano pa ba?"
"Ano yung kagabi? Kahapon? Akala ko takpt ka ring mawala ako."
"Ano ba? Tanga ka ba o sadyang malandi lang talaga?"
Sinampal ko siya. Bakit, bawal ba?
"Pagod na ako, Mr. Kim. Akala mo madali?! Ikaw 'tong harot ng harot ah. Nakakairita ako? Mas lalo ka na! Mabuti ngang nagstay pa ako. Pilit na lang 'to. Mali talaga ang pagkakilala ko sa'yo."
Tumalikod ako.
Humawak siya at hinarap ulit ako.
Nagmeet na naman ang mga labi namin.
Tama na.
Pumikit ako.
Kumalas siya.
Magkadikit ang mga noo namin.
"I'm sorry." Sabi niya.
Tinapik ko ang braso niya. "This is enough, Mr. Kim. Tama na ang drama. Hindi na bagay sa'yo. Ito na ang huli."

BINABASA MO ANG
Professor Crush
Fiksi RemajaA high school student named Yuna has this little secret. May crush siya sa popular and hearthrob English Professor niya na si Mr. Kim. Nagpapadala siya ng sulat, bulaklak, at mga regalo. But, Yuna's life changed after a very unexpected happening. Th...