PROLOGO

678 26 1
                                    

"Uy balita ko last day mo na ngayon ah?" ang sabi ni Michael na siyang katrabaho ni Trevin sa opisina na siyang katabi din nito. Napalingon siya rito at napahinto sa kanyang pagtitipa habang si Michael naman ay nakaharap sa computer niya at tila inaanalisa ang kanyang ginagawa.

"Anong last day? Magbabakasyon lang ako, medyo exhausted na ko sa trabaho. Alam mo na kailangan ding i-treat ko sarili ko, tiyaka kasama ko naman si Archie, naplano na namin na doon sa bayan nila sa Bulacan magbakasyon, hindi kalayuan dito sa Metro kaya pabor din sa akin, hindi magastos pero makakapag-relax pa din ako." ang tugon ni Trevin at bumalk siya sa kanyang pagtitipa.

"Ang kuripot mo talaga ginamit mo pa si Archie para lang magkaroon ka ng tipid na bakasyon." ang pabirong sabi ni Michael at nadinig ni Trevin na nagtitipa na din ito. Hindi naman naiwasan na hindi tignan ni Trevin si Archie na noon ay abala din sa kanyang ginagawa, hindi niya maiwasan na hindi mangiti dahil sa nagsisimula nang magsalubong ang mga kilay ni Archie, nangangahulugang nalilito o nahihirapan na siya sa ginagawa niya.

"Hindi ah sadyang close lang kami ni Archie, alam mo naman na halos magkapatid na ang turingan naming dalawa." ang sabi ni Trevin bilang pahabol na tugon.

Huminto sa kanyang pagtitipa si Michael at bahagyang nag-inat ng kanyang mga braso at kamay. "Pero si Archie, kapatid nga lang ba ang tingin sa'yo?" ang mahinang sabi ni Michael bilang pag-iwas na din na madinig iyon ng iba nilang kaopisina. Napahinto naman muli si Trevin sa kanyang pagtitipa at napatingin kay michael na noon ay nakatingin din sa kanya at tila hinihintay ang magiging sagot niya.

"Ano ba 'yang sinasabi mo? Oo naman matalik kaming magkaibigan at magkapatid na halos at sigurado akong 'yon din ang tingin niya sa akin. Mukha lang babakla-bakla 'yang si Archie pero lalaki 'yan. Ikaw talaga kalalaki mong tao ang malisyoso mo." ang naging tugon ni Trevin at napailing na din siya bilang pagpapakita na hindi niya nagustuhan ang iniisip na iyon ni Michael patungkol kay Archie.

"Okay, maniniwala ako dahil ikaw ang nagsabi. Teka nga at makapagtimpla na muna ng kape at medyo nabuburyo na ko dito sa ginagawa ko, ikaw baka gusto mo ng kape isabay na kita ng pagtitimpla?" ang sabi at pag-aalok ni Michael kasabay ng pagtayo nito.

"Hindi sige salamat, hindi pa naman ako inaantok." ang pagtanggi ni Trevin at nang makaalis na si Michael ay siya namang baling ni Trevin ng tingin kay Archie na noo'y abala pa din sa trabaho nito. Hindi naiwasan ni Trevin na mapakunot ng noo nang makita niyang lumapit ang isa nilang katrabaho na kilala sa buong opisina nila dahil sa kakisigan nito, kaya walang ano-ano ay tumayo si Trevin at agad ding lumapit kay Archie.

"Uy Archie... ay pasensiya na may pinag-uusapan ba kayong mahalaga ni Derek?" ang pagkukunwari ni Trevin na hindi niya sadya ang pagsali niya sa usapan ng dalawa.

"Ah wala naman, actually napansin ko lang kasi si Archie na parang nahihirapan sa ginagawa niya kaya naman I decided na tumayo at lapitan siya para alamin kung ano ang problema at mag-offer na din ng tulong at the same time." ang tugon ni Derek at ibinalik nito ang tingin kay Archie na nakatingin naman noon kay Trevin.

"Ah pa-hero..." ang mahinang sambit ni Trevin ngunit nadinig pa din iyon ni Derek.

"Sorry are you saying something?" ang biglaang tugon ni Derek.

"Ah wala, naisip ko lang kasi na parang gusto ko mag-tour sa mga bayan ng mga bayani ng bansa na makikita sa Bulacan, alam mo kasi magbabakasyon ako sa probinsiya nitong si Archie." ang tugon nito bilang pagdepensa na din.

"Wow! Is that true? Teka kailan naman 'yan?" ang tanong na tugon ni Derek.

"Bukas na, well ang totoo ay mamaya na after ng trabaho, naplano na kasi namin 'to buti nga na-approved ang vacation leave namin na 'to." ang pagtugon naman ni Archie.

Never FadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon