Chapter 10: Teddy Bear
Ra Don
Nahatid ko na si Yuna at isusunod ko naman si Lia.
"Mr. Kim, alam mo po, pareho naman kayong maswerte sa isa't isa eh. Mabait na kaibigan at tao si Yuna. Alam ko yun. Responsable siya at kanina 'di ba? Para siyang nanay kung makabilin." Ngumiti ako sa narinig ko.
"Masaya po akong ikaw din ang boyfriend niya. Panatag ang loob ko. Ingatan niyo na lang po siya. Kasi yun din naman lagi niyang ginagawa. Talagang gustong-gusto ka niya. Nung mga araw na one-sided love pa lang, halos humadusay siya sa sahig kapag dumadaan ka. Nakakatuwa po hindi ba?" Naririnig kong tumatawa pa ang mga lasing.
"Tama! Kaya the best secret admirer geos to.."
"Yuna!" Sabay-sabay silang sumigaw. Na siya namang kinatawa ko.
"Sir, mahal na mahal namin si Yuna. Sana kayo din." Wika naman ni Lia.
"Makaka-asa kayo."
.
"Oh kuya! Ok ka lang?" Tanong ni E Don.
Tumango ako. Nakita ko ang mga regalo na inumpisahan niya nang buksan. Umupo ako sa tabi niya para kumuha ng regalo.Nakita ko yung malaking bag na kulay pula. Kinuha ko ito at binuksan. Natawa ako dahil teddy bear ang laman.
"Ano yan? Bakit naman siya nagregalo ng teddy bear? Ang sweet naman. Kanino galing?"
Tininganan ko ang lalagyan. Galing kay Yuna.
Sweet?! Bakit siya nagbigay ng teddy bear? Ang sweet naman. Nakakabuysit."Ah walang pangalan eh. Pwede bang akin na lang? Ang soft kasi eh." Palusot ko.
"Sige, sayo na yan. Pero, kailan ka pa nahilig sa teddy bear? Sa edad mong yan?" Tanong niya.
"At bakit, bawal? Matutulog ako. Napagod ako sa paghatid."
Tumayo na ako at niyakap ang teddy bear.
Humiga ako sa kama habang nakatitig sa teddy bear. "Hi Yuna. Pangalan mo ay Yuna." Niyakap ko si Yuna buong gabi..
Anong oras na, pero wala pa rin ang magkakaibigan. Si Adrea lang ang nakikita ko.
Bumukas ang pinto. Bumungad sa harap ko. Hingal na hingal si Maxine at Lia."Sorry, sir we're late."
"Si Yuna?" Unang tanong ko.
"Si sir, kaaga-aga si Yuna na naman ang hanap. Uupo na po kami dun." Wika ni Lia.
Asan na kaya ang babaeng yun?
.
"Yuna! Hindi ka ba papasok?" Tanong ni mama habang niyuyugyog ako. "Ang aga pa!"
Pinalo pa ako sa pwet. "Alas otso na!"Bigla akong tumayo kahit hindi pa ako nakadidilat. At boom, lumagapak ang noo ko.
.
Edi takbo na naman ako para makahabol. Nang bubuksan ko na sana ang pinto bigla itong bumukas kaya nadala ako. "Ah!" Sigaw ko.
Papikit ako. Hindi ako bumagsak sa sahig. Bakit malambot?
Dumilat ako. Nakapatong ako kay Professor Kim. Agad akong tumayo. Tinulungan ko siyang makatayo. "Sorry po."
"Anong nangyari sa noo mo? Dahil ba yan kagabi?" Tanong niya.
"Ah, hindi po. Nauntog po kasi ako sa pinto ko kanina." Yumuko ako at tumakbo papuntang upuan ko.
"Ang sakit ng ulo ko." Reklamo ni Lia na nakapatong ang ulo sa mesa. "Oh."
May nagpatong ng malaking bote ng tubig sa mesa namin. "Inumin mo yan para mawala ang sakit ng ulo mo. Madami kang nainom kagabi."
"Thank you Mr. Kim." Sagot ni Lia.
"Nga pala, Yuna. Mamaya pumunta ka sa faculty room namin. Ibibigay ko sayo ang awards mo. After class."
"Sige po." Humawak siya sa ulo ko bago tumalikod at lumabas ng classroom.
"Ang sweet niya talaga."
.
After class
Agad akong tumungo sa faculty. Nakita ko nanamn ang janitor.
"Oh, bakit nandito ka na naman?" Tanong niya.
"Pinatawag ako ni Mr. Kim." Sagot ko.
"Wow, feelingera. Porket ikaw si Y-weeji."
"Paano mo nalaman yun?" Tanong ko.
Ngumiti lang siya. "Yuna." Tawag sa akin ni Mr. Kim. "Oh, see? Pinatawag ako."
Pumasok ako at walang ibang tao kundi ako at si Mr. Kim. Inabot niya sa'kin ang mga certificate. "Thank you po." kinuha ko ang phone ko at nagselfie.
Nakatitig pala siya. "Ah sir, picture tayo." Itinapat ko ang camera saaming dalawa. "Sir, lapit kayo para makita tayong dalawa. Lumapit siya at magkadikit ang mga mukha namin. "Smile." Sabi ko.
"You're welcome."
"Hoy, suplada." Tawag saakin ni Janitor.
"An bang problema mo?" Tanong ko.
Lumapit siya sa'kin. As in lapit sa mukha.
"Ayt! Lumayo ka nga!" Lumayo siya at ngumiti.
"May problema ka ba sa utak?"Umupo siya sa tabi ko. "Alam mo, ibang iba ka sa personal. Sa mga sulat mo kasi, kahit ako talagang mahuhulog sa'yo. Ikaw lang pala yun? Mas lalong hindi ka magugustuhan ni Mr. Kim."
"Aalis na ako!" Tumayo ako at lumabas ng room. Nakita ko si Andre. Nagkatinginan kami. Umiwas ako.
"Yuna, naiwan mo ang-" Lumingon ako kay Mr. Kim na dala ang phone ko.
"Yuna!" Sigaw ni Andre. Lumapit siya.
"Mag-usap tayo. Bakit kasama mo siya? Aminin mo nga, boyfriend mo ba talaga si Mr. Kim?" Tanong niya.Galit pa rin ako sa ginawa niya. "Oo."
"Hindi ka naman ganito, Yuna. Bakit siya? Seryoso ka ba?"
Ang kulit. Wala na akong nagawa. Yumakap ako sa bewang ni Mr. Kim. "Boyfriend ko siya kaya umiwas ka na. Akala mo ba, napatawad na kita sa ginawa mo? Hindi."
"Sorry. Alam ko namang magagalit ka pero-"
"Kung alam mong magagalit ako, bakit mo ginawa?!" Kumalas ako.
"Andre, 'wag na muna ngayon please."
"Sige." Tumalikod siya at iniwan ako.
"Ang phone mo." Kinuha ko at umalis na ako nang hindi man lang nagpasalamat.
.
Umuwi ako at nakita si Mama at Yurem na kumakain. Umupo ako pero wala kong ganang kumain.
"Ano? Nagustuhan niya ba regalo mo?" Mama.
Umiling ako. "Hindi ko alam. Ano ba laman nun?""Teddy bear."
"Teddy bear?! Bakit?! Ma, 21 na yun!"
"21? Bakit late ata debut niya?" Tanong ni Mama.
Tumayo ako. "Ma, lalaki yun!""Huh? Eh bakit kasi hindi mo sinabing lalaki!"
"Ano na lang sasabihin niya? Ginawa natin siyang bata. Wala na akong mukhang maihaharap sa kan'ya."
Umakyat na lang ako sa taas.
.
Ra Don.
Nasa kwarto ako at nakahiga while roaming the internet. Tumalikod ako at nakitang nakaharap sa'kin ang teddy bear. Binaba ko na ang phone ko at niyakap si Yuna.
"Ang sarap mong katabi, Yuna. Ginagawa mo akong bata ulit." Saby ngiti.

BINABASA MO ANG
Professor Crush
Fiksi RemajaA high school student named Yuna has this little secret. May crush siya sa popular and hearthrob English Professor niya na si Mr. Kim. Nagpapadala siya ng sulat, bulaklak, at mga regalo. But, Yuna's life changed after a very unexpected happening. Th...