Secret

289 4 1
                                    

Chapter 1: Secret

Yuna

Dali-dali akong tumatakbo patungong classroom namin. Alas 8 na at late na ako. First subject ko pa naman ay Math. Nakakahilo na.

Nang marating ko ay binuksan ko ang pinto nang hingal na Hingal. Laking gulat ko nang makita silang lahat na nakatitig saakin. Embarrassing. Napakamot ulo na lang ako sa hiya. Dahan-dahan akong tumungo sa upuan ko nang hindi pinapansin ang professor ko.

Ngunit bago pa ako maka-upo, may tumama sa likod ko. Napatingin ako sa paligid and fake smiled.

"Ano ba yun?" Tanog ko sasarili ko. Ang sakit ah.

"Is this how your latecomers treat the Prof?"

Patay, si prof na nga. Yuna, 'wag kang lilingon.

Lumapit sa'kin ang katabi ko. At bumulong. "Si Professor Crush ang bago nating English sub-teacher."

Napadilat ako at bigla akong lumingon sa kan'ya. Nakatitig siya saakin na para bang late ako. Akala niya nakalimutan ko ang ginawa niya saakin kahapon? Pinahiya niya ako.

Ang lakas ng loob niyang pumasok dito. Hindi niya ba alam na ako magiging estudyante niya  dito?

Pero ang cute niya talaga kahit walang reaksyon ang mukha niya. At lumalapit niya siya saakin. Nasa harap ko na siya ngayon. At lumalapit, palapit, lapit-

"Really want a detention, huh?" Tanong niya while he smirk.

Cute pa rin siya sa smirk.

"If you don't want to attend my class, get out."

Bigla akong nagising sa katotohan. Nasa harap ko siya. Napa-atras ako,dahil galit ako.
"At bakit mo ko pa-aalisin?" Tanong ko.

Nararamdaman kong hinuhugot na ng kaklase ko ang palda ko. Bakit ako magpapatinag sa kan'ya. Sino siya?

Inilagay niya ang mga kamay niya sa bewang niya. "Anong sabi mo?" Tanong niya.

"Sabi ko, bakit mo ko pa-aalisin? Ikaw ba professor ko? Tyaka ang aga mo naman ata. Mathematics kami ngayon at hindi Ingles. Another word, hindi ka cute!" Paliwanag ko

Sabay-sabay namang nagtawanan ang mga kaklase ko.

Bakit sila nagtatawanan? Ano sinabi ko? May nasabi ba akong mali? 

Nag-switch nga pala ang Math at English two weeks ago pa. Nakakahiya.

"Here." Inabot niya sa'kin ang isang maliit na papel. "Detention card. Goodluck." At bumalik siya sa harapan sabay nang pag ring ng bell. Kinuha niya ang mga gamit niya at lumabas.

Napahingang malalim ako.
May humawak sa balikat ko.

"Anong nangyari sayo?" Napalingon ako sa mga kaibigan kong ngiting-ngiti. "Ano nakakatawa?" Tanong ko. "Deserve niya yun."

Umupo ako habang nasa harap ko pa rin ang mga asungot kong kaibigan.

"Alam mo Yuna, hindi niya deserve yun. Eh kasalanan niya bang baliw na baliw ka sa kan'ya? Estudyante ka lang. Sa tingin mo magugustuhan ka niya?"

"Wala namang imposible 'di ba? Pero professor natin siya, Yuna. Baka ibagsak ka niya."

Tumango ako. "Tama, hindi niya deserve yun. At ako? Deserve ko bang mapahiya sa buong school kahapon?"

"Alam mo namang madaming nagkakagusto sakan'ya. At marami na rin siyang na-reject, Yuna. So, what do you expect? Nakakatawa ka naman."

"Hindi niyo naiintindihan eh!" Sambit ko.

Professor CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon